21. "We are still not done"

0 0 0
                                    


• Wai's P.O.V

"Thank you khaapp!... then, don't forget to vote me for this coming music fest na khap! Pasensya na rin kung hindi ko naituloy yung music testing ko kanina dahil nagakaabirya lang ng kaunti, pero sana naaliw ko kayo sa pagpapatugtog ko ng gitara."

Kahit na nakapatugtog na ako ng limang kanta ay may iba paring nag co-comment at nagbibigay suggestions. Balak ko na ring huminto dahil lagpas isang oras narin akong naka live. Sa palagay ko ay nagustuhan naman ito ng mga viewers.

"Maraming salamat guys sa panonood nyo, pero sa tingin ko dito nalang muna. Sana nag enjoy kayong lahat at sana suportahan nyo din ho ang banda ko. Kae nee na khap (dito nalang)... bye bye na khapp!! Khop khun khappp (thank youuu)"

Kumaway kaway ako sa harap ng screen para ipahayag ang pamamaalam ko sa mga audience. I serve them the sweetest smile I could pull.

"Bye bye khaapp!!" I make a wai to them (Putting hands together and simultaneously bowing down slightly.) Before I end this live.

Unti unti namang bumababa ang views nang patapos na ito.

Huminga ako nang malalim at napahilata sa kinauupuan nang matapos ko ang ginagawa. Hindi naman talaga ako mahilig mag live at makipag usa sa iba habang nakaharap sa video, pero dahil kailangan, ginawa ko na lang din ang makakaya ko upang makahatak views. Kahit papaano ay naaliw ako sa mga comments at ang pagpapatugtog ko ng iba't ibang instrumento.

Kahit na hindi rin ako sinipot ni Pran ngayon, nagawan ko naman ng paraan ang problema. Ewan ko din ba sa kanya kung ba't last minute na napa back-out. Hinala ko may nangyari sa kanya, ayaw nya lang sabihin.

Naghilab ang tyan ko at tuyong-tuyo pa ang lalamunan. Kumain naman ako kanina pero kaunti lang, kaya pagkatapos kong maligpit ang ginamit ko kanina sa live, bababa rin ako upang kumain sa labas.

Paglabas ko ng kwarto ay inunat ko muna ang katawan, hinihilot ko din ng kaunti ang kamay at pinipiko ang mga kasukasuhan.

Nalingat ako saglit at napansin ang tunog ng mga susing nahulog sa gilid. Paglingon ko ay nakita ko ang bruha, kakaiba ang kinikilos habang nakatakip ang buhok sa mukha.

Pinakinggan ko nang maayos at tila yata humahagol-gol ito habang nag-aapurang buksan ang pinto kaya sumasablay sa pagpili ng susi.

Lumapit ako ng kaunti, I got curios

"Huy! Umiiyak ka ba?" I give her side eyes. Hininaan naman nya ang pagsinghot ng ilong at pasimpleng pinupunasan ang mukha. Umiiyak nga.

"Hah! Hulaan ko, napaaway ka na naman no? Ano ba atraso mo ngayon?" Hambog kong sabi at may katiting na tuwa, unang beses ko itong makita na umiiyak sya.

Hindi sya lumaban o nagsalita, nahulog ulit ang hawak nya. "Huyy! Narinig mo ba'ko? Nakahanap ka ng katapat mo ano? Alam mo, napagtanto kong bagay pala sa'yo kapag umiiyak, nababawasan ang pagiging mukhang asungot mo" hindi parin ako tumigil at iniinis sya ng todo.

Sa wakas ay lumingon na rin, tumigil ako sa pagngisi nang makitang pulang pula ang mukha nya. Sutil nya akong tinignan nang may paghingal.

"I hate you!!" She utter in a hardly audible voice.

Nabuksan nya na ang pinto at agad pumasok, hinampas ito sa pagsara na kulang nalang ay sirain nya. Nagkamot ako ng ulo. What the heck?

'Hate you, hate you'... het-yu ka din. Parang timang.

Nagpatuloy ako sa lalakarin at hindi na pinansin ang isa , pumipito pito ako habang bumababa at bumabati na rin kapag nakakasalubong ako ng kakilala.

Sa first floor ay naabutan ko si A'jie na naniningil ng pusta doon sa ibang nakatira rito, mahilig kasi syang makipag pustahan. Nang makita ako ay bumati na rin sa akin.

Behind those liesWhere stories live. Discover now