Chapter 11: Nakaraang buhay

2 1 0
                                    

"Kung totoo mang nakikita mo ako sa iyong panaginip ay seguradong ikaw si Amara" saad ni Dan na ikinagulat ni Claire

"Paano ka nakaseguro hindi kaya nagkataon lang to. Imposibleng ikaw ang lalaking yon baka magkapangalan lang kayo" saad naman ni Claire

"Hindi mo ba nakita ang mukha ng lalaking iyon sa iyong panaginip?" Tanong ni Dan

"Nakikita ko pero hindi ko naman maalala" tugon ni Claire at umiling sya

"Paano kung ako talaga yon ano ang iyong gagawin?" Seryosong tanong ni Dan

"Ewan ko lang hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko" tugon ni Claire imposible kasi para sa kanya na si Dan ang lalaking napapanaginipan niya at ganon din ang iniisip ni Dan ayaw niyang isipin na si Claire at si Amara ay iisa sapagkat magkaiba naman ang ugali na meron sila.

——

Nakauwi na si Claire sa kanilang tahanan at tumawag si Felix dahil dito ay nag-aalanganin siyang sagutin ito dahil sa hindi niya pagpunta sa bahay nina Felix Nong siya'y inanyayahan nito dahil mas inuna nya si Dan.

"Hello, Felix sorry ha kung di ako nakapunta sa inyo" saad ni Claire

"It's okay baka busy ka or maybe there's other reason" saad ni Felix kahit ang totoo ay disappointed siya.

Dahil sa tanong niya ay tila naistatwa si Claire ayaw niyang malaman nito ang tunay na dahilan

"Uhm...masama kasi ang pakiramdam ko" pagsisinungaling ni Claire at naniwala naman ito

"Ahh ok...well, did you take a medicine na ba?" Tanong ni Felix

"Ah-ha...oo" nauutal na tugon ni Claire

"Good. Sige maybe you should rest na bye get well soon " saad ni Felix

"Thanks" ito na lamang ang naging tugon ni Claire at pinatay ang tawag.

                             ~***~

Hindi parin mawala sa isip ni Claire ang mga sinabi ni Dan naramdaman niya na para bang may koneksyon talaga sila. Nang natulog na si Claire ay hindi sya binangungot at hindi na nanaginip pa kung kaya't maganda at mahimbing ang kanyang tulog.

Kinabukasan ay natuwa siya sapagkat hindi na siya nanaginip pa tungkol sa lalaking nagngangalang Diego ngunit nagtataka rin siya kung bakit iyon nangyari "si Dan kaya ang dahilan?" Tanong niya sa sarili

Papunta na sana si Claire sa school at naghintay ng bus, umupo siya sa isang mahabang upuan sa gilid ng kalsada nang mapansin niya ang isang lalaki na nakaupo sa dulo na may kakaibang kasuotan, suot nito'y mahabang kamiso na kulay itim kung kaya't naisip niya na baka ito ay si kamatayan.

"Si-si kamatayan ata to. Sabi ko na nga ba eh di na dapat ako nagpupuyat nakita ko na tuloy siya" saad ni Claire

"Hindi ako si Kamatayan" saad ng lalaki habang ito'y nakapamewang

"Eh kung hindi ka si kamatayan bakit halos kulay itim ang suot mo?" Tanong ni Claire

"Hindi ba puwedeng ito lang ang gusto kong isuot. Hindi tayo magkauri isa akong Imortal" tugon naman nito

"Ganon ba ano namang ginagawa mo rito naghihintay ka rin ng sasakayan?" Tanong ni Claire

"Hindi ikaw talaga ang sadya ko. Di ba't kilala mo si Diego?" Tanong nito na ikinagulat ni Claire

"Kilala mo siya? Yung lalaking palagi kong napapanaginipan?" Sunod sunod na tanong ni Claire

"Oo at hindi lang basta sa panaginip mo siya nakikita nagkita na rin kayo hindi ba" saad nito na ikinalito ni Claire

Reborn For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon