•Wai's P.O.V"What the HELL is your problem? Gusto mong magpakamatay? O gusto mo'kong patayin?"
I gulped down a mouthful of saliva, reconsidering all my stupid choices and weighing them against the one I'm facing right now. Do I really have no other good options besides this one creature I've been tirelessly seeing the entire time?
"Ukinang-inang timing to oh! Ba't ikaw pa ang napara ko?" I ruffled my hair in a creased expression.
"Ukinang-ina ka din, parang kasalanan ko pa na pumara ka... Ughh! Crap! What the heck is that word? so crass!"
At parang kasalanan ko ring gaya-gaya sya sa pagmumura ko.
"Teka nga, marunong ka palang magmaneho?" Wala kasi sa hitsura nyang marunong sya, kadalasan ang mga katulad nya ay nagpapahatid lang sa mga driver.
"Anong klaseng tanong 'yan? Nakikita mo naman siguro diba?... muntik na nga akong mabagok dahil dyan sa ginawa mo at paano kong nasagasaan ka kanina? I may not be a really good driver but I don't wanna kill ANYONE!"
Walang paghinga syang bumunganga.
"Oo na, Oo na, kasalanan ko na. Pasensya! Okay?... pero wala kasing sasakyan na dumadaan ngayon, nagmamadali ako. May emergency sa pamilya ko ngayon, kailangan kong umuwi."
"Kaya ipapahamak mo din ang ibang tao at 'yang sarili mo dahil lang may emergency ka? Do you think my life and your life are worth for that?-"
"Okay okay, gets ko! Pero mamaya na 'yan, nandito ka rin lang naman, pasakay nalang din ako"
"Wait! What?... teka lang naman muna, what are you doing?- HEY!"
Pumunta ako sa kabila at mabilis na binuksan ang pintuan ng kotse nya upang pumasok. Wala na syang nagawa dahil nagawa ko nang makaupo sa front seat bago paman sya pumayag.
"Whoah! You didn't even wait for my consent, and here you are!"
"Tch! Kung may choice lang ako, hindi ako uupo rito, itaga mo pa sa bato. Kaso wala eh, kaya sige na. Babayaran kita dito sa pagpapasakay mo sa'kin. Pangako 'yan!" Lumambot ang pakikiusap ko sa kanya.
"I don't care kung magbabayad ka o hindi... ang akin lang.... kasi.... pero't... you.... ugh!.... OKAY! .. FINE!" She rolled her eyes and slammed her palm on the steering wheel as she was left with no choice.
Ngumisi ako. Kung maghihintay pa ako ng ibang sasakyan dito ngayon ay sure akong matatagalan pa akong makauwi.
Titiisin ko nalang na makisakay sa kanya kahit na nagdadabog, napipilitan at kunot nyang mukha ang makakasama ko, ang mahalaga makauwi ako kaagad sa amin.
She start her car again. With a deep sigh, She glance at me as if she's checking my entire soul. "You better make sure that it's really an emergency, don't let me know you're plotting something again." She lean forward with her fingers pointing at me to the extent.
I lean backward, she's indeed scary with that glare. I swallowed my saliva again. "Oo nga! Wala na akong panahon makipagpikahan sayo no!" Mahina kong sabi. Unti unti syang bumalik sa pagharap sa manobela.
Nakaandar lang sandali ang sasakyan ngunit pinahinto nyang muli. May naalala sya sa saglit na pag-usad at iyon ang seat belt nya. Hinila nya ito at isinuot. Siniguradong maayos nya itong naikabit.
"Kaya naman pala muntik ka nang mabagok kanina, hindi ka pala nag si-seat belt. Diba dapat 'yan yong inuuna mo? Hilig mong bumunganga sa iba pero ikaw naman 'tong pabaya" hindi ko mapigilang hindi sawayin at isinabay narin ang pagkabit ng seat belt sa upuan.
YOU ARE READING
Behind those lies
RomantikSecrets was already tangled in their palm as Pat and Pran decides to face the reality between the undying rivalry of their parents. Their relationship was forbidden and it will only make everything worse if it continues. That's why they went back ho...