CHAPTER 16

92 0 0
                                    

R18.

Saglit na bumalik si Silex sa bahay ni Trevor para kumuha ng ilang gamit. Ang sabi kasi ng doktor ay baka matagalan pa raw ang amo niya sa hospital kaya naman kukuha na siya ng ibang gamit nito pati narin mga gamit ni Terrence dahil ayaw nitong umalis sa tabi ng ama.

“Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong sa kaniya ng asawa ng amo, nasa pintuan ito at kakapasok lang. “Where’s Trevor?” tanong pa nito.

Naningkit ang mata niya at tinitigan ang babae. “Wala ho, bakit po?” tanong niya. Hindi niya sasabihin sa babae ang nangyari sa asawa dahil sigurado siya na magtatago ito kapag ipinakulong ng amo niya.

Lumapit ito sa kaniya at inilahad ang kamay hawak ang isang envelope. Nang tatanggapin niya na iyon ay bigla nitong inilaglag sa sahig.

Napailing-iling siya at tumayungko para kunin ang envelope na ibinagsak nito. “Divorce papers kamo ‘yan, pirmahan niya na para makalayas na ako dito.” anang babae at agad siyang napatayo.

“Si Terrence po, hindi niyo kukunin?” tanong niya habang hawak-hawak na ang papeles.

Ngumisi sa kaniya ang babae. “Kunin at hindi ko kunin ang anak namin, wala ka ng pakialam do’n. You’re just a maid, so mind your own business.” sagot ng babae at tinalikuran na siya nito.

Napailing-iling na lamang si Silex at inilagay sa bag na ginagayak niya ang papeles. Hindi niya tuloy makita ang sarili na nagtatrabaho kay Trevor kung kasama niya sa bahay ang demonyitang babaita na iyon. Daig pa si Satanas sa sobrang sama.

Bigla namang tumunog ang telepono niya at ang amo niya iyon kaya agad niyang sinagot. “Hello Sir? Nandito na po ako sa inyo, inaayos ko lang ‘yung mga gamit.” aniya sa telepono habang umaakyat ng hagdan dala-dala ang malaking bag.

“Ipapasundo kita kay Dash,” anang amo niya at halatang kumakain ito habang kausap siya. “baka hindi mo kayang dalhin.” dagdag pa nito.

Napangiti siya. “Naku, salamat talaga sir. Oo nga po pala, galing dito si Ma’am Sil–”

“Let’s not talk about her, for now.” hindi siya pinatapos ng amo niya kaya tumango-tango na lang siya at binuksan ang pintuan ng kwarto ni Terrence.

“Sir, ipagdadala ko rin ng damit si Terrence.” aniya habang dahan-dahang binubuksan ang maleta ng bata na dala ng Ina nito noong dumating. “Dito ko na lang po sa maleta ilalagay.” dagdag pa niya at ibinaba muna ang telepono.

“Thank you, Silex.” anang boss niya mula sa kabilang linya kaya napangiti siya dahil ramdam na ramdam niya ang sinseridad sa boses nito.

“Wala ‘yun Sir,” sagot niya at nakarinig ng busina sa labas ng gate. “Uh, nandito na po ata si Sir Dash. Mamaya na lang ulit Sir, pupunta na rin po ako diyan.” aniya at ibinaba ang tawag.

Inayos niya ang mga gamit at nagmamadaling tumayo habang bitbit ng balikat niya ang isang bag.

Pawis na pawis na nga siya at hindi na maintindihan ang gagawin dahil masyadong marami na ang kailangan niyang gawin.

Ni hindi nga siya nagkaroon ng maayos na tulog kagabi pero heto siya at todo kayod parin.

Naramdaman niya naman na may yumakap sa kaniya mula sa likod at ngumiti siya nang makitang si Dash iyon.

“Hey,” nakangiting saad niya at hinawakan ang braso nito na nakayapos sa may beywang niya. “hindi ka man lang nagsabi na nandiyan ka na.” dagdag pa niya at ibinaba muna ang bag na bitbit.

ROMANTIC RIVALRYWhere stories live. Discover now