Nagkaroon ng salo-salo sa tahanan ni Don Amorsolo. Nasa taas lamang ng hagdan si Amara habang minamasdan ang mga sumasayaw sa bulwagan, maya-maya ay nahagip sa ng kanyang mga mata si Diego, nang makita rin sya nito na nag-iisa ay lumapit ito at inilahad ang kanyang kamay
"Nais mo rin bang sumayaw binibini?" tanong ni Diego hindi naman siya nag-atubiling hawakan ang kamay nito ngunit bigla na lamang syang natauhan nang mapagtantong......kamay na pala ni Dan ang kanyang hawak na ikinabigla rin nito kaya't agad binawi ni Claire ang kanyang kamay.
"aalis na po kami" saad ni Claire sa kanyang mga magulang tumango naman ang mga ito "sige mag-iingat kayo ha"saad naman ni Celia
Nang makalabas sila sa gate ay nagpaalam na rin si Isko. Sumakay sila ng taxi at nang nasa loob na sila ay nagtaka si Dan kung bakit malamig sa loob at mainit naman sa labas natawa na lamang si Claire nang mapansin ito. Tumigil sila sa isang restaurant, natulala si Dan sa kanyang mga nakita sa labas, mga nagtataasang building, mga kabli ng kuryente, na hindi niya nakita sa bayan at panahon na kanyang kinagisnan. Namangha sya sa kanyang mga nakita at natauhan na lamang sya ng tawagin sya ni Claire.
"Dan! halika na" saad ni Claire agad namang lumapit si Dan.
Naupo sila sa magkatapat na silya na may bilugang mesa sa gitna habang kumakain at nag-uusap.
"libre ko lahat ng to ha bilang pasasalamat sayo" saad ni Claire at ngumiti "Salamat" tugon ni Dan.
Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tumingin si Claire sa labas at pinagmasdan ang namumulang kalangitan dahil sa papalubog na araw. Tumikhim sya at muling tumingin kay Dan
"Bakit mo nga pala ako iniligtas?...ah sa bagay seguro nagmamalasakit ka lang pero bakit hindi ka natatakot sa halimaw?" Tanong ni Claire buong akala niya ay isang makapangyarihang nilalang si Dan ngunit ang hindi nya alam ay sadyang inosente lamang ito sa lahat ng mga bagay na kanyang nakikita sa modernong panahon maging ang halimaw ay inakala niyang normal lang na makikita sa modernong panahon.
"Kung ikaw ba ang nasa panig ko nong mga panahong iyon ano ang iyong gagawin? Hahayaan mo lang ba na may masamang mangyari sa akin? Hindi ka makokonsensya gayong ikaw ang saksi? Paano kung magkaroon ng pag-uusig hindi ka ba magsasalita sapagkat pinangungunahan ka ng takot? .. Dahil sa takot ng isang tao nagiging sarado ang bunganga nito, hindi nakakamit ng tao ang katarungan kung patuloy na nakatikom ang bibig nito" saad ni Dan habang iniisip ang kaibigang si Sinong na naging saksi kung paano p*natay ni Renante si Vicente ngunit pagdating sa hukuman ay hindi ito nagsalita akala ni Diego ay matutulungan sya nitong makulong at maparusahan si Renante ngunit dahil sa takot na madamay ang kanyang pamilya ay nanahimik na lamang sya at naintindihan naman ito ni Diego dahil dito ay naisipan ni Diego na hindi na kailanman idadamay pa ang mga inosenteng mamamayan.
Napatulala na lamang si Claire sa dami ng sinabi ni Dan dahil bukod sa hindi niya ito masyadong maintindihan ay tila lumilihis ito ng landas na para bang hindi na ito konektado sa kanilang usapan masyadong pormal magsalita si Dan
"Bakit ba ganyan ka magsalita ang deep naman ng tagalog mo" saad ni Claire
"Bakit hindi mo ba naiintindihan? Magmula kasi nong isinilang ako ay ganito ang wikang aking kinagisnan" takang saad ni Dan
"Hindi ko kasi masyadong maintindihan" saad naman ni Claire
"Gusto mo bang malaman ang aking tunay na pagkatao sapagkat aking napapansin na ika'y nalilito ngunit paniniwalaan mo kaya ako" saad ni Dan at seryosong tumitig kay Claire tumayo sya at hinawakan ang pulsuhan ni Claire at dinala niya ito sa labas.
Napabuntong hininga na lamang si Claire at nagwika "Noon palang ay nagtataka na ako sayo nanghihinala ako na may kakaiba talaga sayo seguro isa kang kakaibang nilalang. Sabihin mo sa'kin ang totoo hindi naman kita huhusghan wag kang mag-alala pareho lang naman tayo mayroon ding iba sa akin na hindi pinaniniwalaan ng mga tao meron kasi akong kakaibang panaginip" hindi na tinapos ni Claire ang kanyang sasabihin ng magsalita si Dan
BINABASA MO ANG
Reborn For You
FantasyClaire, isang babaeng palaging nananaginip tungkol sa kanyang nakaraang buhay at sa lalaking inibig niya sa nakaraan sa panahon ng pananakop ng mga kastila, ang mga nakaraang ito'y puno ng paghihinagpis na naging dahilan ng kanyang bangungot ngunit...