Chapter 4

5 0 0
                                    

"Ay anak ng!"

Okay.

Nagulat lang naman ako sa sarili kong reflection sa salamin.

Kasi naman. Magdamag akong naghulma ng eyebags. Si Touro kasi eh! HAHAHA!

Oo. Magdamag kaming magkatext. Waaahhh! Kilig!

"Stop it. It's scary." pagsingit naman ni Kiel.

"Wag ka ngang panira lagi ng moment." Inirapan ko lang sya.

Umupo na ako sa dining table at sinimulang kumain ng almusal. Si Kiel ay nagse-cellphone lamang sa harap ko.

"Pero alam mo, dahil rin talaga sa'yo kaya nagkalapit kami ni Touro e. Kasi pinilit mo kong magtapat dun sa locker room. Kaya sige na... thank you sa NAPAKAGANDANG ARAW ko kahapon."

"Napakagandang araw?" Inismiran ako ni Kiel. "Baka nakakalimutan mo yung pagmumura sa'yo nung driver? Yung nadiscipline kayo? Yung score mo sa surprise test na 5/20? E yung halos naligo ka ng kape sa gym? Napakagandang araw no?"

Umiling lamang ako sa sarkatikong sermon nya, "Alam mo kasi Angel Kiel, ganito talaga kapag inlove. Kahit gaano pa karami ang bad moments sa araw mo, at the end of the day, yung moment kasama sya pa rin ang maaalala mo."

Hindi nya pinansin ang sinabi ko at patuloy lang sya sa pagkutinting ng cellphone nya.

"Ano ba kasi yang ginagawa mo sa cellphone na yan?" Tumayo ako at sinilip ang cellphone nya. "Games? Pati ba naman mga anghel adik na rin sa mobile games?"

"Kung hindi ko gagawin to, maiinip ako. Ang boring kaya ng buhay mo."

Napahigpit na lamang ang hawak ko sa aking kutsara at tinidor. Kung pwede ko lang isaksak to sa lamok na to e.

"Kung naiinip ka, e di mamasyal ka sa labas. Buntot ka kasi ng buntot e."

"Limitado lang ang distansya na pwede kong ilayo sa'yo."

Ganun?

"Hanggang gaano kalayo?" pag-usisa ko.

Matiim nya akong tiningnan. "At bakit ko sasabihin?"

Ang damot.

"Sige, magpakaadik ka sa cellphone mo. Pag ako, nabulunan at namatay dito nang hindi mo nalalaman, sisiguraduhin ko rin na sa impyerno ang bagsak mo." ganting banta ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala. Mararamdaman ko kapag nasa panganib ka."

Tinaasan ko naman sya ng kilay sa sinabi nya, "So yung paghagis ng mga bruha sakin ng kape hindi mo naramdaman? Ang hina naman ng radar mo."

Tumigil siya sa pagse-cellphone at nakipagsukatan ng tingin sa akin. "Kape lang yon at hindi naman gaanong mainit. Mapanganib na ba yon? Ikamamatay mo?"

"So kahit pala buhusan ako ng isang baldeng mainit na kape, wala kang gagawin? Kasi hindi ko ikamamatay. Napakalaki naman pala ng SILBI mo sa buhay ko no?"

"Unang-una, sino naman ang magtitiyagang magtimpla ng isang baldeng kape para lang ibuhos sa'yo. Pangalawa, may paa ka naman. Bakit mo hahayaang mabuhusan ka kung kaya mo namang tumakbo. Sobra ka namang umasa sakin. Baka naman pati yung kumakagat na lamok sa'yo sa gabi, ipapatay mo pa sakin."

Wah. Nawalan na ko ng gana kumain. Sabi ko nga e. Wala talaga kaming magiging matinong usapan. Haaay.

Phone Ringing...

Tumatawag si Touro! Waaahhh!

Nilunok ko muna lahat ng nginunguya ko at inihanda ang pinakamalamyos kong tinig.

My Guardian Supladong Angel (Completed)Where stories live. Discover now