Chapter 2: Mga katanungan

15 5 0
                                    


Sumakay si Claire sa bus papunta sa kanilang paaralan umupo sya malapit sa bintana sapagkat paborito niyang pagmasdan ang mga tanawin habang nakikinig ng musika nang naka headset paborito niyang kanta ang 'Palagi by Tj Monterde'

"Sa huli palagi....babalik parin sa yakap mo 🎼🎶" awit ni Claire habang sinasabayan ang kantang pinapakinggan niya wala siyang paki kung tinitingnan sya ng ibang mga pasahero dahil sa medyo sintonado ito.

'Sa huli palagi....babalik parin sa yakap mo'.Ang linyang ito ng awitin ay tila pamilyar sa kanya na para bang narinig na niya ito hindi lamang niya matandaan kung sino ang nagsabi sa kanya ng ganito.

Malayo-layo pa ang byahe bago umabot sa paaralan kaya't umidlip muna si Claire

       ••••••••°°°°°°°•••••••••°°°°°°°°•••••••••

Nakita ni Claire ang kanyang sarili na nakasuot ng mahabang damit kung hindi sya nagkakamali ito ay baro't saya. Hindi niya mawari kung panaginip lang ba ito o hindi sapagkat malinaw ang lahat ng kanyang nakikita. Nasa ilalim siya ng puno nang azotea habang dinadama ang sarap ng simoy ng hangin maya-maya ay dumating ang isang binata na nakasuot ng itim na kamiso at nakasombrero nakakahalina itong tingnan.

"Amara" wika nito gamit ang malalim na boses at ngumiti

Malinaw na malinaw na nakita niya ang binatang si Diego di tulad sa mga nagdaang panaginip niya na malabo at nakatalikod ngayon ay mas lalo niyang nakikita ang hitsura nito. Matangkad ito, matangos ang ilong, makinis ang balat at higit sa lahat may hitsura.

Hinawakan nito ang kanyang mukha at niyakap sya saka nagwika " Ako'y aalis na ngunit iyong tandaan na ako'y babalik parin sa yakap mo" at unti-unting bumitaw

"Teka lang! sandali!" sigaw naman ni Amara ngunit tila kinakain na ito ng liwanag at tuluyan nang di niya masilayan. Ang dating malinaw ay naging malabo.

  Nagising si Claire at naramdaman nyang pumatak ang luha mula sa kanyang mata kaya ay pinunasan niya ito.

Nakita niyang nagsibabaan na ang mga tao at tumigil na ang bus kaya sumabay na sya sa pagbaba.

Nang makarating sya sa kanilang paaralan ay agad syang sinalubong ng kaibigan niyang si Jelly nakangiti ito tulad nang nakasanayan at agad kumapit sa braso ni Claire. Tinanggal ni Claire ang headset nang magsalita si Jelly napansin kasi sya nitong nakasimangot. Tulad ng kapatid ni Claire na si Kyla ay mausisa rin itong si Jelly.

"uhm girl kanina pa kitang napapansin na nakasimangot ah. Ano bang problema mo? seguro nag-away kayo ni Felix" saad ni Jelly kaya't kumunot ang noo ni Claire na nakatingin sa kanya. Si Felix ay ang kanilang kaklase na matagal nang nanliligaw kay Claire ngunit wala siyang balak na sagutin ito tanging pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay kay Felix.

Napahinga nang malalim si Claire at nagwika " Naranasan mo na bang mapanaginipan ang isang tao o bagay nang paulit-ulit?" tanong niya upang ibahin ang usapan nais niya kasing iwasan na pag-usapan ang tungkol kay Felix.

"Hindi pa bakit may ganyan kang panaginip?" takang tanong ni Jelly at tiningnan si Claire. Napatango naman si Claire kaya't napatakip ng bunganga si Jelly "At ano naman ang napanaginipan mo?" tanong niya na para bang pulis na nag-iimbestiga.

"Isang lalaki pero parang nasa ibang panahon yon sa panahon ng mga kastila ata" tugon ni Claire muli namang napatakip ng bunganga si Jelly

"wow tapos?" usisa niya.

"Bili kaya tayo ng ice cream after class" pag-iiba naman ni Claire sa usapan at nagpakita ng ngiti sapagkat naguguluhan na sya kung paano niya sasagutin ang mga katanungan ni Jelly tungkol sa panaginip niya dahil bukod sa pagiging usyusera ni Jelly ay matabil din ang dila nito.

"Sige basta ilibre mo ko" saad naman ni Jelly at ngumiti tumango na lamang si Claire

Sabay silang naglakad sa pasilyo ng paaralan habang nagkukwentuhan at nagkukulitan. Maya-maya ay nakasalubong nila sa daan si Felix kasama ang mga kaibigan nito napangiti naman ito sa kanila lalo na nang makita si Claire

Tumigil ang mga ito sa harap nila at nagwika

"Hi Claire" saad ni Felix tumugon naman si Claire at ngumiti rin habang si Jelly naman ay kinikilig nang patago botong-boto kasi ito sa kanilang dalawa.

"Claire, busy ka ba sa sabado?" tanong ni Felix na lalong nagpakilig kay Jelly sapagkat iniisip nya na makikipagdate si Felix sa kaibigan

"Hindi naman. Why?" tugon ni Claire na may halong pagtataka habang sumesenyas naman si Jelly na wag itong tanggihan at tama nga ang tugon niya na sabihing di sya busy

"Gusto lang kitang imbitahang mag dinner sa mansyon. Isama mo nalang din si Jelly para may kasama ka" tugon ni Felix at nagtaka naman si Claire kung bakit sya inanyayahan ni Felix sa mansyon nito gayong wala namang okasyon. Lingid sa kanyang kaalaman na isa ito sa mga effort ni Felix para magustuhan din sya ng dalaga.

Matapos nila itong sabihin ay umalis na sila at nagpatuloy naman sa paglalakad sina Claire at Jelly hanggang sa makarating sa kanilang silid

"Alam mo girl excited na ko. Makikilala mo na talaga ang mga magulang ni Felix" saad ni Jelly

Reborn For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon