Chapter 1

1.1K 15 2
                                    

NALUKOT ang mukha ni Wanda sa narinig mula sa kaibigang si Norman.

"Pip naman," ungot ng lalaki, gamit ang pet name nito para sa kanya. "Kasubuan na 'to. Nakipag-deal na ako kay Jeff. Kung sino'ng walang kasamang girlfriend sa reunion ng Bermudez clan this year, siya ang magiging private nurse ni Lola Faustina for the whole month of May. ."

Nagkibit-balikat lang si Wanda at saka nginusuan ang kaibigan. "Bahala ka sa buhay mo!" aniya.

"Wanda?" Hindi makapaniwala ang lalaki sa narinig. Exaggerated na pinalaki ni Norman ang mga mata. "Tell me na nagpapakipot ka lang, na hindi mo 'ko matitiis!"

"No way," si Wanda.

"Please naman, o!"

"Bakit ba ako pa'ng napili mo, eh, ang dami-dami namang ibang girls diyan? Alam mo namang may pagka-antisocial ako, 'no? Tapos isasabak mo 'ko sa reunion ng clan ninyo. . You're kidding!" sabi ni Wanda.

"Ang sama mo talagang kaibigan," pangongon-siyensiya nito.

Kamuntik na siyang matawa sa bahagyang pagkakataas ng isang kilay nito. Obvious na obvious ang pagiging homosexual ng kaibigan. Si Norman ay isang typical example ng closet queen—tough and suave kunwari on the surface, pero huwag ka at mas malandi pa ito sa kanya. 

Nagmula sa isang kinikilalang angkan sa kanilang lalawigan, isang curse ang pagiging bakla ni Norman dahil hindi nito mae-express nang malaya ang pagkatao. Isa si Wanda sa iilang close friends nito na nakababatid sa pinakamaselang sekretong iyon.

"Okay, okay," mayamaya ay sabi niya.

"Pumapayag na ako.. "

Bigla itong napangiti sa narinig. "Hayan," sambit nito na halatang labis na nasiyahan. "Sabi ko na nga ba, I can count on you for always. You're my bestest best friend talaga!"

"Tse!" taas-kilay na irap niya. "Pumayag lang akong maging girlfriend mo for a day dahil pinakamaganda ako among your female friends, 'no?"

"WOW, YOU look fabulous!" siyang-siyang bulalas ni Norman nang matapos si Wanda sa pagbibihis. "Kaunting make-up na lang at pang-Miss World na'ng beauty mo."

"Ay, ayokong mag-make-up!" tanggi ni Wanda. "Lipstick na lang. ."

Pinanlakihan siya ng mga mata ni Norman. "No way. Napaka-dull naman nang walang make-up. Saka use these pearls I borrowed from my aunt."

Wala nang nagawa si Wanda kundi magpatianod sa gusto ng kaibigan. Ito ang nag-apply sa kanya ng make-up at nag-ayos ng kanyang buhok.

Nang matapos, napapalatak si Norman sa paghanga sa kanya. "Gosh, Pip, para kang moviestar! No doubt, ikaw ang nawawalang twin sister ni Winona Ryder. I'm sure kapag nakita ka ng mga pinsan ko, maiinggit sa akin ang mga gagong 'yon!"

Inirapan lang niya ang kaibigan. "Bolerong bakla!"

"No, hindi kita binobola. Red is really your color. Bagay na bagay sa 'yo, o."

Nang sipatin ni Wanda ang sarili sa salamin, nasiyahan din siya sa nakitang repleksiyon. Maganda nga pala ang suot niyang spaghetti-strapped at ankle-length na pulang bestida. Tinernuhan niya iyon ng sandals na pula at kulay-krema ang strap. Tamang-tama naman ang pearls at mamahaling shoulder bag na ipinahiram sa kanya ni Norman.

"Hmm. . you're right," nakatawang sabi niya. "I look devastatingly gorgeous. Sana may pinsan kang kamukha ni Brad Pitt para hindi naman masayang ang pormang 'to."

"Brat Pitt?" turan nito. "Walang Brad Pitt pero may Christian Slater. . Puwede na ba 'yon sa 'yo?"

"I don't have the hots for Christian Slater," sabi niyang inginiwi ang mukha, "but we'll see."

Bawal Mo Siyang Mahalin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon