Sermon'
Angel POV:
Huwaw ngayon lang ulit ako naka uwi sa pilipinas pag katapos ng tatlong taon ko sa Japan parang namiss ko ng sobra Ang Lugar nato..
Pag pasok namin ni mom sa bahay nag tatakbo akong nilibot Ang bahay namin. Malinis at mukang wala rin ata Sila Leo at Julian.
Anak ni dad sa ibang girl, half brothers ko.
Si Yaya loleng lang Ang sumalubong samin, Wala ata sila manong tajo e.
Nakakatuwa naman at nandito pa yung picture namin na mag kakasama nila Leo at Julian. Panigurado miss nako Ng mga to
Medyo Hindi ko na rin tanda yung Nangyari last 3years Marami-rami narin kasing Ng yari sa buhay ko.Hindi na Kaya sila galit sakin, Samin ni mom?
Dali-dali akong umakyat ng hagdan para puntahan ang luma kong kwarto iniwan ko dun yung mga teddy bears ko e. Hindi rin Ako na bigo nandun parin Sila naka ayos.
Napaka linis parin Ng bahay Hindi mahahalata na Sila Leo at Julian lang Ang nakatira. pati pala sila yaya at Sina manong heheh
Pabagsak akong humiga sa kama ko. Na miss ko Ang Lugar ko, napa palin Ang tingin ko sa cabinet ko Kaya agad akong tumayo para tignan ang laman nito.
Wow yung magic baul naming tatlo nila Leo at Julian narito pa.
Picture's ang laman pati mga paper stars na ginawa namin, Lalo tuloy ako na sabik na makita Ang mga kapatid ko baka magulat Sila narito na ulit ang paborito nilang prinsesa HAHAH
Sawakas at natupad Kona rin promise ko sa kanila na babalik Ako at mag sasama ulit kami, Natagalan nga lang.
"Angel anak, pinapatawag ka Ng mom mo kakain na raw." Bigla Naman sumulpot si yaya loleng mula sa likod ko, nakakagulat Naman.
Ibinaba ko muna sa sahig yung magic baul namin at sumunod na sa pag lalakad ni Yaya.
"Kumain kana muna luc- angel." Aya ni mom. ibang pangalan pa yata Ang babanggitin nya.
Lucy, Lucy raw ang pangalan ko pang aasar sakin noon Ng mga school mates ko. Comatose Kasi yung teacher at classmate namin simula mg mapag buhatan ko sya ng kamay, Hindi Kona rin tanda micro amnesia daw sabi Ng doctor.
"asan pala sila Leo at Julian?" Tanong ni mom Kay yaya habang sumasandok ng kanin. Nakatayo si yaya sa gilid ni mom at naka Yuko lang.
"Wala na naman ba sila sa dito?" Tanong ulit ni mom.
Napaka strikto din nito ni mom nakakatakut.
"S-si julian lang po narin sa kwarto nya, kakauwi lang Po mga alas dos Ng Umaga mukang galing sa inuman." Sagot ni Yaya loleng.
Grabe? Nag iinom na pala si julian ngayun dati orange juice lang ok's na kami e.
"Si leo?" Seryosong tanong ni mom.
Napalunok nalang ako dahil napaka seryoso ni mom pati si yaya parang kinakabahan narin.
Si mom Kasi grabe magalit nakakapanlisik pa yung mata parang mangangain.
"Dalwang araw na po na hindi umuuwi si leo ma'am." Sagot ulit ni Yaya
Sa pagiging chismosa ko Hindi Nako maka Kain dahil pinapakinggan ko lang Sila.
"G-ganon ba. Sige Ako Ng bahala Ang kumausap sa kanila, mga pasaway na Bata." Sabi ni mom at nag simula Ng kumain.
Sumunod narin ako sa pag kain sinenyasan ko Naman si yaya ng pag Alok pero tumango lang sya.
YOU ARE READING
My seven deadly boys (Boys series #1)
Teen FictionYou loved me more than yourself, so I loved you more than my life.