“Mommy!” malakas na sigaw ni Terrence ng makita siya nito sa gate habang dala-dala ang mga pinamili niya.
Napangiti siya at niyakap ang bata, hinalikan niya ang noo nito. “Hello baby, kamusta ka? Pasensya na hindi ka nakita ni Ate Silex kanina ha.”
Tinulungan siya ng mga guard na ipasok ang nga pinamili niya habang hawak-hawak niya naman ang kamay ni Terrence. “Okay lang po Mommy, sabi din naman sa’kin ni Daddy na tired kayo eh.” sagot nito.
Ngumiti siya at pumasok sa loob ng bahay, nakita niya ang mga gamit ni Terrence na nasa sala at naka-kalat ang mga laruan nito sa sahig.
Bumaling siya sa mga gwardya. “Dito na lang kuya, salamat.” aniya sa mga iyon at ngumiti. Bumaling siya sa bata. “Si lola mo? Sabi ni Daddy kasama mo daw?” sunod-sunod na tanong niya.
“Oh, you must be Silex?” nakarinig siya ng boses mula sa likuran kaya agad siyang humarap doon.
Nakita niya ang babae na medyo may edad na pero napakaganda parin ng suot nito. Nakabistida ito ng puti at talaga namang hubog na hubog parin ang katawan nito.
Napakurap-kurap siya. Siguro ganito talaga ang mga mayayaman. “Opo, Silex Zalgoda po.” pagpapakilala niya at tumingin sa mga pinamili niyang produkto. “Naku Ma’am, pasensya na po dahil tinanghali ako ha. Pila ho kasi sa Blue Gem.” aniya.
Ngumiti lang sa kaniya ang Ginang. “Naku Hija, don’t bother I can get my maids cook something for us.” anito kaya naman napangiti siya.
“Sigurado po ba kayo?” tanong niya.
Tumango lang ito at inilahad ang kamay sa kaniya. “By the way, I’m René Axelt, Trevor’s mom.”
Nagpunas muna siya ng kamay at tinanggap ang kamay ng nanay ng boss niya. “Nice to meet you po, Ma’am. Lagi ho kayo nababanggit ni Sir.” aniya at ngumiti.
“Oh really?” masayang tanong nito at naupo sila sa sofa. “Ikaw rin, lagi ka niyang nababanggit sa’kin. He’s always telling me that you’re so nice and I can see that. I mean, even Terrence calls you Mommy.”
Ngumiti na lamang siya at binuhat si Terrence na panay ang pagsampa sa hita niya. “Naku Ma’am salamat po, ginagawa ko lang naman po ‘yung trabaho ko. Atsaka, marami na pong naitulong sa‘kin si Sir Trevor kaya gusto ko rin kahit papa’no makatulong din po ako.”
“Mommy Silex, sorry po nagkalat ako ng toys.” sabat ni Terrence sa usapan nila habang nakaupo ito sa hita niya, nagpapaawa pa itong tumingin sa kaniya.
Ngumiti naman siya. “It’s okay baby, basta usapan natin kapag nagkalat, lilinisin din agad.” aniya at tumango naman ang bata.
“Terrence, why don’t you go to Yaya Bres? Lola and your mommy have to talk about something.” anang kaharap niya at agad namang sumunod ang bata.
Bumaba ito mula sa pagkakaupo sa kaniya at hinayaan na naman niya ito. Nagulat siya nang biglang hawakan ng matanda ang kamay niya. “You see, my son had been suffering throughout his marriage with Silva.” basag nito sa katahimikan na namamagitan sa kanila. “After knowing that you were the reason why they divorced made me happy.” tumingin sa kaniya ang Ina ng amo habang nakangiti. “Thank you for saving my son.”
Kinabahan si Silex bago niya marinig ang mga salitang binitiwan nito. Akala niya nga ay kagaya ang Nanay ni Trevor ng dating biyanan niya na kulang na lang ay pakainin siya ng putik o kaya naman ay patayin dahil sa sama ng ugali.
Ngayon ay alam niya na kung saan nagmana ang amo, mabait ang nanay nito at mapagkumbaba rin. Kahit na sabihing may kaya ay marunong paring humingi ng pasasalamat sa kagaya niyang mababa lang.
YOU ARE READING
ROMANTIC RIVALRY
Любовные романыR18. A woman who has been with his abusive and cheating husband for six long years finally had enough and ended things with him. Even though she did not get any money from her Billionaire Ex-Husband, she is still happy to be free from him. She focus...