CHAPTER 33

69 2 0
                                    

Trevor thought that he was okay without Silex but he was more than a mess.

Akala niya na naiintindihan niya ang naging desisyon nito pero hindi pala. Kilala niya si Silex dahil kasama niya ito sa bahay sa napakatagal ding panahon, hindi ito basta aalis ng basta-basta lang. May parte parin sa kaniya na tinatanong kung kasalanan ba talaga niya kung bakit ito umalis.

Is it something that he did?

He’s with Silex a lot of times, as far as he can tell, he treated her well. Walang araw na hindi niya inisip ang kapakanan nito, laging gusto niya na ligtas at malusog ang dalaga.

He loved her more than Silva, the mother of Terrence and it hurts him so much that she’s gone, probably never coming back to his life, ever again.

Maraming tanong sa utak niya na hindi niya mahanapan ng sagot dahil ang tanging tao na makakasagot noon ay wala, iniwan siya.

If he knew that the time he bought her halo-halo and puto was the last time he’d see her, sinulit na sana niya iyon at hindi na humiwalay sa piling nito.

But, Trevor knew that Silex did it on purpose. Hindi ito nagpakita sa kaniya dahil alam nito na hindi siya papayag, kahit pa ito ang desisyon ng babae.

“How’s Dash doing?” tanong niya kay Gray nang makita niya itong palabas ng rest house.

“Miserable.”

Ngumisi siya at humithit sa sigarilyo habang nakatingin sa bundok. Naisip nila na magbakasyon muna rito sa rest house na pag-aari ni Gray para malimutan si Silex, pero sino ba ang niloloko nila?

Si Silex ang tipo ng isang babae na hindi madaling kalimutan.

She’s different from any other women they have met, she will love you for who you are and not for what you have.

“So,” tumikhim siya at tumingin sa kaibigan. “why didn’t you told us you that you were in jail?” tanong niya.

Gray looked at him, looking confused about what he just said. “Mind your own fucking business, Trev.” sagot ng lalaki at namulsa ito bago maglakad palayo sa kaniya. “This is not the right time to talk about that, don’t rub salt on my wounds man.”

Huminga siya ng malalim at umiiling na lamang habang sumunod na naglakad palapit sa kaibigan. “How’s the friend of yours doing? Did he found her yet?” sunod-sunod na tanong niya.

Tumingin sa kaniya si Gray at nakangisi lang ito na parang nang-aasar pa. “Look at you, I thought you want to give her freedom?” tanong nito at inabutan siya ng bote ng beer.

“Gusto ko lang malaman kung ligtas siya,” aniya at tumingin sa bote ng beer na iniinom. “kahapon pa ako tumatawag sa cellphone niya pero hindi niya talaga sinasagot.”

“It’s funny,” ani Gray at tumawa pa ito bago tumikhim. “that the three of us are fighting over one woman.”

Ngumisi siya. “Quite a romantic rivalry, isn’t it?” pagbibiro niya at umiling-iling. Napatungo siya at huminga ng malalim. “pero alam ko, kahit anong gawin namin ni Dash, hindi namin kayang higitan ang pagmamahal niya sa‘yo.”

Nakita niya kung paano biglang tumingin sa kaniya si Gray, kitang-kita niya ang pagtataka sa mukha nito at ganoon na rin ang kaunting saya na nakaguhit sa labi nito.

ROMANTIC RIVALRYWhere stories live. Discover now