Matapos nila itong sabihin ay umalis na sila at nagpatuloy naman sa paglalakad sina Claire at Jelly hanggang sa makarating sa kanilang silid
"Alam mo girl excited na ko. Makikilala mo na talaga ang mga magulang ni Felix" saad ni Jelly kumunot naman ang noo ni Claire.
"ha? dapat ba akong makilala ng mga magulang niya?" takang tanong ni Claire
"of course ayaw mo bang makilala ang mga in laws mo" saad ni Jelly natawa naman si Claire dahil sa sinabing ito ni Jelly
"hindi mangyayaring magiging inlaws ko sila no hindi ko naman kaano-ano ang kanilang anak" saad ni Claire at biglang sumeryoso ang mukha nito wala kasi syang gusto kay Felix.
"Basta magiging kayo rin sa huli" asar ni Jelly at pumasok na sa silid natawa na lamang si Claire. "Nag-aasume talaga para samin ni Felix" saad ni Claire sa sarili at natawa.
Nagsimula na ang klase. Napaka boring magturo ng kanilang professor kaya halos lahat ng estudyante ay napapaidlip sa kanyang klase wala rin naman siyang pakialam kung ayaw makinig ng mga ito sapagkat hindi naman daw ito nakakabawas sa kanyang sahod bilang guro. Lumipas ang ilang oras ay natapos na rin ang nakayayamot niyang klase.
Napaidlip din si Claire sa klase kung kaya't ginising sya ni Jelly "Girl gising na tapos na ang klase ni Sir hayst boring nya talaga magturo dapat palitan na sya ng ibang teacher" reklamo ni Jelly. Gumising naman si Claire mula sa pagkakaidlip at nag unat unat saka kinuskus ang kanyang magkaliwang mata.
Uwian na at umuna nang umuwi si Claire dahil susunduin pa niya si Kyla ngunit bago sya umuwi ay nilibre muna nya ng ice cream si Jelly dahil sa pangako nya. Sumakay siya sa bus at nakinig ng paborito niyang musika nang nakaheadset.
Bumaba si Claire sa tapat ng gate sa paaralan nina Kyla nakita naman niya agad ang kapatid na palabas sa gate masaya itong naglalakad papunta sa kanyang ate. Medyo malapit lang ang paaralang elementarya sa kanilang bahay maari lang din itong lakarin pero mas gusto parin ni Kyla na maglakad kasama ang kanyang ate sapagkat nais niyang may kakwentuhan habang naglalakad.
"Ate pwede po magtanong" panimula ni Kyla kaya't napatigil sa paglalakad si Claire at nilingon ang kapatid "Ano yon?" tanong niya "Sino po si Diego ate, boyfriend nyo po ba?" tanong ni Kyla na ikinagulat ni Claire at muli na naman niyang naalala ang panaginip niya.
"Uhm fictional character lang yun sa wattpad" palusot naman ni Claire para tumigil na sa pagtatanong ang kapatid at para di na rin niya maisip kung ano ba talaga ang panaginip na yon.
"Kung ganon bakit nyo po sya napanaginipan?" tanong muli ni Kyla. Nagpatuloy lang sa paglalakad si Claire na para bang pinag-iisipan kung paano patigilin sa pagtatanong ang kapatid
"uhm ganyan talaga yan kapag masyado mong iniisip at hinahangaan ang isang character sa kwento. At pwede ba wag mo na akong tanungin tungkol Jan" paliwanag ni Claire at napatango na lamang si Kyla.
Nakarating na rin ang dalawang magkapatid sa kanilang tahanan. Hindi parin mapakali si Claire dahil sa panaginip niya kaya naman ay unti-unti na syang naghahanap ng kasagutan kung ano nga ba ang ibig ipahiwatig ng panaginip na iyon na halos ayaw syang patulugin sa gabi. Sikreto syang nagtungo sa tahanan ng isang manghuhula upang itanong ang tungkol sa kanyang panaginip at kung sino nga ba si Diego.
Kinabukasan pagkatapos ng kanilang klase ay pumunta siya sa tahanan ng manghuhula masikip ang daan papunta sa tahanan nito ngunit walang paki si Claire ang mahalaga sa kanya ay ang malaman kung ano ang ibig sabihin ng kanyang panaginip. Lingid sa kanyang kaalaman na may mga masasamang elemento pala ang nagmamasid sa kanya hinihintay lamang ng mga ito na makalabas siya sa bahay ng manghuhula bago sila umatake. Ang mga ito ay ang mga kaluluwang nakagawa ng kasalanan sa kanilang nakaraang buhay kung kaya't naliligaw ang landas nila sa mundo sa loob ng mahabang panahon.
"Magandang araw po" saad ni Claire sa manghuhula
"Magandang araw din sayo ija. Anong sadya mo?" tanong nito habang matalim na nakatingin sa kanya na para bang siya ay may utang. Napailing naman si Claire hindi ito komportable sa tingin na ibinigay sa kanya ng matanda.
"Uhm may itatanong lang po sana ako" tugon ni Claire at umupo sa upuang nasa tapat ng mesa nandon naman sa kabilang bahagi ng upuan ang manghuhula at nasa harap nila ang bilang crystal.
"Ano iyon ija?" tanong nito habang seryosong nakatingin kay Claire
"Itatanong ko lang po sana kung ano ang ibig sabihin ng aking panaginip" tugon ni Claire "Sana po ay matulungan nyo'ko hindi na kasi ako makatulog nang maayos dahil sa paulit-ulit ko itong napapanaginipan tsaka gusto ko nang matapos ang curiosity ko nagbabakasakali rin ako na sa pamamagitan nito ay hindi na ko babangungotin pa" paliwanag ni Claire habang seryoso paring nakatingin sa kanya ang manghuhula
"Ano ba ang iyong napapanaginipan?" tanong nito. napabuntong-hininga naman si Claire bago magsalita.
BINABASA MO ANG
Reborn For You
FantasiaClaire, isang babaeng palaging nananaginip tungkol sa kanyang nakaraang buhay at sa lalaking inibig niya sa nakaraan sa panahon ng pananakop ng mga kastila, ang mga nakaraang ito'y puno ng paghihinagpis na naging dahilan ng kanyang bangungot ngunit...