"Mira, within this week...
...you'll die."
Really? I'll die? It's a joke right?
Death Angel? Gurdian Angel?
Siguro panaginip lang lahat ng to. Kukuritin ko na ba sarili ko?
O baka naman hindi to lahat totoo at nabaliw nalang talaga ko kakahabol ko kay Touro! Hahaha.
But no. This seems real. Nooooo!!! I CAN'T DIE!!! AYOKO!!!
"Friend, can you please don't laugh then cry like that while I'm driving? You're scaring me." Luckily may kotse si Tams at pinapag-drive nya ko. Hindi ko talaga kayang maging matino today dahil sa nalaman ko.
"I love you Tams. Mami-miss kita."
"What the? Ok ka lang ba sis?"
Nakita ko naman na pailing-iling lamang si Kiel sa backseat.
"You can find a new bestfriend now." sabi ko pa.
"Nagbreakfast ka ba girl?"
"No. Wala akong gana."
"Then I think kailangan nating dumaan sa café mo. Kaiba na takbo ng brain mo."
Pagbaba namin ay kaagad kaming sinalubong ni Chloe.
"Pag-pack mo naman tong boss mo ng breakfast. Wala na sya sa katinuan kaya pakibilisan ha." utos ni Tammy. Agad namang kumilos si Chloe. Makaraan ang ilang minuto ay iniabot nya sa amin ang isang paper bag na puno ng packed sandwich at dalawang hot drinks.
Kinuha ni Tammy ang food samantalang ako ay kinuha ang dalawang kamay ni Chloe.
This kid. Hindi ko alam na aabot ako sa ganito.
"Chloe," pagtawag ko sa kanya as I hold her hands, "Please take care of my café. Ikaw na ang bahala."
"Po?" inosenteng tanong ni Chloe.
"Hay nako Chloe. Wag mo nang pansinin yan. Kanina pa yan wala sa katinuan." sabi naman ni Tammy sabay higit sa akin palabas ng cafe.
"Sigurado ka bang gising ka na girl? Your thoughts are quite abnormal." Tammy said while putting on her seatbelt.
Masisisi ko ba sarili ko. Mamamatay na daw ako within this week! Waaahhh!
Dumating na kami sa site ng immersion. May school event kasi every year na nagpi-feeding program kami sa isang piling bahay-ampunan.
Isa ako sa mga caterer na nagsasandok ng pagkain sa mga bata na nakapila.
"Girl? Umiiyak ka?" Naka-shades na nga ako napansin pa rin ni Tams. "Girl feeding program to ha, hindi lamay. Nakablack ka na nga mula ulo hanggang paa, naka-shades pa, tapos ngayon umiiyak ka pa? Ano ba nangyayari sa'yo girl."
"Nakakainggit lang kasi tong mga batang to Tams."
"Ha?"
"Buti pa sila. May future."
Napailing na lamang si Tammy.
Isang lola naman ang lumapit sa amin. Mukhang isa sya sa nangangalaga sa mga bata dito sa ampunan. "Iha, salamat ha." sabi niya.
"Wala pong anuman. Mabuti po na nakakagawa ako ng mabuti hangga't kaya ko. Para sigurado pong sa langit ako mapunta." sagot ko.
"Yaan mo iha, ipagdadasal ko yan."
"Kailan ho?"
"Ano ineng?"
"Kailan nyo ho ako ipagdadasal?" Halata namang lito pa rin ang lola sa tanong ko. "Sana ho mamaya na kaagad. Baka ho hindi umabot."
YOU ARE READING
My Guardian Supladong Angel (Completed)
FantasyMalaki ang paniniwala ni Mira sa existence ng mga nilalang na kung tawagin ay GUARDIAN ANGELS - mga magagandang nilalang na may pakpak, maaamo ang itsura, at lubos ang kabaitan. Para sa kanya, sila ang mga itinalagang magbantay, mag-alaga at gumabay...