Chapter 4

324 9 1
                                    

MAG-ISA at tahimik lang na nagta-thumb suck sa backseat ng itim na Honda Civic si Collin. Wala itong pakialam sa mundo, tulad ng lahat ng autistic people.

Samantalang si Wanda naman ay inip na inip na sa biyahe. "Ano, malayo pa ba?"

"Kaunting tiis na lang, Wanda," tugon ni Abe. "Kung hindi tayo na-traffic sa Alabang, baka kanina pa tayo nagpi-picnic sa tabing-ilog. Sinabi ko kasi sa 'yong alas-singko ang larga natin, akalain mong abutin ka ng alas-siyete sa paliligo."

Nakahalukipkip na umirap siya. "Malay ko bang matatrapik tayo nang gano'n katagal sa Alabang?"

Hindi na ito sumagot. Itinuon nito ang atensyon sa pagmamaneho.

Ipinikit na lang ni Wanda ang mga mata, hanggang sa mamalayan niyang nakahinto na naman ang sasakyan. Pagdilat niya, sinalubong siya ng bumper-to-bumper na linya ng mga sasakyan sa unahan.

Napasimangot siya. "Saan na ba ito?"

"Sto. Tomas."

Muli, humalukipkip siya at pumikit.

"Kung nagmadali ka kasi, hindi sana tayo aabutin nang ganito katagal sa daan. ." narinig niyang reklamo ni Abe.

Bigla siyang napadilat sa narinig. Hinarap niya ito. "Hoy, hindi ko kasalanan kung ganito katindi ang traffic papunta sa probinsiya n'yo, puwede ba?"

"Kung hindi tayo inabot ng alas-siyete sa bahay, hindi tayo mata-traffic nang ganito."

Sinulyapan siya nito at saka maasim ang mukhang ipinako ang tingin sa unahan.

Sumimangot si Wanda.

"May aksidente siguro sa unahan," mayamaya'y wika ni Abe.

Hindi siya sumagot. Muli siyang pumikit at isinandal ang ulo sa headrest.

PUPUNGAS-PUNGAS na kinusot ni Wanda ang mga mata nang maramdaman ang pag-alog sa kanyang balikat.

"Are we there yet?" naghihikab pang tanong niya.

"Finally," tugon ni Abe. "Baba na."

Pag-ibis ng kotse, iginala niya ang paningin sa paligid. Magara ang tahanang bumungad sa kanya. Halos kasinlaki rin ng mansiyon sa Valle Verde, mas mukha nga lamang luma.

Ancestral house siguro, naisip niya.

Mas maganda ang hardin doon. May artificial pond pa sa isang sulok. May grotto. Napuna rin niya ang isang munting gargoyle sa isang sulok ng hardin. May fountain din. Sa gilid ay may nasilip siyang isang malaking swimming pool.

Ang yaman talaga nila, napabuntong-hiningang wika ni Wanda sa sarili. No wonder he's so arrogant.

"Pasok na sa loob," sabi ni Abe mula sa kanyang likuran. Karga nito si Collin.

"Ipasusunod ko na lang ang mga gamit sa loob."

Lalo siyang namangha sa magarang interior ng bahay. Puno ng antique na kasangkapan ang living room. Very prominent ang mga banga na nakapuwesto sa bawat sulok ng sala, lalong-lalo na iyong mga nasa gilid ng hagdanan.

"God, it's beautiful," anas niyang kababakasan ng paghanga.

"This was my mom's ancestral house," sabi ni Abe.

Nilapitan niya ang isang malaking banga na nasa sulok. "Ang ganda naman nito. ."

"My great-great-grandfather's wedding gift for my great-great-grandmother," paliwanag nito.

"Galing 'yan sa Java."

"My God. . a real work of art!"

Naiiling na tumawa si Abe. "You surprise me. I never thought you could fancy antiques."

Bawal Mo Siyang Mahalin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon