R18.
Nakangisi lang si Dash habang nakatingin sa kaniya. Naglalakad na sila ngayon palabas ng mall dala ang napakaraming paper bags.
“You don’t look happy,” komento nito at ibinigay sa mga staff galing sa shop ang bitbit nitong paper bag para ilagay sa kotse. “what’s the matter?”
Huminga siya ng malalim at tumigil sa paglalakad. Nameywang siya sa harap nito. “Sino ba namang matutuwa sa ginawa mo?” tanong niya at napangisi. “You paid 1M pesos worth of bags, clothing and shoes. Alam mo bang ang laki ng tinipid natin kung sa ukay-ukay na lang tayo bumili?” sermon niya dito at sinamaan ng tingin ang lalaki.
Ngumiti si Dash sa kaniya at hinawakan nito ang kamay niya para halikan. “Silex, you’re one in a million.” anito kaya napakunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan ang gustong sabihin ng lalaki. “Kaya hindi ka dapat tinitipid.”
Hindi na nakapagsalita pa si Silex at hinayaan na lang niya ang lalaki. Ano pa bang magagawa niya? Nabili na nila e, nabayaran na ni Dash atsaka kahit pa naman anong sabihin niya e hindi naman makikinig ang lalaki.
Pero hindi maiwasan ni Silex ang manghinayang at mahiya kay Dash. Isang milyon lang naman ang nagastos nito sa kaniya, paano kasi nagpumilit na lahat ng hahawakan at titignan niya ay bibilhin na raw.
“Sinabi niya talaga ‘yan? Na lahat ng hahawakan ko bibilhin?” sunod-sunod na tanong ni Silex sa babaeng kaharap niya.
“Yes Ma’am,” sagot ng babae at iginiya siya nito patungo sa mga damit na nakahanger. “Is there something you like? Do you want a bag in any specific color?” sunod-sunod na tanong nito.
Lumunok siya at tinignan si Dash na nasa labas lamang ng shop at may kausap ito sa telepono. Bumaling siya sa babae. “May sinabi ba siya sa’yo kung bakit niya gagawin ‘to?” tanong niya sa babae.
“Hmm,” ngumitu ang babae sa kaniya at magalang na tumango. “anything that your precious hands touches shall be in his possession and shall not be touched by anyone but you.”
Napalunok siya nang pumasok na ng kotse si Dash matapos siya nitong pagbuksan ng pintuan. Nakita niya na kumaway pa ito sa mga guards na tumulong sa kanila na ilagay lahat sa kotse.
“So, where do you wanna go?” tanong ng lalaki sa kaniya at nagsimula na itong magmaneho ng kotse.
Napalunok siya, hindi niya nga alam kung saan siya pupunta e ang dami-dami nilang dala. “I-uwi kaya muna natin ‘tong mga pinamili? Okay lang?” tanong niya.
Pilyong ngumisi si Dash at humawak pa ito sa hita niya. “Of course, no problem.” sagot nito at ipinokus ang mata sa daan. “By the way, are you still planning on moving out from Trevor’s place?”
Napalunok siya, sa dami niyang ginagawa ay hindi niya naalala na may plano nga pala siyang umalis doon. Nahihiya na kasi siya sa amo dahil pakain na siya ay doon pa siya nakatira.
Sigurado naman si Silex na kapag nagpaliwanag siya dito ay papayagan siya ng lalaki.
“Hindi ko pa masyadong napag-iisipan e,” sagot niya at tumango na lang si Dash. “pero, sa isang buwan siguro kapag nabawasan na ang gawa ko.” dagdag pa niya.
Tahimik lang sila hanggang makarating sila sa bahay ni Dash. Doon kasi muna niya iiwan ang lahat ng gamit dahil nakakahiya naman kung sa bahay ni Trevor niya dadalhin ang lahat ng iyon.
Habang nilalabas niya sa paper bags ang mga pinamili nila ay naramdaman niya ang bisig ni Dash sa beywang niya at hinahalikan nito ang leeg niya.
“Silex?” malambing na tawag sa kaniya ng lalaki.
YOU ARE READING
ROMANTIC RIVALRY
RomanceR18. A woman who has been with his abusive and cheating husband for six long years finally had enough and ended things with him. Even though she did not get any money from her Billionaire Ex-Husband, she is still happy to be free from him. She focus...