30. "Things that are unusual"

4 0 0
                                    


•Wai's P.O.V

"Convince her meatball, it's not safe driving at night especially now that there's a heavy rain" Yay shakes my arm.

I tried to observe Nana's gesture, she is even more stumped and caught up by the moment. All eyes are on her, being worried.

"Stay here tonight pleaseee, P'Nana. Susuklayan ko ang buhok mo para makatulog ka dito kagaya ng ginagawa ni mae" hinawakan ng bata ang kamay ni Nana at tsaka inaalog-alog.

"We can't force her, everyone. She might be uncomfortable here" I speak up. Namtan is sulking.

"Nan go jing (that's true)... pero inaalala lang naman namin. Here, anak..." my mom beckoned to Nana, leading Nana to come closer and eventually she sit besides her.

"It's up to you na. But know that you are very welcome to spend the night here, okay? and as what you can see it's not convenient for you guys to travel back at your place. Think about it, nak"

Maamong hinaplos ni mama ang kamay ng babae at nagpamalas ng isang magaan na pagtanggap sa pagngisi. May pagkinang sa mga mata ni Nana habang nahahawi at nahihipnotis sa enerhiya ng kaharap.

Naiintindihan ko ang ganiyang reaksyon, malambing naman talaga si mama sa kahit na sino, lalo na sa mga tinuturing nyang anak o sa kaibigan ng anak nya.

"Kha! (Fine) I think... I... can spend the night here kha!" Nagawa ni mama'ng kumbinsihin ang bisita, dahil narin sa kung paano nya ipinakita ang turing. Tuwang tuwa ang katabi ko, si Namtan naman ay nagtatatalon. "YEYYY!"

My mother then stroke Nana's hair gently. She's again adoring her and Nana sat more behaved than earlier.

I don't understand why are they so fascinated by this girl, she's literally my enemy. Now, even if I tell them what we really are, I bet they won't believe me. They might even consider me as a villain of the story. Everyone, including my own family, seems to be easily swayed by her beauty and charisma.

"Dee loey ja (that's great dear)... ihahanda ko na ang mga kumot mo ha" isa pa itong si A'Praew na naging prayoridad ang pagpapatuloy sa kasama ko.

Pero nakikita ko ring positibo ang pagpayag nya, hindi rin naman talaga ligtas na bumyahe sa ganitong panahon.

"A'Sanya kha! P'Nana can sleep with me na kha" sumotsot ang bulinggit sa tabi ni mama.

"Hindi pwede luk (anak)... kailangan mong tumabi sa mae mo dahil ang likot mo pa naman"

"Oo apo, panay pa naman ang wee-wee mo sa kama. Doon nalang muna matutulog si ate Nana mo sa kwarto ng lung (uncle) mo. Matagal nang bakante iyon, eksakto kakalinis ko palang doon nong nakaraan"

"Aw? How about me? Hindi ho ako tatabi sa kanya" I panicked.

"Ba! (silly)... as if we're letting you to sleep with her. Dyaan ka sa sofa matulog, kasya ka naman dyaan" dumaan si A'Praew dala dala ang kumot at extrang unan papasok sa kwarto ko.

"Ano? Teka, teka... ako? Dito sa sofa? Hindi naman ata tama 'yan"

"Hindi rin naman tamang dyaan sa sofa matulog si Nana, anong gusto mo apo? lamokin dito sa labas ang bisita?"

"Eh ako yay?"

"Magkulambo ka nalang" tumawa silang lahat at pinagkaisahan ako. Napakamot nalang ako sa ulo.

"Salamat po ah, sa... pagpapatuloy nyo po sa akin" malamig na sumabat si Nana. "Walang anoman iyon, anak. Mas magandang ipagpahinga ngayon kesa sa bumyahe" tugon ni mama.

Sumunod na pumasok si mama sa kwarto ko upang tignan din ang kaayosan ng loob. Talaga namang gusto nilang tratohing prinsesa itong babae.

"Akin na" ibinuka ko ang palad kay Nana.

Behind those liesWhere stories live. Discover now