Chapter 12

310 7 1
                                    

SA NAKITANG paglalambingan nina Jenny at Abe, nagdesisyon si Norman na huwag na lang ipagtapat sa tiyuhin ang totoo tungkol kay Wanda. Para ano pa ang iko-confess niya gayong nagkakamabutihan na pala ang magkababata. For all he knew, baka si Jenny at hindi si Wanda ang dahilan ng tantrums ni Abe!

Samantalang si Wanda naman ay tila nahuhulog na rin kay Derek. Anupa't sabi sa kanya ng ina nito, nagbabakasyon daw ang dalawa sa probinsiya ng magulang ng lalaki. Wala naman sigurong masama. May pagka-eccentric lang si Derek at medyo makulit pero mukha namang mabait at mahal na mahal si Wanda.

Pero bakit gano'n? naisip niya. Bakit parang may munting tinig na nagbubulong sa kanya na hindi para sa isa't isa ang dalawa? Para bang hindi magiging lubos na maligaya si Wanda sa piling ni Derek sakaling makatuluyan nito ang balik-bayan.

Maybe I'm just being paranoid again, sabi na lang ni Norman sa sarili. Baka nagiging negatibo lang siya masyado. O baka naman at the back of his mind, si Abe ang gusto niyang makatuluyan ng kanyang matalik na kaibigan? Makakasiguro kaya siyang with Abe liligaya si Wanda nang lubusan? Kilala niya ang tiyuhin. Wala itong faith sa relationships, what more kung kasal ang pag-uusapan. Walang future ang pinakamamahal niyang best friend sa piling nito, kaya nga the moment na makita niya ang spark of interest sa mga mata ni Abe, ginagawan niya ng paraan na mapangalagaan agad si Wanda laban sa karisma nito.

"SPARE her, Uncle Abe," pabirong bulong ni Norman sa tiyuhin nang makita niya itong nakasunod ang tingin kay Wanda. Reunion iyon ng mga Bermudez. Patungo noon sa ladies room ang dalaga. "She's only seventeen... and she's my girl."

"S-seventeen?" Nagulat si Abe.

Tumawa siya. "She'll grow old enough, but until then, willing naman akong maghintay."

Nakita niya ang pagkadismaya—at panghihinayang—sa mga mata ni Abe. Right there and then, natiyak niya sa sarili na hindi nito sasalingin si Wanda. Alam niyang hindi nito maaatim na maki-paglaro sa isang menor-de-edad... at iyon lang ang kayang ibigay ni Abe, isang laro sa puso.

SA NAISIP ay lalong na-depress si Norman. He really wanted her to be happy, si Wanda. But how? Hahayaan na lang ba niya ito kay Derek o iuuntog niya ang ulo ng tiyuhin?

"NORM, come join us!" yaya ni Jenny ng mapansin siyang nakatayo sa di-kalayuan. Masaya itong nakikipagharutan kay Abe sa swimming pool.

Nginitian niya ang dalaga at saka umiling.

"Kayo na lang," tugon niya. "Mag-eempake pa 'ko, eh."

"Babalik ka na sa Maynila?" kunot-noong tanong ni Jenny.

Tumango na lang siya.

Bigla niyang naisip si Wanda. Magpapasukan na, saka pa nito naisipang magbakasyon. Hanggang kailan kaya ito maglalagi sa probinsiya nina Derek?

Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang mag-ring ang telepono. Mula sa balkonahe ay pumasok siya sa living room upang sagutin iyon.

"Norman?"

Agad niyang na-recognize ang tinig sa kabilang linya. "Wanda! Napatawag ka?"

"Yes. Ano, kumusta?"

"How did you know I was here?"

"Your answering machine told me."

"Nasaan ka ngayon?"

"Dito, sa Candelaria."

"Candelaria?" nagtatakang gagad ni Norman. "What are you doing there? Malapit lang 'yan from here, ah!"

"Oo, nadaanan nga namin ang Tiaong from Manila, eh. Nandito ako sa haunted house ng grandparents ni Derek. Could you come over? Nababato na ako rito. Derek is out fishing with his cousins. Bored na bored na ako! Alam mo kung sino'ng kasama ko rito? Iyong tita niyang old maid na bingi!"

Bawal Mo Siyang Mahalin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon