Can we meet?
Isang text mula kay Touro ang nareceive ko habang hinihintay si Tammy sa labas ng building namin.
"I'm here. Let's go girl?"
"Ahm... pwedeng mauna ka na girl. May puntahan lang ako sandali."
Napapadyak naman sya sa sinabi ko. "My God. Minadali ko pa naman ang pagre-ready." reklamo n iya.
"Sorry na. Sunod ako kaagad." padabog siyang naglakad palayo sakin.
Matapos kong matanggap ang mensahe ni Touro kung saan kami magmi-meet ay naglakad na ako papunta roon. Sa malapit na café lang naman kasi.
"Watch where you are going." paalala ni Kiel.
"Why? Will I die today?" bored kong sabi.
"Just listen to me, okay?" Mula kaninang umaga ay ganyan na yang si Kiel. Kahit nga sa pagnguya ng pagkain ko, nag-aalala pa na mabulunan ako.
Naalala ko tuloy ang confession sakin ni Kiel kagabi. Medyo awkward tuloy. Imi-meet ko si Touro habang alam kong gusto ako ni Kiel.
Pero sabagay, bukod sa OA nya na pag-aalala sa safety ko, wala pa rin namang nagbago sa kasungitan nya.
"What are you looking at?"
Oh, kita nyo na.
"Oo nga pala Kiel. What happened to the necklace? Yung nasira ko."
"Forget that."
"Bakit?"
"I lied." I was puzzled by what he said. "What do you mean you lied?"
"Wala yung kinalaman kung bakit bigla akong nanging visible sa'yo." Napamaang na lamang ako sa sinabi nya.
"Buti ka pa nalalaman mo kung kailan ako nagsisinungaling. Samantalang ikaw. Tss." pagrereklamo ko. "Wala naman palang kwenta yung kwintas, sobra mo pa ko kung sungitan non."
"Nope. It's important to me. Hindi ba familiar sa'yo yung kwintas? Pearls?"
Pilit ko namang inalala ang itsura ng kwintas na yon.
White Pearls.
"You gave it to me." Kiel said.
"Me," I said as I was surprised.
"Yeah. More than a year ago I think. Forget it kung di mo na maalala."
"No! Ipaalala mo sakin," pangungulit ko.
"Eligere Garden. Under the Tree."
"What the? Yun na yung kwento?"
Hindi na nya ako pinansin kaya hindi ko na rin siya kinulit.
Huminto kami sa tawiran. Habang nag-aabang kami na mag-green yung sign, napangiti na lamang ako sa natatanaw ko sa kabila ng pedestrian. A mom, a dad with their two cute twins. Happy family.
"Kiel..."
"Mmm?"
"Will I meet my parents if I die?"
"Who knows? Ano bang mas marami mong nagawa, good deeds o bad deeds."
Jeez. Kahit magsinungaling man lang sana para mapaganda mood ko.
The light changed to green at nagsimula nang tumawid ang mga tao. Ngunit nataranta ang lahat nang isang malaking truck ang mabilis na dumarating.
What? Hindi ba nakikita ng driver ang sign? Mabilis kaming nagbalikan sa tabi ng kalsada. Akala namin ay ligtas na ang lahat ngunit napuno ng sigawan ang paligid. Yung kambal na bata na tinitingnan ko kanina, bumitaw sa magulang nila para balikan ang nahulog nilang cellphone!
YOU ARE READING
My Guardian Supladong Angel (Completed)
FantasyMalaki ang paniniwala ni Mira sa existence ng mga nilalang na kung tawagin ay GUARDIAN ANGELS - mga magagandang nilalang na may pakpak, maaamo ang itsura, at lubos ang kabaitan. Para sa kanya, sila ang mga itinalagang magbantay, mag-alaga at gumabay...