Papalubog na ang araw at makikita ang magandang imahe ng kalangitan, dahil sa ganda nito ay naisip ni Claire na kunan ito ng larawan"Wow ang ganda" saad ni Claire habang kumukuha ng larawan gamit ang kanyang 𝐶𝑒𝑙𝑙𝑝ℎ𝑜𝑛𝑒.
Nakatingin lamang sa kanya si Diego at di nito mapigilang magtanong "ano iyang ginagawa mo at ano ang bagay na yong hawak?" Lumingon naman si Claire sa kanya at sumagot "ahh ito 𝐶𝑒𝑙𝑙𝑝ℎ𝑜𝑛𝑒 ang tawag dito wala pa to nong unang panahon
"Di ba't ginagamit yan upang magpadala ng mensahe ngunit ano ang iyong ginagawa?" Tanong ni Diego sapagkat naalala niya na may ganon ding bagay si Isko
"Kumukuha ako ng larawan ang ganda kasi tingnan ng langit color orange at hindi lang naman ito para sa pagpapadala ng mensahe " saad ni Claire at tumango na lamang si Diego
"Halika picture tayo bago ka umalis para may remembrance tayo, para may titingnan ako sa panahong mangulila ako sa'yo" saad ni Claire at agad kumuha ng litrato nilang dalawa. Napansin ni Claire na hindi ito nakangiti di rin kasi nito alam ang gagawin kaya ay pinangiti sya ni Claire
"Ulitin natin ngumiti ka ah" saad ni Claire at ngumiti naman si Diego
"Madali na kitang mahanap muli dahil dito" saad ni Claire dahil dito ay gumaan ang pakiramdam ni Diego nang malamang malaki pala ang tsansa na muli silang magkikita
"Masaya ako sapagkat may naisip kang paraan" saad naman ni Diego ngunit malungkot na nakatitig sa kanya si Claire sapagkat alam nitong hindi na sya kailanman maaalala pa ni Diego kahit na may larawan silang dalawa.
"Paano kung mag-iiba ang iyong hitsura sa kabilang buhay at paano kung ibang tao ka na paano kita mahahanap?" Saad ni Claire
"Wag kang mag-aalala kung mangyari man yan lagi mong tatandaan na malimot ka man ng aking isipan ngunit hindi ng aking puso" saad ni Diego at niyakap si Claire.
══════◄••❀••►══════
𝙉𝙖𝙥𝙖𝙪𝙥𝙤 si Diego sa ilalim ng puno, si Claire naman ay nakatayo habang minamasdan ang papalubog na araw. Napatingin si Diego kay Claire habang ang buhok nito'y marahang sinasayaw ng hangin napangiti sya para bang nais nyang sabihin sa dalaga kung gaano ito kaganda. Lumingon si Claire kay Diego dahilan upang mapaiwas ito nang tingin.
"Napakagandang tingnan ng papalubog na araw, hindi ba?" Saad ni Diego na para bang mayroon itong ibang nais ipahiwatig
"Yan ba yong sinasabi nila sa English na 𝑇ℎ𝑒 𝑠𝑢𝑛𝑠𝑒𝑡 𝑖𝑠 𝑏𝑒𝑎𝑢𝑡𝑖𝑓𝑢𝑙, 𝑖𝑠𝑛'𝑡 𝑖𝑡....Alam mo hindi pa ako handa sa paglubog ng araw , natatakot ako sa bawat paglubog nito sapagkat para kasing pinapadali nito ang oras nangangamba ako na baka bukas paggising ko ako nalang pala mag-isa" saad ni Claire habang pinapahiran ang namumuong luha sa kanyang mga mata
Tumayo si Diego at lumapit sa tabi ni Claire saka tinuro ang papalubog na araw
"Tingnan mo kung gaano kaganda ang papalubog na araw ito'y nangangahulugan na maaring maganda rin ang katapusan. Tandaan mo magiging maganda ang ating pamamaalam" saad ni Diego at ngumiti
══════◄••❀••►══════
"Tsanga pala paano ka magpapaalam kina kuya Isko at ate Miranda? Aalis ka na lang ba bigla?" Tanong ni Claire habang sila'y palabas sa port Santiago(𝐼𝑛𝑡𝑟𝑎𝑚𝑢𝑟𝑜𝑠). Dahil dito ay natawa ng kaonti si Diego ngayon lang din nakita ni Claire na tumatawa nang ganon si Diego
"Syempre magpapaalam ako nang maayos sa kanila ngunit hindi ko na sasabihin pa kung saan talaga ako pupunta" tugon ni Diego
"Paano kung tanungin ka nila" saad ni Claire
"Edi sasabihin ko na uuwi nako sa amin sa 𝐵𝑎𝑡𝑎𝑛𝑔𝑎𝑠" tugon ni Diego nang may halong tawa
"Marunong ka rin palang magsinungaling no "—Claire
"Nasimulan ko na kasi ang kasinungalingang iyon tatapusin ko na lang hindi ko rin naman maaring sabihin na sa kabilang buhay ako tutungo. Hindi lahat ng pagsisinungaling ay masama kung nagagamit mo ito nang maayos at kung nagagampanan mo ang iyong sinabi" saad ni Diego at natawa.
══════◄••❀••►══════
𝙇𝙪𝙢𝙞𝙥𝙖𝙨 ang ilang araw ay muling nagpakita kay Diego ang misteryosong nilalang. Habang sya ay nakaupo sa labas kung saan naroon ang dalawang upuang yari sa kahoy at bilogang mesa ay biglang lumitaw sa kanyang harapan ang nilalang, umupo ito sa harap nyang upuan at napahalukipkip.
"Naalala na pala ni Amara ang nakaraan kung kaya't maaari ka nang lumisan sa mundong ito, tapos na ang iyong misyon ngunit aking nakikita na hindi ka pa handang lumisan....Ihanda mo nalang ang iyong sarili sapagkat dalawang araw na lamang ang natitira" saad nito
"Hindi ka na dapat mag-alala sa magiging buhay mo sa kabilang buhay sapagkat nakatakda kang isilang sa isang mayamang pamilya. Paglipas ng pitong araw mula sa iyong pag-alis sa mundong ito ay muli kang magkakatawang tao. Makakatagpo ka rin ng bago don at marami ka ring makikilala" dagdag pa nito. Nalungkot naman si Diego dahil sa katotohanang hindi na nya muli pang maalala si Claire
"Maaari pa ba kaming magkita doon?" Tanong ni Diego kahit alam na nya ang sagot ngunit umaasa syang may iba pang sagot bukod doon, umaasa syang pwede baguhin ang tadhana
"Oo naman ngunit hindi mo na sya makikilala at mas matanda na sya kesa sayo, labing walong taon ang inyong magiging agwat maaring magkaiba ang inyong henerasyon at kung darating ang panahon na tatanda siya't mamamatay ay sya naman ang muling mabubuhay bilang isang sanggol at ikaw naman ang mas matanda. Parang oras lang yan pabalik-balik, babalik at babalik ka parin sa pagkabata ngunit sa pag-ikot ng bawat segundo at oras baka sakaling muling ipagtagpo ang inyong landas sa tamang panahon" paliwanag ng misteryosong nilalang at ipinakita kay Diego ang kanyang relo itinuro nya ang arrow na para sa segundo at ang arrow na para sa oras gamit ang kanyang kapangyarihan ay ipinagtapat nya ang dalawa.( 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑎ℎ𝑢𝑙𝑢𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑔𝑎𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑤𝑎)
"Nakita mo ba kapag ang oras ay tumungtong ng tanghaling tapat (12:00) nagtatagpo sila.....Diego, alam kong naiintindihan mo ang aking mga sinabi kahit ito'y may malalim na kahulugan" dagdag pa nya at tumango tango si Diego
"Ibig sabihin ay maari kaming ipagtagpo kung ito'y naayon sa oras. At kahit magkaiba ang direksiyon ng segundo at oras ay magtatagpo parin sila" saad ni Diego at tumango ang misteryosong nilalang
"Parang ganoon na nga" saad ng mahiwagang nilalang at agad naglaho na parang bola.
𝑁𝑎𝑘𝑎𝑢𝑝𝑜 parin si Diego sa upuan at tulalang nakatitig sa buwan walang ibang iniisip kundi si Claire
"Paano na kaya si Claire sa araw na ako'y lumisan"
"Sana kakayanin niya ang lahat"
Saad nya sa sarili.
𝑃𝑎𝑝𝑎𝑠𝑜𝑘 sa loob si Diego upang magpahinga nang biglang may tumawag sa kanya mula sa likuran.
"Diego!" Saad ni Claire at napalingon si Diego
"Bakit ka nandito gayong gabi na marahil nangungulila ka sa akin" saad ni Diego at medyo natawa pa sya ngumiti na lamang si Claire
"Meron akong mahalagang sasabihin sa iyo... Nanaginip ako kung kaya't paggising ko ay agad akong nagtungo dito" saad ni Claire na ipinagtaka ni Diego
"At ano naman ang iyong napanaginipan?" Tanong ni Diego
Napabuntong hininga na lamang si Claire bago magwika
"Katulad mo ang nangyari sa akin " panimula ni Claire na ikinagulat at ikinalito ni Diego
"Ano ang ibig mong sabihin?" Nalilitong tanong ni Diego
"Naalala ko na ang lahat dahil sa panaginip kong yon"
Dahil dito ay nagsimulang magkwento si Claire.......
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Reborn For You
FantasiClaire, isang babaeng palaging nananaginip tungkol sa kanyang nakaraang buhay at sa lalaking inibig niya sa nakaraan sa panahon ng pananakop ng mga kastila, ang mga nakaraang ito'y puno ng paghihinagpis na naging dahilan ng kanyang bangungot ngunit...