new friends
angel POV:
2 weeks ago since dinala ko sa bahay yung presidente ng mga ulol at 2 weeks na rin akong hindi pinapansin ng dalwa kong kapatid na nahawa na rin siguro sa kabaliwan ni kyler pero nakakasabay ko parin naman sila tuwing papasok sa school kaso nga lang hindi talaga ako kinikibuan maging ako hindi na rin ako maka pag salita sa sobrang awkward.
medyo nakakailang linggo narin ako dito sa pilipinas at pakiramdam ko sanay na sanay na ulit ako. pwera na nga lang sa accent ko na parang ewan.
"where's our class president?" tanong ni sir alvarez matapos nyang mag discuss medyo hindi nga lang ako nakikinig.
bigla nalang nag iwasan ng tingin ang mga classmate ko sa hindi ko malamang dahilan yung iba kunyaring nag babasa at yung iba naman kunyari inaantok.
ano naman kaya ng yari dun parang halos tatlong araw ata syang walang paramdam, pero mabuti nayun hindi masyadong mabigat ang pakiramdam ko sa room.
"may emergency lang sa kanila sir hayaan napo muna natin." bored na sabi ni moli habang naka patong ang dalwang kamay sa ulo.
"si kathlyn ba wala paring paramdam?" tanong ulit ni sir habang naka tingin sa kanyang notebook.
"wala"
"nadaganan na siguro ng bato"
"hahahaha"
"baka naman kasi totoo ang chismis sa kanya."
sabi ng kung sino sa likod ko.
halos hindi ko parin kasi kilala lahat ng kaklase ko. tanging ang bweset na si ryle, si cute boy na si moli at si huincie na mukang sweet at yung presidente kuno nila.
bored nako sayang lang pinag practi-san kong pagigig extrovert kung di ko rin naman ginagamit
napa dukdok nalang ako sa table ko at pinakikiramdaman kung anong susunod na mangyayari kahit naman kasi mag usap sila nila sir alvarez hindi rin ako makaka relate kasi halos ang pinag uusapan nila ay yung section nila last school year.
bigla ko nalang naramdaman na may lumapit sakin at mukang kilala ko na, ikinuyom kona ang palad ko at akmang babatukan sya ng bigla nalang akong napa tayo sa gulat ng--- isang babae ang naka upo sa tabi ko at mukang hahawakan nyako.
akala ko naman yung bweset na si ryle na naman, tinignan ko sya sa likuran ko at ito nakadukdok tulog ata o sadyang na bobored lang.
whatever!
bakit parang mas bagay sa babaeng to yung pangalan ko ang ganda nya at mukang syang inusente. bumalik ulit ako sa upuan ko dahil mali naman pala ang akala ko na si ryle ang tumbi sakin.
sadyang nag assume lang hehe
"wala ka rin bang kaybigan dito?" tanong nya.
napaka layma nya nakakainggit
iniyugyuog ko naman ang ulo ko para matauhan sa pag titig sa kanya.
"w-wala e, masyado kasi'ng madami ang mga classmates natin ang hirap isa isahin." sagot ko habang hinihimas ang batok.
nahihiya kasi aku ih...
"49 tayo'ng lahat dito, at makikita mo naman siguro sa itsura nila kung sino lang maaayos diba?" tanong nya habang pinag mamasdan ang buong klase.
tignan ko rin ang buong klase at mukang tama sya yung iba kasi'ng mga babae mukang maaarte at wala ring pake sa paligid nila yung iba namang mga lalaki mukang pasaway at iilan lang ang tahimik.
YOU ARE READING
My seven deadly boys (Boys series #1)
Подростковая литератураYou loved me more than yourself, so I loved you more than my life.