Isang araw na lamang ang natitira at kinabukasan ay aalis na rin si Diego. Nais nyang makasama si Claire sa mga araw na iyon upang sulitin ang lahat kaya ay pinuntahan nya ito sa kanilang tahanan. Maaga syang pumunta, maya-maya ay lumabas si Claire nang naka uniforme kasama si Kyla, natigilan naman ito nang makita sya.Napangiti sya nang makita si Diego
"Uhm ... Dan anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Claire, Dan ang ginamit nyang pangalan dahil naroon si Kyla.
"Alam mo naman seguro di ba na ito na ang huling araw ko, nais sana kitang makasama sa mga huling sandali" tugon naman ni Diego habang may bahid ng lungkot ang mukha
"Ngunit may pasok pa ako" malungkot na tugon ni Claire
"Ayos lang hindi na kita aabalahin pa. Sasamahan nalang kitang pumunta sa paaralan" saad ni Diego at pumayag naman si Claire
"Ate, kaano-ano nyo po si Kuya Dan?" Biglang tanong ni Kyla na ikinabigla ni Claire dahil dito ay naguluhan sya kung paano sagutin ang tanong ng kapatid ayaw rin kasi nyang itakwil si Diego at sabihing hindi nya ito kaano-ano o kaibigan lang baka magtampo pa ito. Hindi agad nakasagot si Claire kung kaya't sumapaw na sa usapan si Diego
"Magkaklase kami ng iyong ate" sagot ni Diego na ikinagulat ni Claire at inirapan nya si Diego.
𝙉𝙖𝙜𝙥𝙖𝙩𝙪𝙡𝙤𝙮 lamang sa paglalakad si Claire at hindi na pinansin si Diego hanggang sa makarating sila sa paaralan nina Kyla, kaagad namang nagpaalam si Kyla sa kanila at pumasok na sa gate. Muling naglakad si Claire ng ilang metro at hindi pinansin si Diego na nakasunod sa kanya.
"Claire!" Saad ni Diego ngunit hindi sya pinansin ni Claire, patuloy lang ito sa paglakad ngunit hindi na nya ito kinaya kung kaya't nagsalita na sya
"Kaklase lang? Ganon?" Sarkastikong tanong ni Claire at tumigil sa paglalakad habang nakatalikod kay Diego at napahalukipkip kumunot naman ang noo ni Diego dahil sa kanyang sinabi
"Anong gusto mong isagot ko sa iyong kapatid? Nais mo bang sabihin ko sa kanya na magkasintahan tayo sa nakaraang buhay? Sa tingin mo maniniwala sya. Pinagtanggol lang kita ayokong isipin nya na nababaliw ka na" tugon naman ni Diego dahil dito ay napaisip si Claire
"Kung sa bagay. Tsanga pala sasamahan mo talaga ako sa paaralan?" Tanong ni Claire
"Oo" tipid na tugon ni Diego
"Ngunit hindi ka maaaring pumasok bawal ang mga hindi estudyante don kung baga no pets allowed " hirit pa ni Claire alam naman nyang hindi iyon maiintindihan ni Diego
"Sige, maghihintay na lamang ako dito sa labas" saad ni Diego na ikinabigla ni Claire
"Ano? Kaya mo bang maghintay nang matagal nakakainip kaya yon" saad ni Claire at napangiti namn si Diego
"Sana'y akong maghintay " ito na lamang ang naging tugon nya, 𝑠𝑎𝑛𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑠𝑦𝑎 𝑚𝑎𝑡𝑎𝑔𝑎𝑙 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑖𝑛𝑡𝑎𝑦 𝑠𝑖 𝐴𝑚𝑎𝑟𝑎.
"Tsanga pala ano ba ang ibig sabihin nang iyong sinabi" tanong ni Diego
"Ha? San yun bang no pets allowed? Ah-ha hehe ano yon basta bawal kang pumasok " tugon naman ni Claire at tumango naman si Diego nakahinga naman nang maluwag si Claire
"ℎ𝑎𝑦𝑠𝑠𝑡 𝑏𝑢𝑡𝑖 𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑡 𝑑𝑖 𝑛𝑦𝑎 𝑎𝑙𝑎𝑚 𝑚𝑒𝑎𝑛𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑜𝑛" saad ni Claire sa kanyang isipan
Maya-maya ay dumaan ang isang bus at agad naman silang sumakay. Pagpasok nila sa loob ay agad nagsitinginan kay Diego ang lahat ng mga pasahero
𝐻𝑎𝑙𝑎! 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑤𝑎𝑝𝑜
BINABASA MO ANG
Reborn For You
FantasyClaire, isang babaeng palaging nananaginip tungkol sa kanyang nakaraang buhay at sa lalaking inibig niya sa nakaraan sa panahon ng pananakop ng mga kastila, ang mga nakaraang ito'y puno ng paghihinagpis na naging dahilan ng kanyang bangungot ngunit...