PINYA
Angel POV:
Maaga akong na gising sa ingay Mula sa labas tunog ng pag patak ng bola sa sahig at pag Tama ng bola sa ring. Nag lalaro siguro ng basketball Ang mga luko.
Pag ka baba ko palang mula sa second floor ng bahay namin, napa Wow' react ako sa na datnan ko sa dinning area namin, nag hahanda si yaya ng mga pinggan at kutsarita. At paborito ko pang pag Kain Ang naka handa.
Sisig at kaldireta ang pag kain at na alala ko rin Hindi lang pala ako ang may paborito sa pagkaing yon, yung dalwa Kong kolokoy na kapatid .
"Gising kana pala, halika at kumain kana tatawagin ko lang ang mga kapatid mo."
Sabi ni Yaya Hindi nako nag abalang sumagot pa dahil natatakam na talaga ako sa pag Kain.Lumabas si yaya loleng at pag balik nya ay kasunod nya na ang dalawa kong kapatid.
"Good morning angel!" Masiglang bati sakin ni Julian nginitian ko lang sya bilang sagot Wala rin Kasi Ako sa mood dumaldal ng dumaldal dahil gutom Nako.
Napansin ko rin si leo na sinamaan ng tingin si Julian para bang Hindi nya gusto na nakikipag usap sakin si Julian.
Pawis na pawis sila pareho hawak hawak pa nga nitong si Julian yung bola at dali daling umupo ng makita Ang pagkain.
Sabay hagis ng bola duun sa sulok, parang gutom na gutom na. Sabagay Hindi ko Sila na kita'ng kumain kagabi na sermonan Kasi ni mom.
Asan nga Pala yung nanay ko at Hindi namin kasabay sa hapag kainan?
"Yaya, si mom Po?" Tanong ko Kay Yaya
"Bakit mo ba hinahanap yung Wala." Seryosong tanong ni Leo habang tumutungga ng tubig sa baso, Parang luko mag tanong e.
Edi wow epal nanaman sya.
"Kaya ko nga hinahanap Kasi Wala e." Sarkastiko Kong sagot at inirapan sya.
May point naman Ako e Kaya ko hinahanap Kasi Wala, Hindi ko makita gusto nya lang talaga akong pag sungitan.
Wala Naman talaga Kasi akong balak maging masungit pero Hindi ko maiwasang na Hindi sya gantihan sa pagiging masungit nya.
Anung akala mo boy ikaw lang Marunong mag sungit Ako rin no, che!
Nag papalitan lang Kami ni Leo ng matatalas na tingin, habang si Julian naman ay nasa gitna namin.
"Naku Ang sarap sarap talaga mag luto ni Yaya loleng!" Pamutol ni Julian sa pag titinginan namin ng masama nitong si Leo.
"Tama na yan kumain muna kayo, angel kakausapin nalang Kita mamaya pag katapos nyu kumain." Sabi ni Yaya at bumalik na ulit sya sa kusina nililinis yung mga pinag gamitan nya.
"May pasok na next next week makakasabay na natin sa pag pasok si angel." Naka ngiting wika nitong si Julian at may pa taas taas pa ng kanyang kutsara.
Hindi ko mapigilang Hindi sya tawanan sa ginagawa nya at ganun rin sya.
"What's funny, kumain nga kayo ng tahimik." Seryosong pag kakasabi ni Leo, para Naman tung others.
Parehas sila ni mom ayaw ng maingay pag kumakain. Oh edi sila Ang madaming pagkakaparehas.
Pag katapos namin kumain naunang umalis si Julian bago Naman tumayo si Leo ay inaayos nyamuna Ang upuan bago muling mag salita.
"Maiwan ka dito imisin mo yung pinag kainan para naman may ambag ka dito sa bahay na to." Bago sya umalis nag iwan muna sya ng masamang tingin sakin.
YOU ARE READING
My seven deadly boys (Boys series #1)
Teen FictionYou loved me more than yourself, so I loved you more than my life.