"Diego..." pangalang binanggit ni Claire habang siya'y tulog dahilan upang magising ang kanyang mga magulang na nasa kabilang kwarto.Tahimik at payapa na ang gabi kaya't rinig na rinig ang pagsigaw ni Claire na para bang ginagambala nito ang tahimik na gabi. Dali-dali namang pumunta ang mag-asawang Julio at Celia sa silid ng kanilang anak.
"Anak..g-gising nananaginip ka!" wika ni Celia at tinapik ang mukha ng anak. Hindi pa rin nagising si Claire at muli nitong binanggit ang pangalang 'Diego' na ikinagulat at pinagtaka ng kanyang mga magulang
"Diego raw narinig mo ba yon Julio?" tanong ni Celia sa asawa sakaling kilala niya si Diego na binanggit ng kanilang anak. "Ha? ewan ko hindi kaya may nagustuhan siyang lalaki na ang pangalan ay Diego kaya niya ito napanaginipan" saad ni Julio saka ngumisi gusto nya sanang biruin ang asawa ngunit tila nag-aalala ito sa kanilang anak na para bang hindi na ito magigising "Claire gising!" saad ni Celia.
Samantala nakita ni Claire si Diego sa kanyang panaginip papalayo na ito at kahit ilang beses pa niya itong tawagin ay hindi ito lumingon di rin nya ito magawang habulin sapagkat siya ay nakagapos habang hawak ng mga guardia civil
"Claire gising" rinig ni Claire sa kanyang panaginip tila umalingawngaw ang pamilyar na boses na naging dahilan upang magising siya.
Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay agad niyang nakita ang kanyang mga magulang na alalang-alala baka di na sya magising pa "Buti naman at nagising ka di tuloy kami makatulog nang maayos ng tatay mo dahil palagi kang binabangungot" saad ni Celia. "at palagi mong binabanggit ang pangalang 'Diego'. Sino ba sya crush mo no" sabat ni Julio saka ngumisi.
Nanlaki naman ang mata ni Claire at medyo nahiya dahil sa tinuran ng ama wala rin naman siyang ideya tungkol kay Diego di rin nya alam kung bakit paulit-ulit niya itong napapanaginipan "Hindi ko po alam kung sino si Diego na palagi kong napapanaginipan" ito na lamang ang tanging tugon ni Claire
"ahh di ba mahilig kang magbasa ng kung ano-ano sa wattpad seguro si Diego ay isang character sa wattpad story na binasa mo kaya mo sya napanaginipan" saad ni Celia dahil sa ideyang yon na pumasok sa kanyang isipan.
Mahilig kasing magbasa si Claire ng mga wattpad story kaya naman ay naisip iyon ng kanyang ina at napatango na lamang si Claire "seguro po" wika niya "Sige matulog ka nalang ulit" saad ni Celia at tumango naman si Claire at agad nagtalukblong ng kumot pinatay naman ni Celia ang ilaw at lumabas mula sa silid ni Claire kasama si Julio at bumalik sa kanilang silid.
Kinabukasan ay maagang gumising si Claire wala rin syang sapat na tulog dahil sa kanyang panaginip. Naligo na lamang siya saka nagbihis ng uniforme at nagtungo sa kusina naroon ang kanyang mga magulang at kapatid na si Kyla na abalang sa kanyang assignment nakapatong sa mesa ang mga kagamitan nito sa pag-aaral.
Abala sa pagluluto ng agahan si Celia habang si Julio naman ay nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo. Napatigil ang mga ito sa kanilang mga ginagawa nang makita si Claire
"Maayos na ba ang tulog mo kagabi?" tanong ni Celia habang nagpiprito ng itlog napailing naman si Claire "Ate palagi ka rawng binabangungot at binabanggit ang pangalang 'Diego'" saad ni Kyla. Nasa pitong taon pa lamang ito ngunit masyado nang mausisa. Hindi agad nakapagsalita si Claire at napayuko na lamang iniisip kung ano ang isasagot sa kapatid.
Inihain naman ni Celia ang kanyang niluto at inilapag sa lamesa "Claire kumain ka na at wag nang isipin si Diego ang lalim kasi ng iniisip mo" saad ni Celia at matalim itong nakatitig sa kanya na tila ba binabalaan sya na layuan si Diego. Nanlaki naman ang mata ni Claire "Ma?" ito na lamang ang nasabi niya
"Ate sino po ba si Diego?" tanong ni Kyla iniisip din nyang may kasintahan na ang ate niya "ewan. hindi ko alam kusa lang kasi syang nagpapakita sa panaginip ko" sagot ni Claire ayaw niya sana itong sabihin ngunit kesa naman isipin ng kapatid niya na boyfriend na ito.
Uminom ng tubig si Julio at inilapag sa mesa ang diyaryo saka nagwika "Segurado ka? hindi kaya't may nagustuhan kang lalaki na nagngangalang Diego kaya palagi mo syang napapanaginipan ako kasi noon ay palagi ring napapanaginipan ng inyong ina. diba Celia?" saad ni Julio at napangisi natawa naman sina Claire at Kyla
"Diba't palagi mong kinikwento sa'kin noon na palagi mokong nakikita sa panaginip mo. Julio? kaya wag mong baliktarin ang kwento" saad naman ni Celia at napamewang.
Nang matapos silang kumain ay nagpaalam na sina Claire at Kyla sa kanilang mga magulang bago pumasok sa paaralan. Hinatid muna ni Claire si Kyla sa primary school bago siya pumunta sa kanyang paaralan "mag-aaral ka nang mabuti ha" bilin ni Claire sa kapatid saka ngumiti "opo ate" tugon naman ni Kyla at kumaway
Sumakay si Claire sa bus papunta sa kanilang paaralan umupo sya malapit sa bintana sapagkat paborito niyang pagmasdan ang mga tanawin habang nakikinig ng musika....
Thanks for reading..
To be continued....
BINABASA MO ANG
Reborn For You
FantasyClaire, isang babaeng palaging nananaginip tungkol sa kanyang nakaraang buhay at sa lalaking inibig niya sa nakaraan sa panahon ng pananakop ng mga kastila, ang mga nakaraang ito'y puno ng paghihinagpis na naging dahilan ng kanyang bangungot ngunit...