24. "Everyday is a headache"

4 0 0
                                    

•Wai's P.O.V

Ohooo! Tai (deads)... dalawang linggo pa nga lang ay ganito na katambak ang mga labahin ko. Parang isang higanteng christmas tree. Tinatawag na ako nito upang simulan ang pag-laundry. It's the time for the week.

Hinakot ko lahat ng mga maruruming damit sa basket at inilipat sa mas malaking lalagyan upang maibaba ko na. Sana nga ay wala masyadong tao sa baba para mabilis ko lang itong matapos. May kaagahan pa naman sa umaga.

Kasama ang airpods ko ay hindi ko masyadong pinapansan ang mga taong nadadaanan dahil katuwang ko itong musika habang naglalakad.

Hanggat may naririnig na tugtug sa tenga ay hindi ako maiinip, nababawasan nito ang stress at katamaran ko.

Pagdating ko sa laundry room ay naabutan ko itong mga nakalinya para sa pila ng susunod na gagamit ng washing machine. Pag minamalas ka nga naman oh.

Wala akong choice kung hindi ay makipila narin kahit alam kong matatagalan pa'ko. Pagtingin ko sa basket ng iba ay parang hindi naman masyadong marami kumpara sa akin.

Kaya katulad nila ay naghintay rin ako, nagkataon rin kasing nasira ang dalawang washing machine. Upang hindi mainip ay linaro ko muna ang cellphone nang nakikinig parin sa musika.

Makaraan ang ilang minuto, nakakausad rin ako.

Ngunit nang itinigil ko ang paglalaro at hinarap ang paligid, napansin kong nagsisilabasan ang mga babae kahit hindi pa tapos sa ginagawa. Ang iba ay nag-uusap-usap muna bago tuluyang iwan ang mga labahin. Nagtaka ako kaya tinanggal ko ang nakalagay sa tenga. Mukha rin kasi silang nagkakagulo at aligaga.

"Totoo ba'yan? Oh my god"

"Totoo sis, kaya tara na tignan natin sa taas"

"Wait lang sama ako, gusto ko rin makita"

"Grabe naman, ano na naman kayang ginawa nong isa para umabot sila sa ganon"

"Huy kayo talaga, pabayaan nyo na nga 'yon. Mas mabuti pang tawagin nyo si A'Jie para may maka-awat"

"Hay nako! Sure akong hindi iyon aawatin ni A'Jie, baka nga makisali pa sya"

Nakinig ako sa usapan at sya ring naguluhan. "Excuse me, san papunta 'yong iba? Tsaka anong meron?" Nagtanong na ako.

"Ay! Tama! Ito si Wai, papuntahin nyo d'on baka sakaling maawat pa nya iyong babae" this guy pointed at me and others stand up with hopes.

"Chai! (Right!)... umakyat ka do'n sa taas Wai, nagkakagulo yung grupo ni Lucia at yong bruhang babae sa third floor"

"HA?" Napasigaw ako.

"Ano ka ba, huwag kanang magulat, alam na nating lahat kung bakit at kung sinong nagsimula. Sure akong nagkakainitan na sila do'n"

Agad kong pinaubaya sa kanila ang basket ko at itinago muna ang cellphone pati ang airpods na dala dala. "Pakibantay muna" tumango ang dalawang nagbigay alam sa akin.

Mabilis akong umalis kasabay ang ibang paakyat na makikinood papuntang third floor. Shia! Ano na naman ba'to? Kahit kailan naman talaga oh.

Sa daraanan ay nakakalap ang mga tao at kailangan ko pang sumiksik upang masaksihan kung saan banda ang nag-aaway away. Ni isa ay wala manlang umawat.

Ang inaasahan ko lang na awayan ay sa paraang salitaan dahil base dito sa ingay na naririnig ko, puro pagmumura lang ang malinaw. Nasundan din ng mga paghiyaw at mga singhag na hindi ko mawari kung nasa dorm pa ba o nasa loob na ng sabungan.

Nagsitabi ang mga nakaharang sa pagsiksik at pagdaan ko, doon ko na harap-harapang nakita ang hindi magkamayaw na sabunutan ni Lucia at Nana sa baba ng hagdanan.

Behind those liesWhere stories live. Discover now