Chapter 5: Ligaw na kaluluwa

5 3 0
                                    


"Kalma lang boss di ako masamang tao. Wala ka bang tirahan?" tanong ni Isko, nasa tatlumpu't isang taon na ito at may asawang nagngangalang Miranda

Napailing si Diego at nagwika" hindi ako tagarito at hindi ko alam kung anong lugar to" inosenteng tugon ni Diego kahit siya'y nasa Manila parin naman pero sa modernong panahon na

"Manila to boss. Sandali lang sayo ka rito? kung ganon taga saan ka?" tanong ni Isko dahil dito ay hindi nakasagot si Diego at natulala lang ngunit biglang may bumulong sa kanyang tenga

"Nandito ka sa taong dalawampung libong dalawampu't apat(2024). Kailangan mong pakisamahan ang mga tao rito upang hindi ka mapagkamalang hibang....ngayon sagutin mo ang tanong niya sabihin mo na galing ka sa Batangas oo hindi iyan ang lupang iyong sinilangan ngunit kailangan mong magsinungaling at sabihin mo na naghahanap ka ng trabaho dito sa Manila ngunit napahamak ka sa daan kung kaya't ganito ang nangyari sayo." bulong ng mahiwagang nilalang at agad itong naglaho

"Ga-galing po ako sa Batangas nagtungo ako dito sa Maynila upang maghanap ng trabaho ngunit napahamak ako sa daan tinambangan kasi ako ng mga tulisan at tinangay ang lahat ng dala ko" saad ni Diego at napaniwala naman nya si Isko

"Anong pangalan mo?" tanong ni Isko

"Dieg—" hindi natapos ni Diego ang kanyang sasabihin sapagkat muli na namang lumitaw ang nilalang

"Oops! hindi mo maaaring gamitin ang tunay mong pangalan sapagkat isa ito sa pagsubok na ibibigay ko sa'yo at isa pa kinain mo ang adobong manok ni Aling Linda kaya't kailangan mong magtago..ganito nalang sabihin mo na ikaw si Dan or Danilo Lucientes" saad ng mahiwagang nilalang at medyo natawa

"Danilo Lucientes ang aking pangalan maari mo rin akong tawaging Dan" tugon ni Diego

"Ah sige Dan dito ka nalang muna tumira sa bahay" saad ni Isko likas talaga sa kanya ang pagiging matulungin.

Pumasok na sila sa loob nakita ni Diego ang mga kagamitan na hindi pa nya nakita noon sa makalumang panahon balak sana nyang itanong kay Isko kung ano ang bagay na hugis parisukat na kulay itim ngunit bigla na namang lumitaw ang mahiwagang nilalang upang paalalahanan sya

"Alam kong nais mo na namang magtanong ngunit di mo maaring gawin yun pagkakamalan nyang masyadong inosente kaya't ako nalang ang sasagut sa tanong mo yan ay telebisyon wala pa yan noong unang panahon kung kailan ka isinilang" napatango na lamang si Diego at muling naglaho ang nilalang

"Dan sumama ka dito sa taas" saad ni Isko habang umaakyat pataas ng hagdan sumunod naman si Diego.

"Dito ang kwarto pasensya na medyo makalat di ata nililinisan ni Miranda" saad ni Isko

"ako nalang po ang maglilinis" magalang na saad ni Diego sapagkat matanda ito ng pitong taon sa kanya.

"Ah sige" ito na lamang ang naging tugon ni Isko

Sunod ay itinuro ni Isko kay Diego kung saan ang palikuran na para bang isa s'yang empleyado sa isang hotel na nag-assist sa kanilang bisita.

"Maligo ka na lang din papahiramin nalang kita ng damit" saad ni Isko at tumango naman si Diego at nagpasalamat. Matapos nyang maligo ay pumasok na sya sa silid, maliit lamang ang silid na ito at may bintana, binuksan niya ito upang tanawin ang buwan kalahati lamang ito ngunit naroon parin ang layunin nito na magbigay liwanag. Habang nakatitig sa buwan ay iniisip ang babaeng matagal na nyang hinahanap, si Amara. Naalala nya ito na nakatitig sa buwan.

        == ******===******===******==

"Nasan na ho ba ang lalaking yon na nagngangalang Diego?" tanong ni Claire matapos marinig ang kwento ni Aling Linda

"Hindi ko na alam matapos nyang gawin yon ay bigla na lang syang nawala tulad nang kung paano sya nawala sa panaginip mo" tugon nito "Anong gagawin mo kapag nakita mo ang lalaking yon kasi ako malilintikan ko talaga yon. Hindi ko inakalang ganon ang gagawin nya matapos ko syang tulungan" dagdag pa ni Aling Linda natawa na lamang si Claire at napabuntong hininga bago magsalita

"Gusto kong makita sya at makausap marami akong itatanong sa kanya" tugon niya

Gabi na at nasa bahay parin ni Aling Linda si Claire.

"Tsanga pala iha gabi na at hindi maaaring magtagal dito may mga kaluluwang ligaw ang gumagala sa gabi mas mabuti pa't umuwi ka na" saad ni Aling Linda na ikinagulat ni Claire at kinilabutan sya

"Ah sige po uuwi na po ako salamat nga pala" saad ni Claire at lumabas na mula sa bahay ni aling Linda.

Madilim na sa labas tanging mga ilaw na lamang sa mga kabahayan ang nagliliwanag. Malamig rin ang simoy ng hangin, nakaramdam ng kaba si Claire nang biglang lumitaw sa harap niya ang isang nakakatakot na nilalang kaya't nasindak sya at napasigaw

"ito na ba Yong sinasabi ni Aling Linda na kaluluwang ligaw?" saad ni Claire sa kanyang isipan at kumaripas ng takbo ngunit hindi sya tinantanan ng nilalang na ito at hinabol sya.

Habang tumatakbo ay di rin nya maiwasang tumingin sa likuran kung sumusunod paba ang nilalang na yon, nakita n'ya itong humahabol sa kanya. Pagod na sya sa pagtakbo ngunit ayaw n'yang mahuli ng nilalang kaya hindi sya tumigil.

To be continued....

Reborn For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon