CHAPTER 28

66 0 0
                                    

“bumabalik siya.”

Nakita niya na halos masamid si Real at agad itong tumingin sa kaniya na parang nabibigla. “Silex, ikaw ba ‘yan?” tanong nito at napailing-iling. “huwag mong sasabihin sa‘kin na babalikan mo ang hayop na ‘yun?”

“Hindi ko alam Real e,” aniya at tumingin sa kaibigan. “para kasing totoo ‘yung sinasabi niya na nagbago na siya.”

Ngumisi itong tumingin sa kaniya at tumayo mula sa kinauupuan. “At naniwala ka naman?” tanong ni Real at nagtungo ito sa lababo. “Silex, siguro naman natuto ka na sa mga ginawa niya sa‘yo noon at sana, huwag mo na ulit ibalik ang sarili mo sa impyerno.”

Huminga siya ng malalim. Alam naman ni Silex ‘yon, na sinaktan siya ni Gray at pinahirapan dati pero ngayong bumalik siya, parang nararamdaman niya na may nag-iba dito. Sadyang hindi niya lang matukoy.

He feels different, he changed.

Pero kapag naman sinabi niya kay Real e baka sermonan lang siya nito, si Real ang nakasaksi sa lahat ng pananakit ni Gray sa kaniya, pisikal man o sekswal dito niya sinusumbong lahat kaya normal lang na pagbawalanan siya nito na balikan ang lalaki.

“Okay so,” tumikhim si Real at nagtatakang tumingin sa kaniya. “two men are screwing you, is that correct?” tanong nito sa kaniya at sinamaan naman niya ito ng tingin. “Alam ko naman na hindi mo paiisahin si Gray, hindi ka ganun ka-tanga.”

Umirap siya sa hangin at napatango na lang. “Nagu-guilty na nga ako e,” ani Silex at tumingin muli sa leche flan na kinakain niya. “parang kapag sumisiping ako sa isa, pakiramdam ko nagtataksil ako dun sa isa.”

“Natural,” sabat ni Real at uminom ito ng beer. “nahulog ka na sa kanila pareho ‘no?” tanong ng kaibigan at pilyong ngumiti.

“Hindi naman sila pareho mahirap magustuhan e,” sagot niya at napangiti. “lahat sila tinatrato ako ng tama, pinaparanas nila pareho sa‘kin lahat ng hindi ko naranasan kay Gray noon, bilang asawa.”

“It’s a tough choice,” hinawakan ni Real ang balikat niya. “but you need to choose one.” dagdag pa nito at huminga ng malalim. “Maybe ask yourself, who makes your heart beat the most?”

Napahinga siya ng malalim. Kung ganun nga lang ba kadali na malaman kung sino sa kanila ang mas pinapatibok ang puso niya edi matagal na siyang nakapagdesisyon.

“Mahirap parin e,” sagot niya at tumingin sa kaibigan. “pareho sila na laging nagpapatibok ng puso ko, alam nila ang mga gusto ng babae.”

Tumingin si Real sa kaniya na nakakunot ang noo. “Bes, naririnig mo ba ‘yang sarili mo?” sarkastikong tanong nito. “Malamang kasi nga ikaw na mismo ang nagsabi, pareho silang hiwalay sa asawa?” tanong pa nito ulit.

...

Matapos ang kwentuhan nila ni Real ay naglibot pa sila sa bahay nito, kinekwento rin nito sa kaniya na kinailangan niyang magpagawa ng bahay kasi ang ilan sa parte ng bahay niya ay nasira ng malakas na bagyo.

Panay lang ang pagkekwentuhan nila kasi matagal rin simula ng mag-usap sila at sa totoo lang, namiss ni Silex ang bonding nilang magkaibigan.

Ni hindi na nga nila namalayan ang oras dahil sa lalim ng pag-uusap ng dalawa, nalaman na lamang nila na gabi na dahil sa palabas sa TV.

“Oh, paano ka uuwi?” tanong ni Real habang naglalakad sila palabas ng gate. “Gusto mo ihatid na kita? May motor naman ako dito ‘teh.” dagdag pa ng kaibigan.

Natawa siya at panay ang pag-iling sa kaibigan. “Huy! Huwag na, nakakahiya na masyado,” sagot niya at tinulungan itong magbukas ng gate. “atsaka, baka nandiyan na naman si Dash.” dagdag pa niya.

ROMANTIC RIVALRYWhere stories live. Discover now