fight
angel POV:
ang sakit ng ulo ko shit
nasa clinic ako?
agad akong tumayo kahit medyo na hihilo pa at lumapit sa isang nurse na may inaayos sa isang table.
"excuse me, Sino po'ng nag dala sakin dito?" tanong ko
"a-ah mabuti naman gising kana, dinala ka dito ng dalawang lalaki kaklase mo daw sila sabi nila bigla ka nalang daw nawalan ng malay. mabuti naman at mukang oky kana." paliwanag nung nurse.
tumango lang ako at nginitian sya agad na rin akong tumakbo palabas kaylangan ko'ng pumunta kung nasan ang mga luko baka kung ano ng ginawa ng mga yun.
mga ilang saglit ay tumigil muna ako para lumanghap ng hangin masyado akong hiningal dun
kaloka
lumapit naman ako sa isang lalaking naka upo sa bench para mag tanong kung saan yung lumang stage na sinasabi nila.
"kuya saan po yung daan pa punta sa lumang stage?" hinihingal ko pang tanong.
"nanduon pero naku hindi ka pwedeng pumunta dun nandun yung mga gang baka madamay ka." sabi nya
hindi nako nag abalang sumagot pa yari sakin yang si ryle sabi ko sasama ako tapos iniwan lang nila ako sa clinic.
pero kahit ramdam ko ang kaba saking dibdib dali-dali akong pumunta sa lumang stage at heto mukang ito nga sila.
may mga tao sa taas ng stage at may mga tao rin sa baba ng stage, ano to flag ceremony?
"hoy mga kumag" malakas na sigaw ko.
pakiramdam ko mapupunit lalamunan ko ah.
bahala na
agad naman yun naka kuha ng atensyon nilang lahat may ilang mga lalaki rin ang lumapit sakin mga naka maskara sila
anung pakulo to, at ang daming kakashi sa harap ko?
yung character sa naruto na anime. si kakashi
"hindi ka pwede rito"
"umalis kana bago kapa madamay"
"aalis ka ng kusa o kakaladkarin kapa namin palayo dito?"
sabi ng mga munggoloyd na muka namang kakashi na bulok.
hahawakan na sana ako ng isa sa kalahi ni kakashi pero itinaas ko ang naka kuyom na kamao ko at pinang dilatan sya ng mata.
"sige, subukan mong hawakan ang kahit isa sa hibla ng buhok ko at isusumbong kita kay naruto." pag babanta ko sa kanya.
speaking of naruto may kaybigan nga pala ako sa japan na anak ng doctor ko naruto ang tawag ko sa kanya. ginagaya nya kasi yung lines ni naruto e pero sabi nya sa pilipinas sya naka tira nag basyon lang sya non sa japan.
"angel?" takang tanong ni moli mula duon sa harap ng stage.
aba pag sinuswerte oh, andito ang batang hamog.
at--- yung dalwang luko.
except kay huincie mabait si huincie e sya yung unang nakipag kilala sakin.
agad akong tumakbo palapit sa kanila at bigla akong naka ramdam ng sobrang bigat na pakiramdam.
oo maguluhan kana.
naka tingin ng masama sakin kyler pero hindi ko nalang sya pinansin at agad kong binatukan isa-isa sila moli, huincie at ryle.
YOU ARE READING
My seven deadly boys (Boys series #1)
Teen FictionYou loved me more than yourself, so I loved you more than my life.