"Alam mo ba Mira, yung nag-ayos ng shower ko kaninang umaga, SUPER HOT!! Parang gusto kong sirain madalas yung shower ko! Bwahahaha!!!"
Tuloy lang ang kwento ni Tammy habang naglalakad kami papasok sa paaralan. Kaso lang, hindi ako makafocus sa kwento nya dahil sa mabait kong guardian angel na parang stalker na sunod nang sunod. Haaayyy. Kailan pa kaya ako masasanay?
"Nakikinig ka ba Mira?"
"Ah... oo Tammy. Hehe." sagot ko na may pilit na ngiti.
Tatawid kami ng pedestrian lane at napansin ko ang isang eksena sa kabilang kalsada.
"Uy grabe Mira oh. Ang harsh nung driver sa lola." pagpuna ni Tammy.
Isang drayber ng taxi ang walang awang sinisigawan ang isang lola. Mukhang tatawid ang lola sa pedestrian at muntik na itong mahagip ng taxi. Tumawid kaagad ako upang lapitan sila.
"Kung malabo na ang mata mo, wag kang tumawid! Walang lugar dito ang tatanga-tanga!" sigaw ng drayber.
"Teka lang manong. Wag nyo naman pong sigawan nang ganyan si lola." sabat ko sa kanila.
"Wag ka ngang sumabat! Wala kang alam!" ganting sigaw nya sa akin. Talagang may kabastusan pala ang drayber na ito.
"Baka hindi nyo po nakikita. Nasa pedestrian lane si lola. Kayo ang mali!" singhal ko.
"Gago kang bata ka ah! P*t*ng*na mo!" Aba't? Minura talaga ako?! Akala yata nito sya lang marunong magmura ha.
"Pwes! Pu---
"Don't curse. You'll go to hell." Napahinto ako sa biglang bumulong sa aking tenga. Si Kiel.
Ah! Bwisit talaga!
"Tammy! Tumawag ka nga ng pulis!" inis kong sabi.
"Pero, male-late na tayo Mir---"
"BILIS! Tingnan natin kung sino ang magpapalipas nang oras sa kulungan ngayong umaga!" nagngangalit kong sabi sa mukha ng drayber. Nakita ko naman na medyo natakot sya sa aking sinabi.
"B-bahala na nga kayo dyan! Pampasira kayo ng araw!" sabi ng drayber at saka nagmadaling bumalik sa kaniyang sasakyan at umalis. Takot din pala e.
"Maraming salamat mga iha. Kababait nyo namang mga bata." nakangiting pasasalamat sa amin ng lola.
"Wala ho iyon nay. San ho ba kayo papunta?" Napansin ko kasi na nahihirapan siyang maglakad. Halos nanginginig na ang kaniyang mga kamay sa paghawak sa kaniyang tungkod.
"Sa clinic ni Dr. Romirez iha. Malapit na ba ako?"
"Sasamahan po namin kayo lola." sabi ko.
"Mira. Male-late na talaga tayo sa school ano ka ba!" bulong sa akin ni Tammy.
"Sssshh!!! Malapit lang naman! Ayun lang oh." Tinuro ko kay Tammy ang isang clinic sa di kalayuan. Sumuko naman sya at inalalayan na lamang si lola sa kabilang side. Katabi ko namang naglalakad si Kiel na papindut-pindot lamang sa cellphone nya.
"Hoy anghel. Wala ka man lang bang maitutulong dyan?" bulong ko.
"Wag mo kong kausapin. Tumingin ka sa dinadaanan mo." Pagtingin ko sa harap ay muntik na akong mauntog sa poste.
"Ano ba! Ba't di mo kaagad sinabing may poste!" sigaw ko kay Kiel.
"Sorry naman Mira! Akala ko nakita mo eh. Galit agad?" sagot ni Tammy na akala ay sya ang kausap ko.
"Hindi naman ako galit. Hehe." Nginitian ko lang si Tammy at sinimangutan ko nalang si Kiel.
***
YOU ARE READING
My Guardian Supladong Angel (Completed)
FantasyMalaki ang paniniwala ni Mira sa existence ng mga nilalang na kung tawagin ay GUARDIAN ANGELS - mga magagandang nilalang na may pakpak, maaamo ang itsura, at lubos ang kabaitan. Para sa kanya, sila ang mga itinalagang magbantay, mag-alaga at gumabay...