Chapter 7: Pagkilala sa utang na loob

7 3 0
                                    


Kinabukasan halos walang kurap na nakatingin si Claire sa kanyang repleksyon sa salamin, napansin ito ng kanyang ina habang ito'y naghuhugas ng pinggan. Napansin ni Celia na tila tulala ang anak na nakatingin sa salamin kaya naisip nya na baka nananaginip na naman ito kagabi.

"Ano nananaginip Kana naman ba kagabi?" tanong ni Claire at napailing si Claire

"Hindi po ako nananaginip di naman po ako natulog kagabi eh, natatakot na'kong matulog sakaling makalimutan kong gumising dahil sa bangungot" saad ni Claire na ikinalungkot ni Celia, tinapik nya ang balikat ng anak

"Magdasal ka bago matulog "saad ni Celia

"Nagdadasal naman po ako itinanong ko nga sa kanya kung anong ibig sabihin ng panaginip na yon pero gano'n parin naman eh" saad ni Claire napabuntong hininga na lamang si Celia

"Seguro hindi pa panahon para malaman mo baka dinadahan-dahan lang nya ang pagbigay ng sagot baka darating ang panahon na may mga mangyayari sa buhay mo na masasabi mong iyon na ang sagot" saad ni Celia ngumiti na lamang si Claire..

"uhm naniniwala po ba kayo sa mga masasamang elemento na gumagala tuwing gabi?" tanong ni Claire nang maalala nya ang nangyari kagabi nagulat naman si Celia sa tanong nya

"Sa panahon ngayon? hindi na kathang isip lang ang mga yan hayst di ka kasi natulog kaya kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isip mo" tugon ni Celia napabagsak na lamang ang balikat ni Claire sapagkat wala naman pala syang makukuhang sagot sa kanyang ina na hindi taliwas sa kanyang paniniwala.

"O sya wag mo nang isipin ang mga yan kumain nalang tayo kaya seguro di ka makatulog" saad ni Celia agad namang nagsilapitan sina Kyla at Julio.


"Ang sarap mo talagang magluto Celia" saad ni Julio sa asawa habang sila'y kumakain na ikinataas ng isang kilay ni Celia dahil alam nyang binobola na naman sya ni Julio

"Ay syempre kahit hindi moko bolahin ay masarap talaga akong magluto" mataray na saad ni Celia tsaka sumubo ng kanin. Ngumisi naman si Julio natawa naman si Kyla ngunit seryoso lang na kumakain si Claire at malalim parin ang iniisip nito napatingin naman sa kanya ang pamilya

"Claire, hanggang dito ba sa hapag-kainan ay nananaginip ka" saad ni Julio napatingin naman sa kanya si Claire kahit kailan puro talaga kalokohan ang kanyang ama.

Samantala, pinapasok ni Isko si Dan sa kanilang pa carwashan nang sa ganon magkaroon ito ng trabaho.Sa gilid nito ay naroon ang maliit na sari-sari store ni Miranda marami ang bumibili dito magmula nang dumating si Dan kaya't ayon kay Isko ay may dala raw s'yang swerte ngunit ang totoo ay kaya maraming bumibili sa kanilang tindahan ay gusto lang naman ng mga ito na makita si Dan. Marami ang mga kababaihan na nagpupunta roon upang magpakilala kay Dan ang iba'y humihingi ng cp no. at fb acc pero wala naman syang ganon kaya wala syang maibigay naisip tuloy ng ibang mga babae na ayaw lang talaga nyang magbigay ayon pa sa iba ay maarte raw sya.

"Sayang naman ang yong kapogian kung wala kang mga chiks alam mo kung ako ikaw seguradong marami na akong jowa" biro ni Isko sabay tawa ngunit hindi naintindihan ni Dan ang iba nyang sinabi

"Shiks?" nalilitong tanong ni Dan

"Oo chiks dagdag pogi points yan. Naku kung hindi lang talaga naging kami ni Miranda seguro marami na akong babae ngayon" saad ni Isko nanlaki naman ang mga mata ni Dan dahil segurado na kapag nasa panahon sila kung saan nanggagaling si Dan ay seguradong magiging laman sya ng usap usapan at kamumuhian ng mga kababaihan

"Hindi nakakaguwapo ang maraming kerida" taas noong saad ni Dan sapagkat isa lang ang babae sa buhay nya at ito ay si Amara na matagal na nyang hinahanap. Natahimik naman si Isko dahil sa sinabi nya

"Korek ka jan pero nagbibiro lang naman ako. Joke lang yun hehe" saad ni Isko at ngumisi.

"Iskooo!" sigaw ni Miranda dahilan upang syay mataranta

"oo nandito na!" tugon ni Isko

"Dan, maiwan muna kita dito ah tumatapang na kasi ang dragon" saad ni Isko kay Dan at mabilis na tumakbo sa loob, nalito naman si Dan sa sinabi nya

"May dragon dito sa modernong panahon?" takang tanong nya sa sarili hindi nya alam na si Miranda pala ang tinutukoy ni Isko.

Nagpatuloy si Dan sa ginagawa nya maya-maya ay dumating ang isang pamilyar na babae, nang iangat nya ang kanyang ulo ay nakita n'ya si Claire, nakangiti ito.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Dan nang may pagtataka

"Pinuntahan ka. Uhm gusto ko lang magpasalamat sa pagligtas mo sa'kin Nong isang gabi" saad ni Claire at kaagad itong napaiwas ng tingin hindi kasi sya sanay na magpasalamat tanging sa loob lang ng puso nya sya nagpapasamat. Kahit hindi mo naman ito sabihin ay nararamdaman mo ito. Hindi rin mawari ni Claire kung bakit may kung anong kumpyansa sa sarili nya para sabihin iyon kay Dan.

"Wala iyon isa lang yong maliit na bagay" tugon ni Dan

"Maliit man yun o malaki para sayo magpapasalamat parin ako buhay ko kaya ang niligtas mo" saad ni Claire ngumiti na lamang si Dan at tumango. Ang ganda talagang pakinggan ng salitang salamat.

At dito nagtatapos ang ika-7 kabanata. This is user @penchantxx03 nagsasabing
"Subaybayan n'yo ang bawat kabanata wag ang buhay ng iba....charizzz"

To be continued...

Reborn For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon