“Daddy!” ani Terrence nang makapasok sila sa kwarto ni Trevor.
Pinayagan na sila ng doktor dahil may malay na ang lalaki. Ngumiti siya habang karga si Terrence. “Sir, kanina pa nagkukulit sa doktor na makita kayo, kaya ayan pinagbigyan na.” pagbibiro niya at natawa naman si Trevor.
“Silex, salamat.” nakangiting saad ni Trevor sa kaniya at hina man ang kamay ay inabot ng lalaki ang kamay niya. “If you weren’t there, hindi ko na alam kung ano’ng nangyari sa’kin at sa anak ko.” dagdag pa nito at ngumiti naman siya.
Ibinaba niya si Terrence at hinawakan rin ang kamay ng amo niya ng mahigpit. “Huwag ko kayo sa’king magpasalamat, si Dash po ang nagdala sa inyo dito sa Hospital. Atsaka, sino pa po ba ang magtutulungan kun’di tayo-tayo rin lang?” nakangiting tanong niya at umupo sa upuan malapit sa higaan ni Trevor. “Ikaw na rin ang may sabi Sir, hindi ako ibang tao.”
Natawa naman ang lalaki at bumaling ito sa anak na naglalaro sa sofa roon akay-akay ang teddy bear.
Bumukas naman ang pinto at nakita niya na pumasok si Dash kaya agad siyang bumitaw sa kapit niya sa kamay ni Trevor. Ngumiti ito sa kaniya kaya nginitian niya rin ito pabalik.
Agad itong nagtungo kay Trevor habang may dala-dalang supot ng pagkain. “You should be thanking me, I just saved your ass from death.” pagbibiro nito sa kaibigan at nakipag-apir dito.
“Tsaka na ako magpapasalamat sa’yo kapag nagbayad ka na sa utang mo,” sagot ni Trevor at bumaling sa kaniya. “Silex, pakainin mo muna ang anak ko. Ayos lang ba? Kumain ka na rin.” utos ni Trevor sa kaniya at tumango naman siya.
Nagtungo siya kay Terrence at lumapit dito. “Baby, are you hungry?” tanong niya sa bata at tumango naman ito bago nagpakarga sa kaniya. “Tara kain tayo.” yaya niya at sumama naman ito sa kaniya.
“Sir pakakaiinin ko lang ho, may canteen naman po siguro rito.” pagpapaalam niya sa amo at tumango naman ito. Kinapkapan niya ang sarili at naalala niya na hindi niya nga pala nadala ang wallet niya dahil sa pagmamadali. “Sir? May dala ho ba kayong pera? Baka po p’wede pahiram, naiwan ko kasi wallet ko.” nahihiya man siya ay kailangan dahil nagugutom na rin siya.
Nakita niya naman si Dash na bumunot sa pitaka nito ng isang-libo at inabot sa kaniya. “Since, ngayon ko lang nakita uli si Terrence pamasko ko na ‘yan.” pagbibiro ni Dash at natawa naman siya habang tinatanggap ang isang libo. Bumaling si Dash sa amo niya. “Bayad na ako sa utang ko.” dagdag pa nito.
Kumaway siya sa dalawa habang akay-akay ang bata at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Bumaling siya kay Terrence. “Ano’ng gusto mong kainin baby?” tanong niya rito.
Tumingin ito sa kaniya at mukhang nagtataka sa sinabi niya. “I get to decide what I eat?” tanong nito.
“Oo naman,” nagtatakang sagot niya at tumingin sa bata. “bakit? Si Mommy mo ba lagi nagdedesisyon ng kakainin mo?” tanong niya at tumango naman ito.
Nalungkot siya para sa bata, mayaman man ito at nakukuha lahat ng luho ay hindi naman ito nakakatanggap ng pagmamahal ng isang ina. Kung anak lang niya si Terrence ay ipaparamdam niya sa bata kung paano ba talaga magmahal ang isang Ina.
Nang makarating sila sa canteen ay kinarga niya ang bata. “Huwag kang mag-alala, simula ngayon ikaw na ang pipili ng kakainin mo,” nakangiting sagot niya at ngumiti naman ang bata sa kaniya. “pero, hinay-hinay lang sa candies at junk food okay ba ‘yon?” tanong niya.
“Yes, Mommy Silex!” malakas na sagot ng bata kaya natawa naman siya.
Pakiramdam niya ay lumambot ang puso niya nang tawagin siyang mommy ng bata. Masaya pala talaga ang magka-anak ano? Kung binigyan lang sana siya ng pagkakataon ni Gray sigurado siya na kahit noong naghirap siya ay magkakaroon siya ng inspirasyon na mabuhay at magpatuloy.
YOU ARE READING
ROMANTIC RIVALRY
RomanceR18. A woman who has been with his abusive and cheating husband for six long years finally had enough and ended things with him. Even though she did not get any money from her Billionaire Ex-Husband, she is still happy to be free from him. She focus...