Chapter 5

5 0 0
                                    

Wala nang bawian. Girlfriend na kita ha.

Muli akong napagulong sa aking kama sa sobrang kilig nang maalala ko ang sinabi ni Touro kahapon.

Sigurado akong hindi yun panaginip. Hindi naman kasi ako bibigyan ng magaling na anghel ko ng ganon kagandang panaginip e. Kaya IT'S TRUE!!! KAMI NA!!! Nagkatotoo na ang pinapangarap ko!!! WAAHH!!!

"Alam mo. Pacheck-up ka na. Seryoso na yang sakit mo sa ulo."

Inihagis ko kay Kiel ang niyayakap kong unan pero lumampas lang ito sa kanya. "Shut up! Manyak! Akala mo nakalimutan ko yung pagsuot mo kahapon sa damit ko ha."

"May choice ba ko? Alangan namang magpakahirap akong lumipad at humabol sa sasakyan nyo."

"MANYAK." pagdiin ko pa.

Hindi na nakasagot pa si Kiel dahil tumunog ang aking cellphone.

Nagmessage lang naman ang boyfriend ko. Bwahahahaha!

Touro: Good morning. Sunduin kita mamaya ha. Sabay tayong papasok.

Napayakap nalang ako sa aking kumot. Susunduin nya ko! Matutuloy na ang libreng payakap sa abs ni Touro!

Aba teka... pwede ko syang mayakap kung kelan ko gusto kasi boyfriend ko na sya di ba? WAAAHHH!!! This is soooo unreal!

"Sige. Magpagulong-gulong ka pa. Sa discipline office na naman ang diretso mo pag na-late ka." Tiningnan ko lang si Kiel nang masama.

Nagmadali akong bumangon at nag-ayos nang sarili. Baka kasi biglang dumating si Touro tapos bruha pa ko. Lalabas na sana ako nang condo unit nang magsalita si Kiel, "Di ka man lang ba mag-aalmusal."

"Hindi na, baka dumating si Touro."

Ngunit napahinto ako sa may pintuan. May naalala ako.

"Hoy manyak." Nakita ko naman ang pagkunot-noo ni Kiel.

"Can you stop calling me that?" nagtitimpi nyang sabi.

"Kung ayaw mong tawagin kitang manyak. Makinig ka." Inilapag ko ang aking backpack sa mesa at binuksan ito. "Dito ka sa loob ng bag ko, hindi sa loob ng damit ko."

"Ngayon na?"

"Oo. Now na." Kahit mukhang labag sa loob ni Kiel ay sumunod na rin sya. Muli kong nakita ang pagliwanag nya at dahan-dahang pagliit. Bago ko isara ang bag ay nginitian ko pa sya, "Kung ganyan ka lagi ka-cute, e di sana hindi kita ginugustong tirisin."

Hindi ko na narinig pa ang sagot nya dahil sinara ko na ang bag ko.

Hinintay ko si Touro sa harap ng building namin.

Natanaw ko ang papalapit na si Tammy mula sa loob ng building. Mukhang nakasimangot sya. "Oy Mira. Grabe ka. Porke may boyfriend, nang-iiwan na." Naku, oo nga pala. Nalimutan ko syang daanan.

Inakbayan ko naman sya at nilambing, "Sorry na Tams. Masyado lang talaga akong excited yumakap sa abs ni Touro."

"Oo na oo na. Bruha ka."

Bumusina sa amin ang papalapit na si Touro. Sakay sya ng kanyang sariling motor. This is the moment!

"Good morning." bati ni boyfriend. Inabot niya sa akin ang isa nyang helmet.

Teka nga pala... paano si Tammy?

Nahalata naman ni Touro ang iniisip ko. "Wag kang mag-alala Mira. Tinawagan ko ang tropa kong si Jeff. Ihahatid nya ang kaibigan mo."

"Si Jeff?! Yung ka-team mo na Jersey #12?!" malakas na bulalas ni Tammy. Sinigaw talaga?

"Oo. Mga 5 minutes siguro nandito na yun. Ihahatid ka nya. Hintayin mo ha." sabi ni Touro.

My Guardian Supladong Angel (Completed)Where stories live. Discover now