"Di na yun dadating."
I just glared at Kiel for what he said. "Baka naman may dinaanan lang," pagtatanggol ko naman kay Touro. May usapan kasi kami ni Touro na magkikita dito sa garden park para sa date na naudlot noong Valentine's Day.
"Really? 30 minutes late?" sabi pa ni Kiel.
"Pakialam mo ba. Ikaw ba yung ka-date, ha?"
"This is a waste of time."
"Eh di mabuti pa, ipakita mo ulit sakin yung magandang view. Ang dami pa ring nagde-date ngayon oh," sabi ko saka inilapit sa mareklamong anghel ang aking palad.
"Gusto mo ulit makita yung view o gusto mo lang makipag-hold hands?" Napanganga na lamang ako sa sobrang feelingero ng lamok na to.
"ALAM MO? ANG KAPAL MO!" singhal ko.
Bago pa man lumabas lahat ng angry veins ko kay Kiel ay natanaw ko na sa hindi kalayuan si Touro.
Gosh. And fresh nya tingnan sa white shirt nya. Para tuloy natunaw lahat ng stress ko sa lamok na si Kiel.
"Hi," pagbati ng boyfriend ko with a sweet smile. "Here," sabi pa niya at iniabot ang drinks na dala.
"Thank you," pa-sweet kong bati. Yes. Pa-sweet talaga.
"Kumusta ang check-up?" Sh*t oo nga pala. Yun ang dinahilan namin ni Tams na lakad ko kahapon.
"Ah... eh... okay naman."
"Magaling ka na?"
"Oo," sagot ko na may pilit na ngiti.
"Hindi mo ba talaga pwedeng sabihin kung ano ang sakit mo?"
"Ahm... hindi eh. Medyo confidential kasi. Sabi rin naman ng doctor na okay na. Don't worry," pagsisinungaling ko. "By the way, white shirt looks good on you," pag-iiba ko ng usapan.
Napansin kong napahawak muli sa dibdib nya si Kiel.
"Thanks," Touro chuckled at my compliment. He really looks good but... there's someone who can pull the white top better.
"Ako ba ang pinakagwapo mong nakita na nagsuot ng white shirt?" pabirong tanong ni Touro.
"Ah... oo... hehe." At bigla ko na lamang nakita si Kiel na napaluhod habang nakahawak sa kaniyang dibdib. He looks so hurt.
"Mira..."
"Y-yess" pagsagot ko sa tawag ni Touro.
"May nakalimutan pala ko sa café na binilihan ko ng drinks. Sandali lang ha," pagkasabi noon ay umalis si Touro.
"Hoy, ayos ka lang?" tanong ko kay Kiel.
"Can you please stop telling lies?" sabi ni Kiel na mahigpit pa rin ang hawak sa kaniyang dibdib.
"Anong gagawin ko? Kailangan eh," pagdadahilan ko. Hindi naman kasi ako komportable na i-share na death anniversary ng parents ko. Wala pa kami ni Touro sa ganung level.
Dahan-dahan syang tumayo ng tuwid at huminga nang malalim. Mukhang okay na siya.
"Bakit kasi kailangan pang bolahin ang boypren kung hindi naman talaga sang-ayon sa sinasabe."
Wait what? Alin? Yung white shirt? Pano nya nalaman? Can he really read my mind?
"H-hindi kaya. Sya naman talaga ang pinakagwapo kong nakita sa white top eh." Pagkasabi ko noon ay muling napangiwi si Kiel at napahawak muli sa kaniyang dibdib.
"I know when you lie," he said then he pushed me against the bench and placed his long muscular arms on my shoulders. "Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang kirot sa dibdib ko kada pagsisinungaling mo? Parang tinutusok lang naman ako ng daan-daang karayom. Gusto mo i-try ko sa'yo?" nagtitimpi pa niyang sabi.
YOU ARE READING
My Guardian Supladong Angel (Completed)
FantasyMalaki ang paniniwala ni Mira sa existence ng mga nilalang na kung tawagin ay GUARDIAN ANGELS - mga magagandang nilalang na may pakpak, maaamo ang itsura, at lubos ang kabaitan. Para sa kanya, sila ang mga itinalagang magbantay, mag-alaga at gumabay...