Last Chapter (11)

4 0 0
                                    

"AAAHHHH!!!"

Halos mabingi ako sa hiyaw ng biglang nagising na si Touro.

Ibinato niya nang malakas ang unan sa sahig. "Buwisit talagang buhay to! Bakit ba gabi-gabi nalang masama ang tulog ko!"

Ang lakas din talaga ng loob nitong lokong ito na magreklamo. E kung itinitigil kaya nya ang pambababae nya. E di hindi ko sana sya gabi-gabi binibigyan ng masamang panaginip.

Naghanda na sya pagpasok sa Eligere. Ito na ang ikatlong linggo ko ng pagiging Guardian Angel ni Touro. At masasabing kong NAPAKAHIRAP.

Maya't maya sya kung magsinungaling. Araw-araw, nambababae. Madalas pa siyang mapaaway dahil don. Akala ko talaga nagcheat sya sakin sa isa lang na babae. Aba't, pito pala kami. Ang kapal!

Palagi ko syang binubulungan ng 'Don't Cheat. You'll go to hell'. Actually, lately, isinisigaw ko na sa tenga nya. Pero talaga yatang walang konsensya ang isang ito. Kaya maya't maya rin ang sakit ng dibdib ko.

Punyemas talaga.

Naglalakad kami sa hallway ng paaralan papuntang locker room. Napansin kong mabagal ang paghakbang ni Touro. Lutang na lutang din ang madidilim nyang eyebags.

Dahil ba sa masasamang panaginip na binibigay ko gabi-gabi? Kakakonsensya naman.

Tumunog ang cellphone niya. May mensahe. Sinilip ko iyon at nakita kong isa iyon sa mga babae nya. Pagkabasa nya ng mensahe ay naglakad sya patungo sa Eligere garden.

Patay. Aabsent na naman yata ang isang ito. Naman talaga oh.

Nakaupo lang kami sa isa sa mga bench ng garden. Naririnig ko pa ang maya't mayang pagbuntong hininga ni Touro.

Tama si Kiel noon. Hindi ko nga mabasa ang nasa isip ni Touro. But I can feel his emotions. He seems so troubled and... sad?

"Touro!" pagtawag ng babae na papalapit. Sya yung nagmessage kay Touro kanina.

"Ano na naman kayang kalokohan ang sasabihin ng alaga mo sa alaga ko?" mataray na sabi sa akin ng guardian angel ng babae ni Touro.

"Ewan ko nga rin eh. Araw-araw ngang masakit ang ulo ko dahil sa lokong to. Kabwisit na." sagot ko sa anghel.

"Sorry babe. Magbreak na tayo." Napanganga kaming dalawang anghel sa tinuran ni Touro.

"B-bakit? May nagawa ba kong mali?" paiyak na tanong ng babae.

Umiling lamang nang marahan si Touro. "I actually have 6 other girlfriends."

Bigla nalang naming narinig ang lagitik ng sampal ng babae sa pisngi ni Touro.

"Oh sh*t. Hindi ko na napigilan." bulong ko. Ang bilis naman kasi ng kamay ng babaeng to!

"Hayaan mo na. Deserve naman nya di ba." sabi ng guardian angel ng babae.

Binigyan ko na lamang siya ng pilit na ngiti.

Tumakbong palayo ang babae. Kumaway lang sa akin at sumunod na rin sa kanya ang kanyang guardian angel.

Umupo lang ulit si Touro sa bench. Nakatungo at mukhang malungkot.

Malungkot ako para sa mapula nyang pisngi pero hindi ko mapigilang ngumiti. Mukhang nagbubunga na rin kahit papaano ang paggabay ko sa kanya.

***

"F*CK YOU JERK!!!" kasunod niyon ang malakas na tunog ng sampal mula sa ikaanim na babae na tinawagan ni Touro dito sa garden.

Umalis na rin sila at naiwan na naman kami ni Touro sa garden. Isang babae nalang at matatapos na rin ang isang araw na sampalan na ito. Sana hindi madeform ang gwapong mukha ni Touro. Kahit papano naman, ilang years ko ring sinamba ang mukha nya.

My Guardian Supladong Angel (Completed)Where stories live. Discover now