'Hi Claire! Si Dan to punta ako jan sa sabado' basa ni Claire sa text na inaakala nyang galing mismo kay Dan. Hindi nya namalayan na habang binabasa nya iyon ay napangiti sya habang nasa loob ng taxi papunta sya ngayon sa palengke
'sge' reply nya saka ngumiti hindi nya alam na nakatingin na pala sa kanya ang taxi driver at ngumisi, ngumiti na lamang sya at umiwas ng tingin dahil sa hiya.
Nang makarating sya sa palengke ay nakaramdam sya ng hilo, napahawak na lamang sya sa kanyang ulo at pinigilang matumba ngunit dahil sa sobrang hilo ay halos di na nya makita ang mga tao hanggang sa binalot ng kadiliman ang kanyang paningin.
Nang imulat nya ang kanyang mata ay nagbago ang paligid ang dating palengke na puno ng mga tao ay napalitan ng mga kabahayan na yari sa kawayan at nipa naman ang bubong nito, may mga taong dumaan na may ibang kasuotan ang mga lalaki ay nakasuot ng kamisong may mahahabang manggas at itim na pantalon, baro't saya naman sa mga kababaihan.
Maya-maya ay dumaan ang isang magarang kalesa na lulan ni Don Amorsolo na ama ni Diego.
"Amara" sambit ng isang babae na nasa likuran ni Claire ngunit hindi nya ito nilingon sa pag-aakalang hindi sya ang tinatawag kaya lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang pulsuhan, hinila sya nito papasok sa isang kubo na ikinagulat ni Claire
"Hindi ka dapat makita ni Don Amorsolo sapagkat matindi parin ang galit nya sayo dahil sa pakikipagrelasyon mo sa kanyang anak" saad ng babae na ikinabigla ni Claire, mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon na itinuring na kapatid ni Amara, si julianna dati syang kasambahay sa tahanan nina Don Amorsolo ngunit umalis din sya dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanya ng pangalawang asawa ng don na madrasta ni Diego.
Nang mamatay ang ina ni Diego dahil sa malubhang karamdaman nito ay muling nakapag-asawa ang kanyang ama sa isang babae na si Donya Felicita na dating kasambahay nina Don Amorsolo, masyado itong ambisyosa at noon palang ay pinapantasyahan na nya ang Don.
"Sino ka? nananaginip ba ko?" gulat na tanong ni Claire napatawa naman si julianna
"Amara anong klaseng biro na naman ba iyan?" saad ni Juliana sa pag-aakalang nagbibiro lang ito palabiro kasi itong si Amara.
"Pero hindi ako nagbibiro" tugon naman ni Amara
"Alam mo hindi ko talaga maintindihan kung bakit kahit sa kalagayan mong ito ay nagagawa mo paring magbiro, nagagawa mo paring patawanin ang ibang tao kahit sarili mo mismo ay hindi mo magawang patawanin ngunit aking napagtanto na matapang kang tunay, ikaw yung tipong nagbibigay saya sa iba kahit ikaw naman ang nagtitiis at nadudurog " saad ni Juliana na para bang may halong pagka-awa ang tono ng kanyang pananalita hindi rin namalayan ni Claire na may namumuo na palang luha sa kanyang mata. Hindi man segurado si Claire kung panaginip lang ba ito o hindi ngunit nadadala parin ang kanyang emosyon sa sinabi ni Juliana.
"Tsanga pala may iniwang liham si Diego para sayo" saad ni Juliana at kinuha ang papel na nasa lamesa at binigay ito kay Claire. Tinanggap nya ito at binasa. Nakasaad sa liham na iyon ang plano ni Diego na makipagtanan at mangibang bayan napatakip naman siya ng bunganga nang mabasa iyon. Hindi parin malinaw sa kanya kung panaginip lang ba ang mga nangyari ngunit kailangan parin nyang pumunta sa lugar kung saan sila magkikita ni Diego upang malaman ang susunod na mangyayari.
Nang pumatak ang hatinggabi ay umalis si Claire na nakatalukbong ng itim na tila. Nagtungo sya sa ilog at nakita n'ya si Diego na naghihintay. May isang bangka ang naroon at ito ang sasakyan nila sa kanilang pagtakas. Tatakas sila mula sa ama ni Diego na tutol sa kanilang ugnayan at upang matakasan ang plano ng kanyang ama na ipakasal sya sa ibang babae na anak ng kaibigan nito.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Amara at iniisip parin nya na panaginip lang ito
"Sa lugar kung saan malayo sa aking ama mamuhay tayo sa malayo kung saan walang makakahadlang sa ating pagsasama" tugon ni Diego habang si Amara ay napuno ng pangamba paano kung mahuli sila? paano kung pareho silang masawi at hindi na matupad ang kanilang mga pangako?.
BINABASA MO ANG
Reborn For You
FantasyClaire, isang babaeng palaging nananaginip tungkol sa kanyang nakaraang buhay at sa lalaking inibig niya sa nakaraan sa panahon ng pananakop ng mga kastila, ang mga nakaraang ito'y puno ng paghihinagpis na naging dahilan ng kanyang bangungot ngunit...