“I heard you went on a date with Gray,” basag ni Dash sa katahikan habang nasa loob sila ng sasakyan. “Is that true?”
Silex was unable to answer. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya, sabi na nga ba at magsasalita si Trevor dito.
Alam niya na rin na hindi magandang ideya na makipagkita siya kay Dash ngayon dahil alam niyang magagalit talaga ito.
“It wasn’t a date.” maikling sagot niya at tumingin sa lalaki. “We just talked.”
Nakita niyang ngumisi ito at itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Lumakas ang tibok ng puso ni Silex dahil nakatingin sa kaniya ang lalaki, parang nagtitimpi lang ito na huwag siyang pagsalitaan ng masama.
“What makes you think that it’ll be safe going out with him?” tanong ni Dash sa kaniya at huminga ng malalim. “Silex, I was so fucking worried about you last night. You weren’t answering my texts.”
Napalunok siya at hinawakan ang kamay ng lalaki. “P–Pasensya ka na hindi ako nakapagpaalam, biglaan kasi ang nangyari.” nauutal na saad niya.
Inihilamos ni Dash ang palad sa mukha at niyakap siya nito. “Ano pa bang magagawa ko?” mahing bulong ng lalaki sa tenga niya kaya naman napangiti siya. “basta sa susunod, call me please.”
Bumitiw si Silex sa yakap at tumango siya sa lalaki. Ngumiti naman ito sa kaniya at nagsimula nang buhayin ang makina ng kotse habang nakahawak sa kamay niya.
“You’re taking her on a date?” tanong ng amo niya kay Dash na ngayon ay nasa labas na ng gate.
“Yeah,” sagot ni Dash at kumaway sa kaniya. “so, get out of the way.” dagdag pa nito na halatang pabiro.
Nakita niya na inilahad ni Trevor ang kamay sa kaibigan. “May the best man win?” pabirong tanong nito at nagkamay ang dalawa.
Sa totoo lang, nawiwirduhan talaga siya sa dalawang ito. Isang araw magkaaway, sa susunod magkaibigan na ulit. Ano bang klaseng pagkakaibigan iyon?
Naglakad siya papalapit sa dalawa at ngumiti naman sa kaniya ang dalawang mokong.
“You look gorgeous.” anang amo niya kaya naman ngumiti siya.
Inabutan siya ni Dash ng bouquet at humalik ito sa pisngi niya. “For my beautiful Silex.” bati pa nito at naramdaman niya ang pisngi niyang namumula.
Kumaway na siya sa amo bago sumakay sa kotse ni Dash. Kinakabahan parin siya dahil parang may kaunting tensyon siyang nararamdaman.
Huwag naman sanang malaman nito na lumabas siya kasama si Gray. Talagang makakatikim na naman siya ng malupitang sermon.
Natahimik siya at ganun din ang lalaki habang nagmamaneho ito. Wala silang kibuan at matagal na din simula nang huli silang magkita. Naging busy din kasi si Dash sa trabaho nito kagaya ni Trevor kaya naman naiintindihan naman niya iyon.
Wala naman siyang karapatang magreklamo kung nagiging busy ang dalawa, hindi siya asawa ng mga ito, isa lang siyang normal na babae na naghimalang nagustuhan ng tatlong bilyonaryo.
Hindi niya parin alam hanggang ngayon ang dahilan, nahihiya naman siyang magtanong kay Dash at lalo na naman sa amo niya. Mas lalong hindi niya tatanungin ang dating asawa dahil wala itong ibang gusto sa kaniya kun’di ang katawan niya.
“So, do you have any plans after our date?” tanong ni Dash sa kaniya matapos itong pumarada sa isang mall.
Kunot-noo siyang tumingin sa lalaki. Plano? Eh, may trabaho siya ngayon at sasamahan niya pa si Terrence na bumisita sa lola nito. “Uhm, wala kasi may trabaho ako e. Hindi ko naman day off ngayon.”
YOU ARE READING
ROMANTIC RIVALRY
RomanceR18. A woman who has been with his abusive and cheating husband for six long years finally had enough and ended things with him. Even though she did not get any money from her Billionaire Ex-Husband, she is still happy to be free from him. She focus...