17. "Seek for Help"

3 0 0
                                    


•Wai's P.O.V

🎵 rak ter dai rue bplao
(Can I love you?)

Hai chan gii kanaen
(How much score will you give)

Yak mee ter bpen faen hai thum yang ngai go ja yes! I do! 🎶
(I want you to be my lover what should I do to make you say yes! I do!)

🎶 rak ni yang tong fuek... hmm! Mhmmm! Hmm! Mmm!  🎶

Today is such a lucky day, at least once, I am able to live a day without suuay. (bad luck)

Una, wala akong nakaaway ngayong araw.
Pangalawa, nanalo ako sa pustaan.
Pangatlo, I got to eat this delicious Pad Kra Pao Moo (Stir-Fried Thai Basil & Pork) for dinner.

Kahit mga ganitong bagay lang, sobrang okay na.

With the headphone in my head, giggling with this catchy song of Sizzy made the vibes complete.

Kakatapos ko lang kumain kaya naghuhugas na'ko ng plato. At dahil nasa mood ako ngayon, may gana akong mag-ayos ayos dito sa dorm. Ngayon lang ako hindi na busy kaya panahon narin para linisan ko 'tong kwarto ko.

Napapa-jam ulit ako sa kanta kaya kumuha ako ng drum stick para sabayan ang beat nito habang pinupunasan ang lamesa.

Tamang hum lang at kaunting sayaw, pakiramdam ko ang payapa ng paligid ko.

Sunod kong napansin ang trash can sa gilid. Puno na at oras na para itapon na'to sa labas. Titipunin lang naman ito doon at sabay na kukunin kasama ng iba pa.

Nakasuot parin ako ng headphone habang palabas na ng kwarto at pumipito-pito. Dala dala itong basura, lumabas akong walang ka malay malay sa napapadaan dahil may pag pikit-pikit pa talaga ako habang kumakanta.

Sumunod akong natigilan at napaigking nang ibuka ko ang mata habang nakaharap sa katabi kong kwarto.

Shia! (Shit)

Hindi ko inaasahang makikita ko si Pat rito.

Agad akong napatakbo at napatago sa kaharap na padir kung saan ang daanan ng kabilang hallway dahil mahahalata ako kung tatawid pa'ko para bumalik sa sariling kwarto.

Buti nalang hindi nya'ko napansin no'ng lumabas ako sa kwarto kahit na ang ingay ingay ko.

Anong ginagawa nya rito? Tsaka tama ba ang nakikita ko? Naka harap sya sa kwartong 'yan? E diba...

Sunod syang kumatok sa pintong iyon at hindi pwedeng ako lang ang makakita. Abay hindi 'to tama ah!

Tinanggal ko ang headphone sa ulo at mabilis na humablot ng cellphone para maabutan pa sya ng camera ko. Kinunan ko sya ng litrato bago paman sya makapasok.

Shia! (Shit!)... sinasabi ko na nga ba, may kakaibang nangyayari na nga sa dalawang 'to.

Maya maya ay nakita kong binuksan ni Nana ang pinto at masayang inaalog alog ang braso ni Pat.

'Yan!... yang mukha at galaw na 'yan, 'yan ang lagi nyang ginagamit sa harap ni Pat. She's acting so small and it looks like the guy was easily swayed by that.

Kumuha ulit ako ng litrato habang nandirito sa dingding, nagmamasid at sumisilip.

Hindi ko pa nga nadala ang garbage bag na kanina'y bitbit ko dahil sa pagmamadali. Ayon, nasa harap ng pintuan ko naka tiwang-wang.

Pero ang mahalaga ay nakakuha ako ng ebidensya.

Kalaunan ay tuluyan na ngang pumasok si Pat sa kwarto ng bruha. Anong ibig sabihin no'n? Hindi maganda kutob ko rito. Hula ko'y hindi rin ito alam ni Pran, naalala kong nagkainitan sila kanina sa restaurant.

Behind those liesWhere stories live. Discover now