CHAPTER 19

75 1 0
                                    

“So, lumabas din ang totoo.” ani Dash at nakangisi itong bumaling sa amo niya. “You like her that’s why you helped her.”

Hindi makakilos si Silex, nasa gitna lang siya ng dalawa at nararamdaman niya ang tensyon mula sa dalawa.

Once, they were good friends and now, they act like they hated each other for years. Ayaw ni Silex na mangarap na siya ang dahilan ng pag-aaway ng dalawa, wala namang alam si Trevor sa relasyon nila ni Dash.

“Me helping and liking Silex is none of your business,” sagot ng amo niya. “why does it bother you so much? 4ekg Do you like her too?” tanong pa nito.

Halos mapalunok si Silex, siya ang pinag-uusapan ng dalawa at masama ito.

Trevor could just be pretending to like her to save his reputation, because he already had said to Gray that she is his girlfriend. But then, Dash never knew about that agreement.

“Huwag mo ‘kong igaya sa’yo,” sagot ni Dash at hinawakan ang kaliwang braso niya. “tumutulong ako kasi kailangan niya ng tulong, hindi dahil gusto kong may kapalit.”

Napalunok si Silex nang hawakan din ni Trevor ang kanang kamay niya. Mahigpit ang hawak ng dalawa at parang ayaw siyang bitawan, kapag humigit ni isa sa kanila, baka mahati ang katawan niya.

“Silex, you’ll stay.” utos ng amo niya kaya napatango naman siya.

Kahit bali-baliktarin ang mundo, si Trevor parin ang amo niya at ang taong may pinakamaraming nagawang mabuti sa kaniya.

“No,” ani Dash at hinatak siya nito palayo sa amo. “her service for you ends now. She no longer needs to do everything you say. She’s quitting.”

Sarkastikong natawa ang amo niya at hinatak siya nito palapit. “And who are you to make that decision?” tanong nito sa lalaki at ngumisi. “The only thing you know about her is the fact that she’s Jacos’ ex-wife.”

“Oh Trevor,” nagbibirong saad ni Dash at hinatak siya nito ng marahas. Hinawakan pa ng lalaki ang beywang niya. “you don’t wanna know everything that I know about Silex. I bet, I know her more than you do.”

“Silex,” tawag ng amo niya sa pangalan niya. Bakas parin sa mukha nito ang pagtataka. “What’s the meaning of this?” tanong pa ng lalaki habang nakatingin sa kaniya.

Napatikhim si Silex at tumingin kay Dash bago bumaling sa amo niya na titig na titig sa kaniya. “Uh, S–Sir p’wede ho bang makausap ko muna si Dash?” tanong niya at hinawakan ang kamay ng amo. “M–Magpapaliwanag po ako sa inyo mamaya.”

Tumango na lamang ito at naglakad palayo sa kanila ng walang sinasabing kahit ano. Bumaling siya kay Dash at nakita niya na nauna itong lumabas ng bahay kaya sumunod lang siya.

Pumasok siya sa loob ng sasakyan nito habang katabi ang lalaki.

Pareho silang hindi makatingin sa isa’t-isa. Alam niyang galit na galit sa kaniya si Dash, dahil ilang araw na itong tanong ng tanong sa kaniya kung p’wede ba silang lumabas at ang lahat ng isinasagot niya ay busy siya sa trabaho.

“So, you’re staying there?” tanong ni Dash habang umiiwas ito ng tingin sa kaniya at hindi man lang sinusulyapan. “At his house?” tanong muli nito.

Napalunok siya. “Dash, it’s my job and I can’t just walk away from it.” sagot niya.

Bumaling sa kaniya ang lalaki at nakita niya ang luha sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. “Yes, it’s your job,” pinahid nito ang luha sa sariling mata. “but being a mother to his child is out of it, Sileex!” sigaw ng lalaki.

ROMANTIC RIVALRYWhere stories live. Discover now