CHAPTER 22

90 0 0
                                    

Nang magising si Silex ay wala na si Trevor sa tabi niya. Napangiti siya nang maramdaman ang hiyas niya na tuyo na, siguro ay pinunasan siya ni Trevor.

Mayroon na rin kasi siyang saplot kaya napangiti na lamang siya. Kinuha niya ang ipit at itinali ang buhaghag niyang buhok.

Binuksan niya ang pinto ng kwarto at nakita niya si Trevor at Dash na nag-uusap sa sala habang nagkakape.

Napalunok na agad siya, ang dalawang lalaki lang naman na nakasiping niya ay magkatabi sa sala at pareho pang nakatingin sa kaniya.

“G–Good morning.” bati niya at ngumiti sa dalawa. “Magluluto po ba ako ng almusal?” tanong niya.

Ngumiti si Trevor sa kaniya. “Hindi na pero kung gusto mo magluto ka sa kusina, nakaalis narin naman kasi si Terrence. Sinundo ng lola niya kanina.” sagot ng amo niya kaya tumango-tango na lang siya.

Nagtungo siya sa kusina at nakita niya ang isang pagkain roon, nakalagay sa isang tray at lahat iyon paborito niya. Nakita niya ang papel na nakatiklop sa gilid kaya napangiti siya.

Thank you for last night.
– Trev

Napangiti siya at sumulyap sa sala kung nasaan ang amo, may pagkabait parin naman pala ito kahit kaunti.

Sa wakas at bumalik na rin ang Trevor na kilala niya.

“Hey,” nagulat siya nang marinig niya ang tinig ni Dash kaya kaagad niyang itinago ang sulat sa bulsa niya. “good morning.” bati nito sa kaniya.

Ikinalma niya ang sarili at nakangiting tumingin sa lalaki. “Oh, good morning. May kailangan ka ba?” taning niya.

“No, uhm,” lumapit ito sa kaniya at mabilis na hinalikan ang labi niya. Napalunok siya. “I just wanted to say thank you for taking care of me last night and I’m sorry too, hindi natuloy ‘yung date natin.”

Ngumiti siya sa lalaki. “Okay lang ‘yun, si Sir Trevor naman ang kasama mo hindi ibang babae.” pagbibiro niya at hinagod naman ni Dash ang buhok niya.

“May lakad ako ngayon,” ani Dash at pinisil ang pisngi niya. “kaya baka hindi kita makita, susulitin ko na ang oras na ‘to ngayon.” dagdag pa ng lalaki at umupo sa harapan niya.

Nagsimula naman siyang kumain habang nakakunot ang noo, ang amo niya rin kasi sinabi sa kaniya kagabi na may pupuntahan din daw ito. “Saan? Kasama ba si Sir Trevor?” tanong niya.

“Yeah, how did you know?” tanong ni Dash na nasa harapan niya at nakataas ang isang kilay.

Napalunok siya, naramdaman niya ang malakas na tibok ng puso niya. Hindi nga si Trevor magsasalita pero parang mabubuking naman sila dahil sa kaniya.

“Uhm,” tumikhim siya. “n–nabanggit niya kasi kahapon, tapos ayun ibinilin si Terrence e sinundo pala.”

Tumango-tango ang kausap at humigop lang ito ng kape, para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan.

Nakita niya na tumingin si Dash sa relo nito na nasa kamay. “I gotta go, see you later.” paalam ni Dash at humalik ito sa noo niya bago tuluyang umalis.

Why does she feel like she’s cheating on Dash? Hindi pa naman niya ito kasintahan dahil hindi pa niya sinasagot ang lalaki pero pakiramdam niya ay nagtataksil siya sa lalaki.

Hindi niya alam kung bakit, siguro ay sobrang bait lang talaga ng lakaki sa kaniya at tinatrato siya nito na parang kasintahan.

In reality, she’s the slut here. Sleeping with Dash and her boss.

“Silex, okay ka lang?” tanong ng boss niya kaya napakurap-kurap siya at tumango na lamang. “Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?” tanong pa nito sa kaniya.

ROMANTIC RIVALRYWhere stories live. Discover now