Chapter 10

310 8 1
                                    

HINDI dalawin ng antok si Wanda. Biling-­‐‑baligtad siya sa higaan. Kanina pa siya kating-­‐‑kati na i-­‐‑dial ang numero ng telepono sa mansiyon ni Abe sa Valle Verde.

Kahit man lang tinig nito. .

Sa wakas, matapos makapagbulay-­‐‑bulay, nagdesisyon siyang tawagan ang numerong memor-­‐‑yado niya sa kanyang puso. Sabi niya sa sarili, mangungumusta lamang siya. Si Collin. Ang bago nitong governess. At si Abe, siyempre. Pero hindi nga lang direktahan.

Abot ang sasal ng kanyang dibdib nang mag-­‐‑ring ang telepono. Pakiramdam niya'y nagyeyelo sa lamig ang kanyang mga palad sa pagkakahawak sa handset. Ang kanyang mga tuhod na dati-­‐‑rati ay tila gulaman sa paglalambot, ngayo'y parang pinupulikat at nagyeyelo. Ang buong katawan niya ay nanlalamig dahil sa kaba.

"Hello.. ?"

Saglit niyang sinuspindi ang paghinga. Katulong sa mansiyon ang nasa kabilang linya.

"Ah, h-­‐‑hello? S-­‐‑si Wanda 'to."

KAMUNTIK nang mabitawan ni Wanda ang hawak na handset nang marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya.

"A-­‐‑ano? W-­‐‑wala 'kamong tagapag-­‐‑alaga si Collin ngayon?"

"Wala nga. Pag-­‐‑alis mo, hirap na hirap na naman kaming lahat dito. Ang hirap pakainin ng batang 'yon!"

Shocked pa rin siya. "Ang ibig mong sabihin. . walang pumalit sa akin nang umalis ako diyan?"

"Wala. Palagi ngang mainit ang ulo ni Sir, eh. Ewan ko ba ro'n. Baka nababanas kay Collin dahil halos hindi na nga kumakain 'yong bata. Nagpa-­‐‑advertise na si Sir sa Inquirer nitong nakaraang Sabado. Kahapon ay may ilang kumontak sa kanya. Sana naman, makakuha na siya ng mag-­‐‑aasikaso sa bata.. "

Pakiramdam ni Wanda ay nag-­‐‑uusok ang kanyang bumbunan nang mga sandaling iyon.

MADALING hanapin ang opisina ni Abe sa Makati.

Pagbaba ni Wanda mula sa sinasakyang taksi, pakiramdam niya'y nagsisimula na namang manginig ang buo niyang katawan. At iyon ay hindi dahil sa excitement sapagkat magkikita na silang muli ni Abe, kundi dahil sa galit sa binata.

Okay. . who am I kidding? naiinis na bulong ni Wanda sa sarili. Totoo, nae-­‐‑excite din siya dahil magkikita silang muli ng lalaking minamahal. Pero naiinis pa rin siya. Pakiramdam kasi niya'y binale-­‐‑wala lang siya nito. Para bang wala siyang kahala-­‐‑halaga rito.

Pero teka. . biglang-­‐‑preno ang kanyang isip. What did I expect? May halaga ba talaga siya kay Abe?

Nangasim bigla ang kanyang mukha dahil sa isiping iyon. Ang inis na nadarama ay napalitan ng mas malalim na pagkayamot. Nang galit.

Pero galit nga ba ang nararamdaman niya para kay Abe?

Hindi marahil dahil nasasaktan pa siya.

"I'm looking for Mr. Bermudez," sabi ni Wanda sa sekretaryang bumungad sa kanya.

"Do you have an appointment?" walang-­‐‑interes na tanong nito.

"N-­‐‑no, but I'm sure he'll see me," sagot niya.

Tiningnan siya ng babae. "Your name, please."

"Wanda Gorres."

"I'll call him."

Nang marinig niya sa intercom ang tinig ni Abe, may pumitlag sa kanyang dibdib. Agad niyang hinamig ang sarili. Wala itong dapat mahalata.

"A certain Wanda Gorres would like to see you, Sir," anang babae sa intercom.

Bawal Mo Siyang Mahalin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon