Chapter 1

27 0 0
                                    

"WAAAHHHH!!! Late na talaga tayo nito!!!"

"Wag ka nang magreklamo dahil KASALANAN MO!!!", pambabara sakin ni Tammy. Siya ang bespren ko. Kaya heto, sya rin ang kasama ko sa mga ganitong pagkakataon. Damay-damay lang yan.

Halos kalikarin ako ni Tammy sa pagmamadali. Sana lang hindi ako madapa.

I'm Mira Abeleda, 17 years old, at isa sa mga taong malaki ang paniniwala sa existence ng mga nilalang na kung tawagin ay GUARDIAN ANGELS - mga magagandang nilalang na may pakpak, maaamo ang itsura, at lubos ang kabaitan. Para sakin, sila ang mga itinalagang magbantay, mag-alaga at gumabay sa bawat tao. Kaya kung madadapa man ako ngayon, I'm sure sasaluhin ako ng Guardian Angel ko :-)

Pinagpatuloy lang namin ang pagtakbo at pagtahak sa daan papuntang school. Walking distance lang naman kasi. Pero ngayon, mukhang naging 'running distance' na.

Bigla akong huminto.

"Ano ba Mira! Bakit ka huminto! Nagmamadali na nga tayo e!", naiinis na sigaw sakin ni Tammy.

"Ihhhh! Bakit kasi tayo dito dadaan! Alam mo namang..." hindi ko na tinuloy ang sinasabi ko. Alam ko namang naiintindihan nya kung bakit.

"Haynako! Ito nalang ang pag-asa natin para makaabot sa klase! Kailangan nating magshortcut!" sabi nya na may pagpadyak pa. Alam kong inis na inis na sya pero ayoko talagang dumaan dito. Bukod sa makipot ay madilim pa. Yung tipong hindi tanaw ang dulo.

"Tsaka wala nang manghaharang sayo dito!" dagdag pa ni Tammy.

Yun! Isa pa yung dahilan. Palagi kami ditong dumadaan dati. Pero last year, noong minsan akong dumaan dito, kung kailang absent itong si Tammy at mag-isa ako, nakasalubong ko ang isang grupo ng mga lalaki. Takot na takot talaga ako nun. Akala ko maso-SOCO na ako. Buti nalang may dumating na isa pang grupo. Hindi ko naintindihan ang nangyayari nun, basta nag-away away sila kaya hayun, nakatakas ako.

"MIRAAA!!! Ano na!!!" sigaw ni Tammy na nagpabalik ng utak ko sa reyalidad.

"Basta! Ayoko! Dito tayo sa kabila!" matigas kong sabi at saka hinila ang kamay ni Tammy sa kabilang direksyon. Ngunit hinila nya ako pabalik.

"Napaka-ano mo! One year ago na yun! At na-expel na nga sila di ba?!" pagpupumilit ni Tammy.

"Yun na nga e! Na-expel na sila! Malaya na nila akong matatambangan at mahaharang, kahit saan, kahit kailan! Gusto mo bang isang araw, makita mo nalang ang 31 piraso ng katawan ko na pakalat-kalat sa harap ng condo unit mo?!" sagot ko sa kanya.

"Teka, bakit 31 piraso?" nagtataka nyang tanong.

"Gaga. Birthday ko yun."

"Ah. Oo nga pala. Ano nga palang handa mo sa--- Teka, wag mo ngang iniiba ang topic! Tara na!" pumunta sya sa likod ko at tinutulak-tulak na ako paloob sa madilim na shortcut na yon.

"Arte nito. Ano pang silbi ng mga Guardian Angels na sinasabi mo?" bulong pa nya. Hay. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung magandang bagay pa ba na naniniwala ako sa mga Guardian Angels.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. Okay. Pagbigyan na natin ang bruha. Pumikit ako. At saka kumaripas nang takbo.

Hindi naman kahabaan ang daan na ito para sakin dati. Pero simula nung may humarang sakin, parang ang haba-haba na. Habang papaloob kami ay palamig nang palamig ang hangin. Kakaiba talaga ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Hinigpitan ko ang paghawak ko kay Tammy at mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko.

HAY SA WAKAS! Nakalabas din. Tanaw na mula dito ang gate ng Eligere University.

"Tara na Tamm---

Naputol ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang mga kamay nya na mahigpit na nakakapit sa leeg ko.

My Guardian Supladong Angel (Completed)Where stories live. Discover now