2 years later...
Marami ang nagbago sa loob ng dalawang taon, nakagawa si Silex ng mga bagay na dati ay akala niya hindi niya kayang gawin.
Napasok niya na nga ata lahat ng trabaho na nandiyan para lang makapaghanda sa pagdating ng malaking biyaya ng buhay niya, ang anak niya.
Sa lahat ng tapak na tinahak niya, hindi siya iniwan ni Real. Simula sa una hanggang sa ligtas niyang maipanganak ang bata ay nandiyan lang ito sa tabi niya at laging nakaalalay.
Hindi na nga kaibigan ang turingan nila, halos magkapatid na dahil sa dami ng pinagdaanan nila sa buhay ay para na silang magkasama mula pa ng isilang.
At gaya ng inakala ni Silex, hindi madali ang magpalaki ng isang anak. Nahirapan siya lalo na at unang beses niya pa lang maging magulang.
Kahit buntis siya ay nagtrabaho siya ng nagtrabaho hanggang sa hindi niya namalayan ang oras. Kaya nung maipanganak niya ang anak ay nagkaroon ito ng mga komplikasyon at nagsisisi si Silex na sana ay inalagaan niya ang sarili noon.
Mas nangibabaw kasi sa kaniya ang takot na baka hindi maging sapat ang naipon niyang pera para sa panganganak, natakot siyang umasa kay Real dahil nahihiya na siya rito.
At heto siya ngayon, nasa hospital at hawak-hawak ang kamay ng dalawang taong gulang na anak na si Sydrus.
Lalaki ang anak niya at sa tuwing tinitignan niya ito ay nakikita niya ang sarili sa anak. Hawig na hawig sa kaniya ang mukha nito kaya naman mas lalo niya lang minahal ang anak.
“Kamusta ang anak ko Doc?” tanong niya sa doktor na kakapasok lamang ng kwarto.
Agad siyang tumayo para humarap sa doktor. “He’ll be okay, pero payo ko lang ano, huwag mo muna siyang hayaan na magpakapagod.” anang doktor at tumingin sila kay Sydrus na natutulog sa kama. “alam mo naman ang kondisyon ni Sydrus at makakasama lalo sa baga niya kapag masyado siyang nagpapagod.”
Ngumiti siya at tumango. “Salamat po Doc.” aniya at tumango naman ang doktor.
“Magrereseta narin ako ng gamot para makatulong kapag sumusumpong ang hika niya,” anang doktor at nagbigay sa kaniya ng papel, reseta iyon. “makakatulong din iyan para maibsan ang pananakit ng dibdib niya.” dagdag pa nito.
Agad na tinanggap ni Silex ang papel at nagpaalam na ang doktor kaya hinayaan niya na itong umalis.
Huminga siya ng malalim habang nakatingin sa resetang gamot ng doktor. Panibagong gastos na naman ito, idagdag pa rito ang babayaran nila sa hospital.
Dalawang araw na sila doon ni Sydrus at wala pa ring sinasabi ang doktor na p’wede ng lumabas ang anak niya kaya naman alam na agad ni Silex na habang patagal sila ng patagal sa hospital ay mas lalo lamang palaki ng palaki ang gastos niya.
Ilang araw na rin siyang hindi nakakapasok sa trabaho niya bilang isang waitress dahil nakabantay siya sa anak at wala ngayon si Real dahil bumisita ito sa mga magulang dahil malapit ng magpasko.
Iniisip nga ni Silex na baka sa hospital na sila magpasko ni Sydrus dahil sa malalang hika ng anak.
Hindi niya na rin alam kung saan pa siya kukuha ng pambayad sa hospital bills ng anak dahil alam niya na palaki na ito ng palaki, idagdag pa rito ang bagong reseta ng doktor.
YOU ARE READING
ROMANTIC RIVALRY
Любовные романыR18. A woman who has been with his abusive and cheating husband for six long years finally had enough and ended things with him. Even though she did not get any money from her Billionaire Ex-Husband, she is still happy to be free from him. She focus...