Nakahiga si Silex sa kanang bahagi ng kama habang nakayakap sa kaniya si Terrence at mahimbing na itong natutulog. Nakahiga na siya sa kama ni Trevor at tinatapik-tapik ang likod ng bata.
“Pag-pasensyahan mo na ang anak ko ha,” anang boss niya na kalalabas lamang ng banyo at nakapajama lang ito at hubad-baro. “ngayon lang kasi siya nakaranas ng pagmamahal ng isang ina.”
Tumango-tango siya at umiwas ng tingin sa amo na pinupunasan ang basang buhok. Umupo ito sa kaliwang bahagi ng kama, nakatalikod sa kaniya.
“Naiintindihan ko naman siya Sir,” sagot niya at napangiti habang tinititigan si Terrence. “sa katunayan nga po, parang anak na rin ang turing ko sa bata.”
Bumaling sa kaniya ang amo at ngumiti ito bago humiga. “Maswerte talaga kami na nakilala ka namin,” anang boss niya at hinalikan ang pisngi ng anak. “I don’t know what I’m going to do if you’re not here.”
Natawa naman siya ng mahina at napailing-iling. “Ito talaga si Sir,” natatawang sagot niya. “mabuti kang ama Sir Trevor, kahit na wala ako, alam kong gagawin mo kung ano ang makakabuti kay Terrence at sa’yo.” dagdag pa niya at tumingin sa amo niya.
Nakita naman niya na natutulog na rin ito kaya ngumiti siya. Kinuha niya ang kumot na nasa paahan nila at kinumutan ang dalawa. Kahit natutulog ay magkamukha talaga ang mag-ama na ito. Kaya siguro mahal na mahal ni Trevor ang anak kasi nakikita niya ang sarili sa bata.
Inayos ni Silex ang sarili at huminga ng malalim bago ipikit ang mga mata. Doon ay naramdaman niya na ang pagod sa buong katawan niya.
Niyakap niya si Terrence at pinabayaan na ang sarili na makatulog.
—
“Silex.” narinig niya ang amo na tinawag ang pangalan niya.
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata, namilog ang mata niya nang makita niya na nakasubsob siya sa dibdib ng amo.
Agad siyang bumitiw. “Jusko, pasensya na kayo Sir.” agad niyang saad at dumistansya sa amo. “Akala ko po si Terrence parin ang kayakap ko.” dagdag niya at ngumiti naman ang amo.
“O–Okay lang,” nakita niya na napapalunok ito habang nakatingin sa dibdib niya. “Silex, your uhm...chest.” nauutal pa ang amo niya at itinuro ang dibdib niya.
Tumingin siya sa sariling dibdib at nakita niyang lumabas sa sandong suot niya ang isa sa malulusog niyang hinaharap. Agad niya namang pinasok iyon sa loob at tumalikod mula kay Trevor. Nakalimutan niya na tinanggal niya nga pala ang bra niya kagabi.
“P–Pasensya na kayo Sir,” aniya at tinakpan ng kamay ang sariling mukha dahil sa hiya na nararamdaman niya. “s–salamat po kasi sinabi niyo.” dagdag pa niya.
Naramdaman niya naman na umalis sa kama ang amo niya. “Uh, s–sure no problem.” sagot nito at nakita niya na nagsuot ito ng sando. Bumangon naman siya habang tinatakpan ang dibdib ng kumot. “pupuntahan ko lang si Terrence, baka naglalaro sa baba.” dagdag pa ng amo niya kaya tumango-tango na lang siya.
Nang tuluyan nang makalabas ang amo ay nagtalukbong naman siya ng kumot at nagsisipa sa ere. Sobrang hiya tuloy ang nararamdaman niya. Nakita lang naman ng boss niya ang isa sa dibdib niya, alam niya naman na hindi binigyan ng lalaki ng kahit anong malisya at sinabi pa nga nito sa kaniya.
“Hey Silex,” nagitla siya nang biglang bumukas muli ang pinto at ang boss niya iyon. “Oh, sorry to scare you.”
YOU ARE READING
ROMANTIC RIVALRY
RomanceR18. A woman who has been with his abusive and cheating husband for six long years finally had enough and ended things with him. Even though she did not get any money from her Billionaire Ex-Husband, she is still happy to be free from him. She focus...