Chapter 2

8 0 0
                                    

 "Gusto mo ng ham?"

"Hindi kami nakakaramdam ng gutom."

Nandito ako ngayon sa kusina para kainin yung ham na niluto ko for dinner. Kasama ko si Kiel - ang aking Guardian Angel 'daw'.

Mahirap pa rin talagang paniwalaan ang mga nangyayaring ito. Pero kapag talagang nasa harapan mo na. Mapapanganga ka na lang.

"Pwede ba, wag mo nga ako palaging titigan." iritable nyang sabi.

"S-sorry." Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. Walastik na Guardian Angel ito ah. May attitude?

Pagkalinis ko ng pinagkainan ko, pumunta ako sa sala. Umupo ako sa sofa at binuhay ang tv. Si Kiel naman, sumunod lang sakin. Umupo lang sya dun sa lounger malapit sakin. Mukhang relax na relax sya sa pagkakaupo nya. Nang makita kong lilingon sya sa akin ay kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Mahirap na, baka sungitan na naman nya ko.

Matagal-tagal na rin akong nanonood ng tv. Tumayo ako para kumuha ng tubig sa kusina. Sya naman ay sumunod sa akin. Bumalik ako sa sala. Sumunod din sya sakin. Maya-maya ay bumalik ulit ako sa kusina para kumuha ng chichiriya na makakain. At sumunod pa rin sya. Pabalik na ulit ako sa sala pero huminto ako sa paglalakad.

"Uhhh... kailangan ba talaga palagi kang nakasunod sakin?" tanong ko.

"Guardian Angel di ba? Mamaya, madapa ka pa dyan." masungit nyang sagot.

Nagpatuloy ako sa sala. Pero sa halip na umupo sa sofa at manood ay pinatay ko ang tv at humarap sa aking Guardian Angel na relax na relax na nakaupo sa lounger.

Kahit na nag-aalinlangan akong tanungin itong lalaking ito ay susubukan ko na rin. Bukod kasi sa sobrang naiilang na ako sa kakasunod nya ay wala akong kaide-ideya kung bakit ako napadpad sa ganitong sitwasyon. Huminga ako nang malalim bago magsalita.

"Sorry pero... pwede bang ipaliwanag mo muna sakin ang nangyayaring ito?" tanong ko.

"Hindi." diretso nyang sagot na hindi man lang tumitingin sakin.

Patience Mira. Patience.

Lord naman, ano ba itong pinadala nyong anghel... NAPAKA. Tss.

Tinitigan ko nalang sya nang matiim na para bang sinasabi ko na hinihintay ko ang mga sunod nya pang sasabihin.

Maya-maya ay bumuntong-hininga sya at nagsalita, "Sige sige na. Makinig ka dahil hindi ko na ito uulitin kahit magmakaawa ka pa."

Magsasalita rin pala, kailangan pa ng mean introduction? Tss..

"May mga taong nagtataglay ng mataas na ispiritwal na kakayahan kaya naman nakakakita sila ng mga nilalang na hindi kayang makita ng isang normal na tao." Tumingin sya sakin. "...at isa ka don." pagpapatuloy nya.

Ako? Hindi naman ako nakakakita ng multo buong buhay ko ah. Kinuha nya sa bulsa nya yung kwintas na nasira kanina at pinakita sakin. "Itong kwintas na to ang kailangan namin para hindi kami makita ng mga katulad mo."

Ganun pala.

"Kailangan lang naman na ayusin yang kwintas di ba?" sabi ko kay Kiel.

"Hindi ito katulad nung kwintas na ginagawa mo na pag tinuhog ang beads at naibuhol, ok na." sabi nya.

Magrereact pa sana ako kung pano nya nalaman na nagagawa ako ng kwintas. Oo nga pala, Guardian Angel ko sya.

"E kelan maaayos yung kwintas?" tanong ko. Sobrang nakakailang na kasi ang presensya lalo na at palagi pang sunod nang sunod. Tapos, ganito pa ang ugali.

"1 month." sabi lang nya.

"Ano?!" bulalas ko.

"1 day."

My Guardian Supladong Angel (Completed)Where stories live. Discover now