CHAPTER 14

93 1 0
                                    

When someone suddenly disappear, it can be shocking once they appear.

Naglalakad si Silex papasok ng gate, hinatid siya ni Dash sa labas lamang dahil hindi pa naman alam ni Trevor ang relasyon nila.

Kumunot ang noo niya nang makarinig siya ng nagsisigawan sa loob.

“I thought we were okay?!” narinig niya ang malakas na tinig ng babae kaya agad siyang tumakbo.

Naabutan niya sina Trevor at ang asawa nito na nag-aaway. Tumingin si Trevor sa kaniya at napahilamos ito ng palad sa mukha. “Silex, puntahan mo muna ang anak ko.” utos ng amo niya kaya agad siyang umakyat sa taas.

“That, that’s the problem with you!” malakas na sigaw ng babae at narinig niyang may kung ano’ng bumagsak sa baba. “That’s it Trevor, pagod na pagod na akong intindihin ka. I want you out of my life, you and our kid! The next time I come back here, I’m carrying the divorce papers.” narinig niyang dagdag pa nito at nagsarado ng padabog ang pintuan.

Agad siyang bumaba at nakita niya si Trevor na nasa sala at nakaupo ito sa sofa. Nakakita siya ng basag na vase sa sahig at tumingin siya sa amo.

Nakita niya ang noo nito na may dugo kaya agad niya itong nilapitan. “Sir! Ayos lang po ba kayo?!” tanong niya na may halong pag-aalala.

Agad niyang kinapkapan ang sarili at kinuha niya ang telepono niya. Hindi kasi sumasagot ang amo niya at hawak-hawak lang nito ang ulo.

Agad niyang tinawagan si Dash at paikot-ikot na siya, hindi niya alam kung ano’ng gagawin.

“Oh hey, may nakalimutan ka?” tanong ng lalaki mula sa kabilang linya.

Huminga siya ng malalim. “Si Sir Trevor! Duguan ‘yung ulo niya hindi ko alam kung ano’ng nangyari pero kailangan natin siyang dalhin sa hospital, ngayon na!” malakas na sigaw niya at narinig niya namang agad nang tumakbo si Dash.

“Okay, I’m on my way.” ibinaba nito ang tawag at napasinghap siya. Agad niyang binalingan ang amo.

“Sir! Huwag kayong tutulog,” bilin niya at tinatapik ang pisngi nito dahil unti-unting nagsasara ang talukap ni Trevor. “dadalhin ka namin sa hospital, sandali na lang.” aniya at narinig niya namang bumukas ang pintuan at si Dash iyon.

“What happened?” tanong ni Dash at agad nitong nilapitan si Trevor at inakay.

Napakurap-kurap siya at pinahid ang mga luha. “Mamaya ko na sasabihin basta dalhin mo na siya sa hospital!” aniya at nagmamadaling binalot ang amo ng jacket dahil nanginginig ito.

“Pa’no ka?” tanong ni Dash habang inaakay na nilang dalawa si Trevor patungo sa sasakyan nitong naghihintay sa labas.

“Nandito ‘yung anak ni Sir Trevor,” sagot niya nang maisakay na nila si Trevor sa loob ng sasakyan. “hindi ko siya p’wedeng iwan. Basta dalhin mo na siya sa hospital, mag-iingat kayo.” bilin niya at mabilis na hinalikan si Dash sa labi.

Agad naman itong pumasok sa loob ng sasakyan at bumusina pa ng tatlong beses bago humarurot sa kalsada.

Nang maikalma na niya ang sarili ay agad siyang nagtungo sa loob, nakita niya ang anak ni Trevor na nasa hagdan at pababa ito.

ROMANTIC RIVALRYWhere stories live. Discover now