Chapter 3

378 10 2
                                    

PALIHIM na kinurot ni Wanda ang dalawang kapatid nang mahinang mapatili sina Millie at Penny pagkakita kay Abe. Magkakatabi silang nakaupo sa malambot na sofa sa living room ng mansiyon habang hinihintay ang paglabas ng lalaki.

Napangiti lang si Norman sa dalawang dalagita.

"Shucks, Ate, I'm gonna faint na!" impit na bulong ni Millie nang humakbang si Abe palapit sa kanila. "Ang guwapo-guwapo talaga!"

"Siyanga, Ate," kinikilig ding wika ni Penny. "Finally, na-meet ko na ang soulmate ko!"

"Mga sira!" singhal ni Wanda. "Para kayong engot, ano? Tumigil nga kayo..."

"Norman, Wanda.." nakangiting bati ni Abe nang tuluyan na itong makalapit sa kanila. "And these two lovely young ladies here...?" Kay Norman ito tumingin.

"They're Wanda's sisters, Uncle," maagap na sagot ni Norman. "Sina Penelope at Millicent."

Napangiti si Abe at tumingin sa tatlong babae. "Penelope, Millicent... and Wanda. What nice names."

Muling kinurot ni Wanda ang mga kapatid nang magsimulang kiligin na naman ang mga ito at paypayan ng dalang abaniko ang mga sarili gayong kay lamig-lamig naman ng air conditioning.

"Dito na kayong lahat mag-lunch," sabi ni Abe. "Norm, ikaw na'ng bahala sa kanilang tatlo. I have a staff meeting mayamaya nang kaunti."

"Okay, Uncle," sagot ni Norman.

Binalingan sila ni Abe. "Feel at home, ha?"

Nakangiting tumango si Wanda sa lalaki.

Ngumiti rin ito. "Ang gaganda naman ninyong magkakapatid..."

"Thank you," mabilis na sagot ni Penny. Siniko niya ang kapatid.

Natawa si Abe. "She's very pretty," anito sa kanya. "And smart..."

Kiming ngiti lang ang itinugon niya rito.

Nang makapagbilin kay Norman at sa mga katulong, tuluyang nagpaalam na ang lalaki. Kinagabihan na lang daw nila pag-uusapan ang tungkol kay Collin, pag-uwi nito.

"Dapat pala, mamayang hapon na lang tayo nagpunta rito," sabi ni Norman. "Nakalimutan ko naman kasing sabihin sa 'yo na every morning, busy si Uncle Abe sa kanyang business."

"Mabuti na 'yong maaga, 'no?" ani Wanda. "Siyempre pa-impress muna on the first day, 'di ba?"

"Ate, tiyak na mag-e-enjoy ka rito," sabi ni Millie. "Aba, mansiyon na nga itong bahay na ito, 'tapos ang guwapu-guwapo pa ng kasambahay mo. Wow! Super-bongga, 'no?"

"Pati mga maid, naka-uniform pa," susog ni Penny. "At ang laki-laki ng swimming pool sa gilid!"

"Wow, Ate.. para ka namang nagha-holiday rito. Daig mo pa ang nasa hotel. Iyon nga lang, walang maraming guwapong turista at exclusives!"

"At saka bellboys," nakangising sabad ni Norman.

"Norm, nasaan nga pala ang parents ni Collin?" mayamaya ay tanong ni Wanda.

Nagkabahid ng lungkot ang mukha ni Norman. "They're both dead. Car accident."

"Kailan pa?"

"Six years ago."

"I see."

Tumango si Norman. "Only brother ni Uncle Abe si Uncle Freddie. Mas matanda 'yon sa kanya."

"Gano'n ba? Eh, ang parents nila?"

Umiling ito. "Baby pa lang si Uncle Abe nang mamatay si Lola Beata. Si Lolo Wifredo naman, inatake sa puso at namatay noong ten years old si Uncle Abe. May istorya kasi. ." Nagkibit-balikat ito. "Nag-asawa ulit si Lolo Wilfredo, batang-bata. Kinaliwa tuloy siya. Kaya hayun, inatake sa puso ang pobreng matanda nang mahuli ang haliparot na may katsuktsakang hombre!"

Bawal Mo Siyang Mahalin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon