Chapter 5

290 9 1
                                    

"NANAY Ising, nasaan ho ang magtiyo?" tanong ni Wanda sa pinakamatandang katulong sa villa.

Kadarating lang niya mula sa pamamalengke sa town proper ng Tiaong kasama ang isa pang katulong.

"Kow, namasyal sa kabilang ilog," tugon ng matanda. "Bibisitahin daw ni Abraham ang taniman ng kamatis at talong doon."

"Mga anong oras ho kaya sila darating?"

"Baka makapananghalian na."

Inabala na lang niya ang sarili sa pagpe-prepare sa ibe-bake na cake at lasagna upang palisin ang pagkainip.

"Tutulungan na kita, Wanda," sabi ni Yolly, ang dalagang katulong na kasama niyang nagpunta sa bayan.

"Ay, huwag na lang, Yolly," magalang niyang sagot. "Hindi ako sanay nang may katulong sa pagkilos sa kusina, eh. Mas enjoy ako kung mag-isa lang. At saka maabala ka pa sa ginagawa mo."

"Naku, hindi naman," maagap na tugon ni Yolly. "Libangan ko lang naman ang pagko-cross-stitch, eh."

"Sige na," nakatawang taboy niya rito. "Mag-cross-stitch ka na lang para naman matapos mo kaagad 'yan. Gusto kong makita bago kami umuwi sa Maynila."

"Sige, pero 'pag may kailangan ka, nasa balkon lang ako, ha?"

Nakangiti siyang tumango sa babae. Pagkaalis nito ay nag-umpisa na siyang magprepara ng ingredients para sa cake. Mag-a-ala-una na, sabi ng kanyang wristwatch. Tamang-tama, tiyak na nakabalik na mula sa farm ang magtiyo pagkatapos niya. Just in time for merienda.

Nang maisalang ang concoction sa oven, inumpi-sahan niya ang gagawing lasagna. Pagkatapos ay ang siomai naman. Bago mag-alas-kuwatro, nakahanda na ang lahat. Gaya ng inaasahan ni Wanda, nakabalik na sina Abe at Collin mula sa farm.

"Nagluto ka raw, ah," nakangiting bungad ni Abe sa kanya.

"Gosh, bakit ganyan ang hitsura n'yong dalawa?" bulalas niya pagkakita sa magtiyong kapwa nanlilimahid sa dumi ang mga suot na damit.

Nagkibit-balikat si Abe. "Napasabak kami sa pamimitas ng kamatis, eh.. "

"Pati si Collin?" excited niyang tanong, nagningning ang mga mata.

Tumango si Abe, ngiting-ngiti ito at mababanaag ang nagbi-beam na pride sa mukha.

"He was even laughing with me! And I think I heard him say 'Abe'. . hindi lang masyadong clear."

Nabalot ng labis na tuwa ang buong katauhan ni Wanda sa narinig. Awtomatiko siyang napasugod ng yakap sa paslit.

"You really did, ha, Collin?" Sinundan niya iyong ng tawa sa sobrang galak. "You could speak!"

Nakitawa na rin sa kanya si Abe. "I thought you'd be thrilled to hear about it. ."

"Well, I am," excited pa ring tugon niya. Bigla niyang naalala si Hazel na pansamantalang nawaglit sa kanyang isip.

"Oh, naalala ko, may friend akong speech therapist. Puwede ko siyang konsultahin about Collin's case. Maybe it's not yet too late for him to speak. Baka makatulong ang speech therapy. ."

Ngumiti si Abe. "Let's talk about it over your lasagna and siomai."

"Okay," nakatawang tugon niya. "Pero magbihis muna kayong dalawa, please lang!"

"MARUNONG ka palang magluto.. "

"It runs in the family," tugon ni Wanda. "Magaling ding magluto si Mama, and my lola before her. Kahit mga sister ko, they can cook din."

"So, masuwerte pala si Norman sa 'yo.. "

Napangiwi siya sa narinig. "Isiningit mo na naman si Norman.. "

Bawal Mo Siyang Mahalin - CamillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon