Chapter 6: Pamilyar na imahe

6 3 0
                                    


Habang tumatakbo ay di rin nya maiwasang tumingin sa likuran kung sumusunod paba ang nilalang na yon, nakita n'ya itong humahabol sa kanya. Pagod na sya sa pagtakbo ngunit ayaw n'yang mahuli ng nilalang kaya hindi sya tumigil sa pagtakbo. May nakita siyang bahay kaya't naisipan nyang magtago sa likod nito. Agad syang nagtago sa likod ng bahay, sumilip sya ng kaonti at nakita nyang papalapit na ang halimaw sa pinagtataguan nya, nais nyang sumigaw dahil sa takot ngunit natatakot naman sya na baka marinig nito kung kaya't pumikit nalang sya at tinakpan ang bunganga. Inisip niya na kapag nakita sya ng halimaw at papatayin ay tatanggapin na lamang niya ito kung ito man ang kanyang kapalaran na mamatay sa kamay ng isang halimaw. Naisip nyang lumabas nalang sa pinagtataguan.

Iminulat ni Claire ang kanyang mga mata, handa na syang harapin ang halimaw, dahan-dahan syang tumayo at lumabas sa pinagtataguan ngunit tila tumigil ang mundo nang makita niya ang pamilyar na lalaki, nakatayo ito at nakaapak sa ulo ng halimaw na unti-unting nanghihina dahil dito ay gumaan ang pakiramdam ni Claire nang malamang ligtas na sya.

Nang humarap ang lalaki ay nakita ni Claire ang pamilyar nitong mukha na tila ba matagal na nyang nakita ngunit hindi lamang nya matandaan. Tumingin ang lalaki sa kanya at tinawag sya sa ibang pangalan at ito ay ang 'Amara' pangalang laging binabanggit ng lalaki na nasa kanyang panaginip

"Ikaw ba ang lalaki sa panaginip ko o panaginip na naman ito? Narito ka ba para iligtas ako? " sunod sunod na tanong ni Claire ngunit natauhan sya ng magsalita ito

"Binibini, ano ba ang ginagawa mo dito sa labas sa mga oras na ito?" tanong nito at tila naistatwa si Claire ng marinig na tinawag syang binibini.

" May pinuntahan lang kasi ako" ito na lamang ang naging tugon niya

" Sa susunod mag-iingat ka mapalad ka at may nagligtas sayo" saad nito na tila ba pinapaalala nya na utang na loob ito ni Claire

"Sige. uuwi nalang ako salamat nga pala sa pagligtas mo sa'kin parang utang na loob ko pa talaga" tugon ni Claire

" Hindi iyon utang na loob wag mo nang isipin mas mabuting mapangaralan ka. Sasamahan na kita sa pag-uwi mo baka may manakit pa sayo dyan sa daan" paliwanag nito. Naalala ni Claire ang halimaw na humahabol sa kanya kaya wala syang ibang nagawa kundi ang magpasama nalang sa lalaking hindi nya kilala ngunit ramdam naman nyang mapagkatiwalaan ito.

Habang naglalakad ay naghari ang katahimikan.

"Ano ba'ng pangalan mo?" panimula ni Claire

" Dieg—Dan! a-ang aking pangalan." tugon nito nang napagtantong hindi nya dapat gamitin ang tunay na pangalan. Napatango na lamang si Claire

"At ikaw?" tanong ni Dan

" Claire. Tsanga pala pano mo'ko nailigtas" tanong uli ni Claire at nagtataka rin sya kung bakit hindi ito natakot na harapin ang nakakatakot na nilalang.

"Nasa labas lamang ako ng bahay na aking tinuluyan habang nagpapahangin nang bigla kitang natanaw na tumatakbo sa takot" paliwanag ni Dan tumango naman si Claire "Maari bang wag mo itong ipagsabi kahit kanino. Hindi maaring malaman nila kung sino talaga ako" Bilin ni Dan at tumango naman ulit si Claire

"San ka ba nakatira?" tanong ni Claire itinuro naman ni Dan ang bahay ng mag-asawang Ismael(Isko) at Miranda

"Dyan ako nakikituloy habang hindi ko pa natatapos ang aking misyon" direktang saad ni Dan na tila ba pinagkakatiwalaan na nya si Claire kumunot naman ang noo ni Claire sa kanyang sinabi

" misyon? anong klaseng misyon? spy ka ba?" Takang tanong ni Claire ayaw sana itong sagutin ni Dan sapagkat hindi na ito mahalagang malaman pa ng iba

"May hinahanap ako" ito na lamang ang naging tugon ni Dan

"Ano naman ang hinahanap mo?" tanong ni Claire

" Hindi na mahalagang malaman mo pa" seryosong tugon ni Dan na ikinakunot ng noo ni Claire ngunit hindi na lamang sya nangahas na tanungin ito baka magalit pa ito sa kanya

"okay sorry" saad ni Claire at ngumiti ngunit hindi maintindihan ni Dan ang sinabi nito

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Dan kumunot naman ang noo ni Claire sa pag-aakalang di pala makakaintindi ng english si Dan kahit syay misteryoso.

"Ang ibig kong sabihin ay pasensya na" saad ni Claire tumango naman si Dan.

                         ~~**•**~~

Hindi makatulog si Claire habang nakatingala sa kalangitan kung saan naroon ang buwan. Malalim ang kanyang iniisip at hindi parin mawala sa isip nya si Dan naging palaisipan sa kanya ang pagkatao nito.

"Sino nga ba si Dan? Bakit kakaiba sya? At sino naman kaya ang hinahanap nya"

mga katanungang bumabagabag sa isipan ni Claire.

Kinabukasan halos walang kurap na nakatingin si Claire sa kanyang repleksyon sa salamin, napansin ito ng kanyang ina habang ito'y naghuhugas ng pinggan. Napansin ni Celia na tila tulala ang anak na nakatingin sa salamin kaya naisip nya na baka nananaginip na naman ito kagabi.

"Ano nananaginip Kana naman ba kagabi?" tanong ni Claire at napailing si Claire

"Hindi po ako nananaginip di naman po ako natulog kagabi eh, natatakot na'kong matulog sakaling makalimutan kong gumising dahil sa bangungot.

To be continued.....

Reborn For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon