"Nanakawin mo yan no?"
Napakagat-labi na lang ako sabay irap sa sinabi ng magaling kong anghel. Nakakita lang naman kasi ako ng wallet sa daan habang naglalakad papuntang school.
"Dinampot ko lang okay?" sabi ko.
"Asus. Nanakawin mo yan eh."
Huminga nalang ako nang malalim habang nagtitimpi. "ETO NA NGA PO. MAGLALAKAD NA PAPUNTANG POLICE STATION. ISASAULI NA ANG WALLET. OKAY?!"
Tinaasan lang niya ako ng kilay. Bwisit talaga. Mukhang mamahalin pa naman yung wallet. Kung wala lang sana tong anghel na ito. Nakuuuuu!
"Maraming salamat po Ms. Abeleda sa inyong katapatan. Kontakin nalang po namin ang may-ari ng wallet gamit ang mga cards na narito."
"Salamat din po."
Umalis na ako sa police station nang may panlulumo. May 50k cash sa wallet tapos may mga cards pa. At ang pinakanakahihinayang sa lahat, nakasulat yung mga passwords sa wallet. Waaaaaahhh. Mahina pa naman ang kita ng café ko this month.
"Nagsisisi ka na binalik mo yung wallet no?" pang-aasar pa ni Kiel. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Hindi." pagtanggi ko. Nakita kong kumunot ang noo niya at akmang hahawak sa dibdib nya.
"Bakit? Anong problema?"
"W-wala." Itinuloy nya ang paghawak sa dibdib at sarkastikong sinabing, "Sobrang na-touch lang ako sa kabutihan ng puso mo."
Inismiran ko lang siya. Tsinek ko ang aking relo.
"Patay ma-le-late na naman ako!"
Nagmamadali akong tumakbo sa direksyon papuntang paaralan. Napahinto ako sa tapat ng madilim na eskinita na pinakaiiwasan ko.
"Huwag mo nang piliting dumaan dito kung ayaw mo talaga." seryosong sabi ni Kiel.
"Pero kailangan kong ipasa itong output ng grupo nina Tammy. 7am. Sharp." May emergency na lakad kasi si Tams kaya hindi ko sya kasabay pumasok ngayon. Kaya heto, napakiusapan pa nya ako na magpasa ng output ng grupo nila.
Kiel just sighed and said, "Kailangan mo ba talagang dumaan dito?"
Marahan akong tumango. He just gestured me to go ahead.
"Mauna ka." sabi ko.
Nasapo na lamang niya ang kaniyang noo. "Hindi ka pwedeng mawala sa paningin ko. Kaya sa likod mo lang ako."
"Pero natatakot nga ako."
"Sabi ko naman di ba? I can die twice just to protect you. Just trust me."
I'm not sure but there's something about his words that makes my worries melt away.
"I'll trust you then." Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. At saka kumaripas ng takbo paloob sa eskinita.
"Hoy! Bakit ka nakapikit! Madadapa ka! Di ka ba nag-iisip?!"
"Bakit ba?! Di ba sabi mo 'I'll protect you?! BAHALA KA NA!!" sigaw ko habang patuloy sa pagtakbo.
"MIRAAA!!!"
Huminto ako sa narinig kong pagsigaw ni Kiel. Nang imulat ko ang aking mga mata. Napaatras na lamang ako.
Isang kalbong lalaki na maraming tattoo sa katawan ang makakasalubong ko sa daan. Napakalaki ng katawan niya at pasuray suray pa ang paglakad. Mukhang lasing na siya ngunit patuloy pa ang paglagok niya sa bote ng alak na kaniyang hawak.
"K-Kiel?" bulong ko.
Sa pagbulong ko ay naagaw ang atensyon ng lalaki. Mabilis niyang nilagok ang natitirang alak.
YOU ARE READING
My Guardian Supladong Angel (Completed)
FantasyMalaki ang paniniwala ni Mira sa existence ng mga nilalang na kung tawagin ay GUARDIAN ANGELS - mga magagandang nilalang na may pakpak, maaamo ang itsura, at lubos ang kabaitan. Para sa kanya, sila ang mga itinalagang magbantay, mag-alaga at gumabay...