Echoes of lost love
"Palagi ko pong napapanaginipan ang lalaking nagngangalang Diego. Hindi ko siya kilala pero pamilyar sya para bang nagkita na kami non. At sa tuwing dumadalaw sya sa panaginip ko ay umaalis din sya agad nang di ko malaman ang dahilan" wika ni Claire na ikinagulat ng manghuhula nagulat sya sapagkat kilala niya ang lalaking tinutukoy ni Claire.
°°°°°°°°∆∆∆°°°°°°°°
Magsasara na sana si Aling Linda, malapit nang dumilim at wala na rin masyadong nagpapahula ngunit napatigil sya nang may lalaking tumatakbo patungo sa pwesto nya, nakasuot ito ng kulay itim ngunit hindi maitatago ang taglay nitong kagwapuhan kahit medyo madilim na ang paligid.
Agad napatigil si Aling Linda sa ginagawa at nagtanong "ijo, gabi na at magsasara nako bumalik ka nalang bukas"
ngunit hindi parin umalis ang lalaki "may kilala ho ba kayong Amara? Nandito ba sya sa inyong mundo? Maari nyo bang ituro kung nasaan sya sapagkat matagal ko na syang hinahanap" sunod-sunod na tanong nito na pilit namang sinusundan ni Aling Linda. Nahiwagahan siya sa wikang ginamit ng lalaki sapagkat malalim na Tagalog ito na halos hindi maunawaan ni Aling Linda at sa panahon ngayon ay hindi naman ito ginagamit sa pang-araw araw na komunikasyon.
"Matagal na ba syang nawawala?" tanong niya
"Opo dalawang daang taon na ang nakalipas" tugon nito at seryoso sya sa kanyang sinabi nabigla naman si aling Linda at hindi makapaniwala inisip tuloy niya na nababaliw na ang lalaki
"Ano? dalawang daang taon two hundred years??seryoso ka ba?" saad ni Aling Linda at medyo natawa ito dahil akala niya talaga na baliw ang lalaking yon.
"kung ako sa'yo dun ka maghanap sa mga pulis" dagdag pa ni aling Linda nagtaka naman ang lalaki dahil hindi nya alam kung ano ang pulis
"Polis?" takang tanong nya
"Oo sa pulis. Haynaku sino ba kasi yang hinahanap mo naguguluhan na ko sayo eh sige na umalis ka na at pumunta ka sa police station magpatulong ka sa mga pulis sa paghahanap " paliwanag naman ni Aling Linda at naguluhan ang lalaki sa dami ng sinabi nya at di rin sya nito maintindihan.
Aalis na sana ang lalaki ngunit nagwika si Aling Linda "sandali lang. Gabi na at malayo pa ang byahe papunta sa police station kung ako sa'yo bukas nalang. Tsanga pala ano bang pangalan mo?" tanong ni Aling Linda sapagkat ramdam nyang may kakaiba sa lalaking ito
"Diego po ang aking pangalan" sagot nya at napatango naman si aling Linda
"o sya uuwi na ko ikaw? di ka pa uuwi hahanapin mo parin siya?" tanong niya
"Ilang araw at gabi na po akong naghahanap sa kanya kaya't hindi ako titigil hangga't hindi ko sya nakikita kahit ilang libong taon pa ang aking hihintayin" kumunot ang noo ni Aling Linda dahil sa sinabi ni Diego at naisip rin nya na baka nahihibang na talaga ito baka nabaliw na kakahanap kay Amara baka di pa ito kumakain
"Takas mental ba tong lalaking to pero sa gwapo nyang to imposible" saad ni Aling Linda sa sarili.
Biglang kumalam ang sikmura ni Diego dahil ilang araw na rin itong hindi kumakain magmula nang napunta sya sa modernong panahon
"hindi ka pa kumain?" tanong ni Aling Linda at naawa sya kay Diego "seguro dahil inuna mong hanapin si Amara" saad ni Aling Linda at tumango lang si Diego para syang bata na naligaw at hinahanap ang mga magulang. Inanyayahan sya ni Aling Linda na sumama muna sa kanya nais nya rin kasi itong tulungan.
Nang makarating sila sa tahanan ni Aling Linda ay nagdadalawang isip na pumasok si Diego sapagkat nakita niya ang mga halamang gamot na ginagamit ni aling Linda sa panggagamot nakita rin nya ang mga pulang kandila na nakasindi at nakapatong sa may altar kaya't di nya maiwasang isipin na mangkukulam si Aling Linda ngunit kung totoo ang iniisip nya ay bakit mabait ito. Pumasok na lamang si Diego dahil alam niyang wala rin syang matutuluyan.
Pinaupo ni Aling Linda si Diego sa upuan at binigyan ng pagkain. "Salamat po" ito na lamang ang nasabi ni Diego at mabilis nyang inubos ang pagkain dahil gutom na gutom ito iniwan muna sya ni Aling Linda sa kusina. Naroon ang kawali na naglalaman ng adobong manok na itinabi
niya para sa kanyang apo.Bumalik si Aling Linda sa kusina upang balikan si Diego ngunit nagulat na lamang siya dahil wala na doon si Diego. Napansin din nyang nakabukas ang takip ng kawali kaya naman ay tiningnan nya ito laking gulat na lamang nya dahil wala na don ang adobong manok na para sana sa apo nya. "Punyeta ka! Diego!" galit na sigaw ni Aling Linda hindi sya makapaniwala na gagawin yon ni Diego ang taong tinulungan nya ay ganon pala ang ang gagawin
Samantala magsasara na sana ng kanilang pa carwashan si Isko ngunit napatigil sya nang makita ang isang lalaki sa tapat na nakahiga sa isang mahabang upuan naisip tuloy niya na pulubi ito kaya't naawa sya sa lalaki. Mahimbing itong natutulog ngunit ginising sya ni Isko upang sabihin na sa bahay nalang nila matulog ngunit nabigla ang lalaki bigla itong nagising sa gulat at muntik nang mapasigaw
To be continued...
BINABASA MO ANG
Reborn For You
FantasyClaire, isang babaeng palaging nananaginip tungkol sa kanyang nakaraang buhay at sa lalaking inibig niya sa nakaraan sa panahon ng pananakop ng mga kastila, ang mga nakaraang ito'y puno ng paghihinagpis na naging dahilan ng kanyang bangungot ngunit...