CHAPTER 20

77 0 0
                                    

R18.

“Dash,” aniya nang makita ang lalaki pagkabukas niya ng gate. Kusot-kusot niya pa ang mata. “ang aga mo ah, pasok ka.” anyaya niya.

Ngumiti ang lalaki at inabutan siya nito ng bouquet. Napangiti naman siya at tinanggap iyon, alam niyang namumula na ang pisngi niya dahil sa  kilig na nararamdaman pero pinipilit niya ang sarili na tiisin iyon.

“Sorry for how I acted last night,” anang lalaki at hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan iyon. “let me court you, the real way.” dagdag pa nito na nagpabilis ng tibok ng puso niya.

“It’s okay,” sagot niya at napangiti habang nakatingin sa mga pulang rosas na galing sa lalaki. “salamat nga pala dito sa bulaklak.”

Tanging ngiti lang ang isinagot ni Dash at tumingin ito sa loob, siguro ay tinitignan si Trevor. “Are you free today?” tanong nito sa kaniya.

Agad na napakamot sa ulo si Silex at kinagat ang pang-ibabang labi, nahihiya siyang sabihin kay Dash na hindi siya p’wede ngayon dahil marami siyang kailangan gawin.

“Uhm,” tumikhim siya at nahihiyang tumingin sa lalaki. “hindi e, kasi marami akong kaila–” naputol ang sasabihin niya nang bigla siya nitong hinalikan sa labi.

Hinalikan niya pabalik ang lalaki at humawak ito sa pisngi niya, agad rin naman siyang bumitiw dahil naalala niya na nasa labas sila.

“See you tonight?” tanong ng lalaki at pilyo itong nakangiti sa kaniya.

Lumapit si Dash sa kaniya at hinawi ang buhok niya sa tenga. “I’ll pick you up at 8:00.” bulong ng lalaki at pinisil pa nito ang pang-upo niya bago lumayo sa kaniya.

Natawa siya at kumaway sa lalaki habang pinapanood ito na sumakay sa kotse. Bumusina muna ito bago tuluyang umalis.

Muli niyang sinarado ang gate at inaamoy ang mga bulaklak bago pumasok sa loob ng bahay. Nakita niya naman si Terrence na kakagising lang at pababa ito ng hagdan.

“Good morning, baby!” bati niya kay Terrence at ipinatong ang bulaklak sa lamesa.

Lumapit siya sa bata at niyakap naman siya agad nito. “Where’s daddy?” tanong agad nito nang makarga niya.

“Well,” inupo niya ang bata sa hapag-kainan at hinayin sa harap nito ang almusal na niluto niya. “your dad already left for work but, he did told me to buy you ice cream if you do your homework.”

Tumingin siya kay Terrence at mukhang wala itong pakialam sa sinasabi niya at hindi nakikinig. Kumunot ang noo niya at umupo sa kalapit ng bata. “Is there something wrong?” tanong niya.

“Daddy said you can’t be my mommy anymore because you like someone else.” anang bata at halata itong nagtatampo dahil nakanguso habang dahan-dahan ang pagkain nito. “Is that true?” tanong pa nito

Huminga siya ng malalim at tumabi sa bata habang kumakain ito. “Hindi naman ibig-sabihin na may gusto akong iba ay hindi mo na ako p’wedeng tawagin na mommy.” aniya at hinalikan ang noo ng bata. “I will always be your mommy, okay?” tanong niya at ngumiti.

Napangiti naman ang bata sa kaniya at bumalik na ang gana nito sa pagkain.

“Oh, Dash.” gulat na saad niya nang makita niya ang lalaki sa gate matapos niya itong buksan. “Akala ko 8:00 PM pa?” tanong niya rito habang nakakunot ang noo.

ROMANTIC RIVALRYWhere stories live. Discover now